PANGARAP NG PUSO

PANGARAP NG PUSO
Aug. 6,1999


I.
Sa bawat araw nitong aking buhay
Mayroong pangarap na ibig makamtan
Ang laging laman ng aking dasal
Sana ako ay makapagtagumpay

KORO
Buhay walang hanggan pangarap ng puso
Doo’y mapapawi lahat ng siphayo
Sa piling ng Ama’t ni Hesus kong kasuyo
Doon ang ligaya’y hindi maglalaho

II.
Kapag dumarating ang mga pagsubok
At itong dibdib ay parang dinudurog
Ang alaala ko’y si Hesus na irog
Di magpapabaya sa Kanyang mga lingkod
(ULITIN ANG KORO)

BRIDGE
Bayang banal mararating
Dios Ama’y makakapiling
Pangarap ko ay kakamtin
Sa tulong ni Hesus kong giliw
Magwawakas itong panimdim
(ULITIN ANG KORO)

CODA
Makakamtan ang pangarap ng puso

 

 

Back home
Hosted by www.Geocities.ws

1