SALAMAT SA IYO, OH AMANG BANAL
(Tune: MAGANDANG GABI)
Ito nang aming hinihintay
Upang makapaghandog ng pasasalamat
Nananabik ang puso na itong may galak
Mayroong sigla sa ‘ming dibdib
Pagpupuri sa Dios, Poon na marikit
Iniaalay itong buhay pati ang lakas
CHORUS
Salamat sa ‘Yo, Hesus na mahal,
kami’y nagagalak
At kami ay tinubos ng dugo’t
pagmamahal Mo
Salamat sa ‘Yo, oh Amang banal,
kami’y nagagalak
At amin nang narinig aral Mong walang
mali
Inalis Mo ang taglay na lungkot
Suliranin ay bigla ring nalilimot
Aral Mo ay mabisa ngang gamot
Sa indak nitong musikang iniaalay
Nararamdaman ang pintig sa pusong
buhay
Mayro’ng tamis at mayroong kulay
(REPEAT CHORUS)
BRIDGE
Nang dahil sa Iyong awa kaming
dukha’y hinirang Mo
Kundi dahil sa ‘Yo Ama kami’y wala
rito (kami’y wala rito)
Ito ang sandaling hinihintay
Sana’y di magwakas sandaling
nagniningning
Alay sa Amang maawain
CODA
Salamat sa ‘Yo, maraming salamat
Sa Iyo Ama, kami’y binigyan ng pag-asa
|
|