KUNG BAKIT

KUNG BAKIT
Aug. 1999


I.
Huwag matakot kung mayr’on mang kapighatian
Ito ay may hatid sa ‘tin na kabutihan
Isipin mo na ang lahat ng mga bagay
Nangyayaring may dakilang kadahilanan

II.
Masakit isiping tao ay namamatay
Sa likod naman nito’y buhay walang hanggan
‘Pag dumarating na ang mga kalumbayan
Pakatandaan na may dakilang kadahilanan

KORO
May dahilan ang lahat ng mga pangyayari
Kung bakit may lungkot at minsa’y dalamhati
Iyong unawaing may layuning mabuti
Kung magtitiis may paraisong ganti

III.
Minsan kapag itong puso ay nagdaramdam
Sakit nito’y tila ‘di mo maunawaan
Pagpatak ng luha ‘di kayang mapigilan
Ang isip ay napupuno ng katanungan
(ULITIN ANG KORO 2X)

CODA
Kung magtitiis may paraisong ganti

 

Back home
Hosted by www.Geocities.ws

1