KAILAN
Sept. 1999
I.
Kabataan, dinggin mo ang panawagan
Puso’t isip ay bulagin sa kasamaan
Ang bagay ng sanlibuta’y napaparam
Karangalan dito’y walang kabuluhan
KORO
Ang iyong lakas, ang iyong buhay sa
Dios Ama’y ialay
Habang ikaw ay bata pa maglingkod sa
May lalang
Tahakin ang landas ng katotohanan
Sama-samang kakamtin bayang banal
II.
Wala na ngang kailangang hanapin pa
Maliban sa pag-ibig ng Dios Ama
Ang ligaya sa piling N’ya’y ibang-iba
Laging sapat ang Kanyang mga biyaya
(ULITIN ANG KORO)
III.
Kailan ka pa tatalikod sa iyong layaw
Kung huli na’t wala na ang kaluguran
Ngayon na nga panahon ng kaligtasan
Abutin mo nakaunat N’yang kamay
(ULITIN ANG KORO)
CODA
Sama-samang kakamtin bayang banal