KAIBIGAN
July 13, 1999
I.
Kung kailangan mo ng kaibigan
Narito kami’t sa ‘yo’y naghihintay
Hinding-hindi ka namin iiwanan
Hanggang kamataya’y ipaglalaban
KORO
Marami na kaming pinagdaanan
Pagod, puyat, sakit ng kalooban
‘Di mabilang araw na nag-iiyakan
Sa ibabaw ng lahat katuwaan
II.
Higit sa kapatid ang aming turingan
Tunay na kaibigan, tapat ang samahan
Kapag nagkikita ayaw maghiwalay
Laging inaabot ng madaling araw
III.
Isa ang dahilan at nagkasama
Layon ng pusong maglingkod sa Dios
Ama
Matibay na buklod ng pagkakaisa
Buong kagalakang susunod sa Kanya
(ULITIN ANG KORO)
BRIDGE
Walang iwanan hanggang kamatayan
Walang bibitaw kahit mahirapan
Walang iwanan hanggang kamatayan
Walang bibitaw kahit mahirapan
* Tulung-tulong sa ‘ting pagdadalahan
Pasaning mabigat t’yak na gagaan
(ULITIN ANG KORO AT BRIDGE)
|
|