KAHIT NA
I.
Kahit na magtiis
ng dusa at lumbay
Kahit ang buhay
ko’y bawii’t pumanaw
Kahit na maglaho
pati kaibigan
Pag-asa’y may Dios Amang papatnubay
II.
Kahit na usigin
at alimurahin
Kahit na sino
pa sa aki’y magtakwil
Huwag lamang sanang sa ‘kin ay bawiin
Espiritung buhay, aliw sa panimdim
KORO
Buhay ko’y ipaglilingkod
sa ‘Yo Ama
Hanggang wakas pangako ko’y magbabata
* Ang samo ko at dalangin
h’wag iiwan
** Ang awa at kalinga Mo’y aking kailangan
(INSTRUMENTAL)
(ULITIN ANG II STANZA)
(ULITIN KORO)
BRIDGE
Kamay ko’y abutin
Mo, oh Ama
(ULITIN ANG KORO 2X)
(ULITIN ANG *)
(ULITIN ANG **)