HINDI KO KAYA

HINDI KO KAYA
Aug. 1999


I.
Nang tanggapin ang banal na bautismo
Ako ay sumumpang maglilingkod sa ‘Yo
Habang nabubuhay susunod ako
Kung kasama Ka buhay matatamo

II.
Aanhin ko ang mga kayamanan
Kung ako nama’y Iyong iiwanan
Aanhin ko ang sa mundo’y mabuhay
Kung ‘di rin lang Ikaw ang paglilingkuran

KORO
Hindi ko kayang mag-isa sa buhay ko
Hindi ko kayang wala Ka sa piling ko
‘Di ko kayang mabuhay kung iiwan Mo
Ikaw ang tanging pag-ibig ko
(ULITIN ANG II STANZA )
(ULITIN ANG KORO 2X)

CODA
Hesus, Ikaw ang pag-ibig ko

 

Back home
Hosted by www.Geocities.ws

1