Comp. by: Bong Rueda
Dec. 1999
Dinggin Mo kami, dinggin Mo
I.
Lumipas na naman ang isang
buong taon
Sa buhay nami’y nagdaraan
ang mga panahon
Binigyan kami ng kay
gandang mga pagkakataon
Upang mag-alay papuri sa ‘Yo aming
Panginoon
Buhay at pag-asa kami’y Iyong binigyan
Kaya’t marapat pasalamatan
Salamat sa Iyo Ama, ay aming iniaalay
Salamat sa Iyo Ama, hanggang wakas
nitong buhay
At magpakailan pa man aming
papupurihan
Hanggang sa kalangitan
II.
Sumapit na naman sandaling hinihintay
Upang kami’y makapaghandog
at sa ‘Yo’y makapagpugay
Ito’y tungkuling hindi kalilimutan kailan pa man
Sa buhay na ito hanggang sa
magpakailan man
Bayan Mo sa silangan
ay Iyong kinalugdan
Kaya’t marapat pasalamatan
(REPEAT CHORUS)
BRIDGE
Aleluia (7x)
Kami’y Iyong tinawag upang maging
ganap
Kaya’t marapat Kang pasalamatan
(REPEAT CHORUS)
CODA
Alaleuia (3x)
|
|