DALA KONG NAKALIMBAG
1996
I.
Pagsubok ay dumarating, sapin-saping
kapanglawan
Puso’y ibig na manghina, tila hindi
makayanan
Araw-gabi ay balisa, diwa’y hindi
mapalagay
Nangangambang baka bukas sa Dios
Ama’y mapawalay
II.
Subalit ‘pag sumagi na sa pagod na
kaisipan
Bawat latay’ pagtitiis ni Hesus na
minamahal
* Buhay Niya’y ibinuwis doon sa krus
nabayubay
Na ako rin ay magbabata pagsubok na
dumaratal
REFRAIN
Sa maliit na paraan sa hirap Niya ay
karamay
Sa bawat pagpatak ng luha sa aking
mata
Dahil sa hirap at kalumbayang
dinadala-dala
Si Kristo Hesus sa gunita ko’y
nagpapaala-ala
Higit sa dinaranas ko ang Kanyang
binata
(ULITIN ANG *)
KORO
Dala kong nakalimbag sa aking
katawan
Ang tanda ni Hesus magpakailan pa
man
Dala kong nakalimbag sa aking
katawan (puso ko’t laman)
Mga halimbawang Kanyang iniwanan
** Pangako sa Iyo Ama magtitiis
habang buhay
Tulungan Mo ako na makapagtagumpay
(ULITIN ANG KORO)
(ULITIN ANG **)
CODA
|
|