|
"Alkohol" Circus
Di mapigil paggalaw, nagwawala, nagdadabog Oi pare dahan-dahan lang muntik ka nang mahulog My taong bumubulong, meron ding sumisigaw Meron pang nag-iingles na parang kanong hilaw Bigla nalang natutulala, umiiyak, tumatawa Meron ding nagnanakaw at may nawawalan ng pera Sumusuray paglumakad, nadadapa, nauuntog Pagdinalaw ng antok, kahit saan natutulog May taong paggalas na parang luko-luko Kung saan ka man abutin, CR mo buong mundo Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, alkohol Di mapigil ang bibig, pati sikreto nasasabi Nasusuka, kumakanta, napa-praning sa isang tabi Kaya ko pa, kaya ko pa, yan ang laging sagot niya Nananaginip ng gising pumupungay ang mata Konting alak nalulunod lumalakas ang loob Umeekis, gumagapang, natitisod, sumusubsob Labu-labo, sari-sari may naghahanap ng away Binabangungot ng gising meron ding namamatay Lumiliwanag, dumidilim, bumabait, tumatapang Umiikot ang tingin utak mo'y kinakalawang Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, alkohol Lumiliwanag, dumidilim, nadadapa, nauuntog Pagdalawin ng antok kahit saan natutulog Bukas may hang-over ka paggising masakit ang ulo Paano ba ko nakauwi shet kailangan ko ng yelo Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol Alkohol, alkohol, alkohol, alkohol Alkohol, alkohol, alkohol, alkohol
|
|