THE WHITE TABLE
Where views are clear.

HOME    ABOUT    ARTICLES    LINKS     CONTACT ME     SITE MAP

THE WHITE TABLE

NEWS
FEATURES
OPINION


RECENT POSTS

Publicity Trail

YES para sa CRSRS

Online Journalism


"YES" para sa CRSRS

    Pagkakaisa ang naging susi sa tagumpay ng botong �yes� sa naganap na referendum upang maratipika ang Codified Rules for Student Regent Selection (CRSRS).

    Mayorya sa mga estudyante ng buong UP system ang bumoto ng �yes� sa isinagawang referendum mula Enero 26 hanggang 31. Ayon sa opisina ng Student Regent (SR), kung saan naroon ang pinal na tala, 26, 118 o 55 porsyento ng 47,365 ang nakipagkaisa sa nasabing referendum kung saan niratipika ng 73 porsyento o 19,068 ng kabuuang bilang ng mga estudyante ang CRSRS. Ang pagboto ng �yes� ay nangangahulugan ng pagpapanatili ng CRSRS bilang batayan sa pagpili ng SR na siyang nag-iisang kinatawan ng mga estudyante ng UP sa Board of Regents, ang pinakamataas na lupon na tagapagpasya ng Unibersidad.

    Ayon sa tala, nanalo ang �yes� sa 13 yunit ng Unibersidad: Diliman, Manila, Baguio, Los Banos, Pampanga, Cebu, Iloilo,Tacloban, Miag-ao, Mindanao, mga ekstensyon sa Baler, Aurora, at Palo, Leyte. Nakilahok rin sa pagboto ng �yes� ang Open University.

    Ang UP Mindanao ang siyang nakakuha ng may pinkamataas na porsyento sa pagboto ng �yes.� Samantalang ang Open University naman ang may pinkamababang porsyento ng pagboto. Sa UP Diliman, 7,962 o 65 porsyento ang nagratipika sa nasabing CRSRS.

ang bumoto ng yes at no

Sanggunian: The Philippine Collegian (http://collegiannews.multiply.com)

pinal na tally ayon sa SR

Sanggunian: The Philippine Collegian (http://collegiannews.multiply.com)

    Dahil nairatipika na ang CRSRS, magsisimula na ang nominasyon sa pagpili ng bagong SR na, ayon sa kasalukuyang SR na si Shahana Abdulwahid, isasagawa sa pagtitipong gaganapin ng mga estudyante para sa nominasyon. Maaring sa Abril diumano gaganapin ang nasabing pagtitipon.

    Naisulat sa artikulo ni Marjohara Tucay sa Philippine Collegian ang sumusunod na mga hakbang sa pagpili ng bagong SR base sa CRSRS:

1. Nominasyon
Bukas ang nominasyon sa kahit sinong estudyanteng naka-enroll sa UP sa oras ng nominasyon; namalagi o may residency sa pamantasan na isang taon, kabilang na ang leave of absence; mamamayan ng Pilipinas; at may track record na sumasalamin sa kanyang dedikasyon sa pagsisilbi sa mga estudyante. Matapos tanggapin ang nominasyon, kinakailangang magsumite ang nominado ng vision statement, curriculum vitae at biodata sa College Student Council (CSC) ng kolehiyong kinabibilangan niya.

2. Pagpili sa kolehiyo
Matapos ang nominasyon, pipili ang mga miyembro ng CSC na bubuo sa College Search Committee for SR Selection ng hanggang dalawang nominadong i-eendorso sa General Assembly of Student Councils (GASC). Gayon din ang gagagawin sa autonomous nay unit kung saan sa halip na CSC, University Student Council ang pipili ng hanggang dalawang nominado.

3. Prosesong System-wide
Bubuo ng isang GASC ang lahat ng mga USC at CSC sa buong UP upang pumili ng SR. Matapos magpakilala at maghain ng plataporma ng bawat nominado mula sa bawat yunit, pipili ang GASC ng tatlong kandidato at mula doon ay hihirang ng magiging susunod na SR.

Think Free by The Perfect White Shirt

QUICK LINKS

salamin2009
ernicai.deguzman
ejd_villar
cla_shrimp

katty_luvya
jeffmeinard_ramirez
ellamariedimaculangan
ghladz.08
katrinaelainealba
lapinkaboo


FEATURED WRITERS

Drei Bardos

HOME    ABOUT    ARTICLES    LINKS     CONTACT ME     SITE MAP

Copyright© 2009 The White Table

Hosted by www.Geocities.ws

1