sa lapis,
nagkakahugis
03292k2
naghihintay sa unti-unting paglagas
ng mga bagay na
sadyang pinaghirapang tinuklas
mawawala na ba?!
at babaha na lang ng luha
ang bukod tanging magagawa
para sa mga ninanais
na dinodrawing sa lapis
na di naman magkakahugis!
pinagmamasdan ang sarili't
wala na bang ngiting parating
lahat namamatay
at sadyang sumisigaw ng gudbay
hintayin mo ko't
pareho tayong papanaw
tulad ng aking pagsintang
naghahanap ng ilaw!
mawawala na ba?!
at mahuhulog na ang mga tala
ang bukod tanging magagawa
para sa mga hinagpis
na laging sinusulat sa lapis
at nagkakahugis!
/d8:good fri.
|
|
|