poeticus
bokz
::: Damdaming inililipad ng hangin
Sa ilalim ng lilim ng mga bituin
sa kalaliman ng kawalan ako'y napatingin
sa pananaw ng buwan, ako'y isang baliw
kaylaking kahangalan ba na ikaw ay mahalin.
Sa gilid ng bundok, ako'y nagsasalita
nagbabakasakaling madinig mo nga
hinaing ng pusong pilit pinipigil
habang inaawat ay lalong nanggigigil
Kasalanan ng kahapon ay aking nalimutan
noong sa buhay ko, ika'y nagdaan
sugat sa puso ko'y dagling nalunasan
kay bilis napawi ng ako'y iyong ngitian
Sana'y iyong mapansin, bulong ng aking damdamin
tamis ng pagsintang sa hangin ipinararating
sa Diyos na Maykapal ay lagi ng dalangin
sana ang damdamin mo sa akin ay gayon din.