poeticus

madshock

:::Pag-ibig sa iyo
by Oliver D. Santos
{11:12 n.g./ika-23 ng oktubre, taong 2001}


Ang mahalin ka ba ay isang kahangalan
kailan ba na ang kaduwagan ay naging kabayanihan
sadyang kay hirap na ikaw ay mahalin
dahil sa pilit kitang ninanais abutin.

Lumuluha ako sa di malamang dahilan
na para sa iba ay isa lamang kabaliwan
sino ba naman ako para hindi masaktan
kung ang aking minamahal ay hindi maingatan.

Malupit na mundo at mailap na kapalaran
ang makapiling ka ba ay mangyayari kailan?
lubhang masakit na ako ay mawalan
nang sinisinta na aking pinag-aalayan.

Puso at buhay ang sa iyo ay ibibigay
pag-ibig at pagkalinga lagi kong iaalay
pangarap at kinabukasan ay aking itutunghay
pagmamahal sa iyo kalakip ng aking buhay.

Ang makita ka ay lubhang nakakasabik
para di mo ko mahalata ay wala akong imik
kung mahalin ba kita ay di kaya masakit?
sa kalagayan kong ito ay mahirap manahimik.

Kung ating pinagsamahan ay di ko lamang iningatan
siguradong matagal ko sa iyo ay naipaalam
ang tunay na sa puso ko ay nararamdaman
pag-ibig ko kaya sa iyo ay mayroon pang hangganan?

Kasalanan ba ang mahalin ka ng labis?
resulta kaya nito ay pasakit at hinagpis?
nadarama sa iyo ay akin pa kayang matitiis?
kung hindi ito tunay ay kailan kaya maaalis.


[ re-read | reverse ]

This poem is a property of Oliver D. Santos. No part maybe reproduced, copied, transferred to electronic media or printed material. Please do not copy unless permitted to do so. International copyright and treaties applied. All rights reserved.

copyright © 2001-2004
by Oliver D. Santos

Hosted by www.Geocities.ws

1