poeticus
madshock
::: Pighati, pagdurusa, at pagmamahal
Ako'y nagdurusa ng kay bigat at lubos
at nakadarama ng hinagpis at unos
bakit ba kailangan ko pang makaramdam
nang pag-iisang may pighati at alinlangan.
Kay tagal na kitang lihim na minamahal
ngunit hanggang ngayon ay ninanais itanghal
puso kong sawi ay umaasang ika'y makamtan
tanong ko'y bakit na lang laging nasasaktan.
Hindi ko malaman kung bakit ba kay hirap
na sa iyo'y sabihin ang nais kong isiwalat
matagal na kong nagdurusa sa nais ipahiwatig
ang tunay kong nadarama na ayaw mawaglit.
Ikaw ba ay manhid o sadya lamang bulag
o iyo talagang sinasadya na sa katotohana'y maduwag
hindi ka naman tanga para di mo malaman
ang pagmamahal na kay tagal ko ng inaasam.
Hindi ko mapigilan na ang sarili'y tanungin
ng mga katagang "mahirap ba kong mahalin?"
mga salitang nais sabihin at sa iyo'y ipagtapat
pag-ibig mo ay matagal ko ng hinahanap.
Papanaw akong baon ang iyong mga ala-ala
ating pinagsamahan na sa puso ko'y dinadala
ngunit mawawala ako ng di ko man lang nasasabi
na ang pag-ibig sa iyo ay higit at labis na malaki.
Kailan mo ba ididilat ang mga nakapikit mong mata?
bakit ba kay hirap na sa iyo'y bigkasin pa
di mo ba nadarama ang aking nais sabihin
sigaw ng puso ko ay di na kailangang sambitin.
Mahal kita, ika'y iniirog, at iniibig kita!
mga salitang tanging sa akin ay pumaparalisa
puso, buhay, isip, at pati aking kaluluwa
walang katapat na kaligayahan kapag ika'y nakasama