| Pasasalamat sa Iyo isinulat ng Kunwaring Makata |
| Salamat binibini at iyong nagustuhan ang munti kong alay na isang tula-tulaan. Ako ngayo'y nagagalak at lubhang nasiyahan sapagkat asarang sinimulan ay atin ng maiiwasan. Sana'y huwag makalimot sa isang naging kalaban na ang ninanais ngayon ay maging isang kaibigan. Kung ikaw ma'y nangangailangan at nais masoklolohan narito lang ako sa isang tabi upang ikaw ay alalayan. Maraming salamat ang aking masasabi sa isang kaaway na minsang umapi. Ngunit ngayo'y hindi na sapagkat ikaw ay kaibigan mga salitang binitawan noon ngayo'y dulot ang kaligayahan. Sandali lang teka muna mukhang ang usapan ay napapalayo na Mister Alaskador and ibinansag sa iyong kaasaran nung una pa. Wala pa rin akong masasabi at ibang mababanggit kundi ang kagandahang pilit na sa aki'y isinisingit... Ano pa ang masasabi ko dahil ewan ba kung totoo ang mga sinasabing sa akin ay lumilito... Ang sagot ko ay ito sa bansag mong ibinato Miss Pogi ang nababagay na dapat itawag ko sa iyo. Pero dahil kaibigan na kita aalayan na lang kita ng mga tulang ginawa para sa Poging dalaga... Siguro'y naiinis na naman pagkat ang asaran ay nasimulan ng aking tula-tulaang tila nagkukunwari lamang. Ngunit ang tula kong nilikha sa pagkukunwari ay di ginawa dahil sa tula nakasalalay mga binitawang salita. Huwag ka sanang mainis at ako ay kagalitan huwag rin naman sana akong kaagad ay husgahan. Pero sana'y ngumiti ka kahit ba di ko nakikita dahil sa isang pagngiti ay akin ng ikasasaya. Mukhang sumobra na yata ang pagkukunwaring makata dahil minsan sa aking buhay ay na-adik sa paggawa ng tula... |
| Kaya ngayon ay 'wag magtawa pagkat inaamin ko naman na ang aking kakornihan lumalabas sa anyo ng tula-tulaan. Puwede mo ring pagtawanan dahil sa aking kabaduyan sapagkat tulad ng binanggit na sobra sa kakornihan. Kung ikaw ay nagugutom at wala kang maiulam basahin lang ang tula dahil iyong matutuklasan... Na ang ulam ay di lamang sa tindahan makakamtan at dahil sa kakornihan ko ay may mais ka ng maiuulam. Hindi ba't ayos lamang ang medyo may kakornihan ang isang kalabang kaibigan na pupuno sa iyong tiyan. Hindi naman pagkain ang aking ilalaman kundi puro hangin na dulot ay katatawanan. Kung ikaw man ay tatawa mungkahi ko ay 'wag pigilan pagkat 'pag ito ay pinigil baka kabagan ka lamang. At 'pag iyon ang nangyari tiyak na walang masisiyahan sa malakas na puwersa na sa hulihan pakakawalan. Salamat muli sa mensahe mo na ipinadala sa araw na ito dahil sa sobrang salat pati kaluluwa ko ay napatakbo Para tuloy baliw ang kaluluwang naligayahan kaya pati ako rin ay gayon ang pakiramdam. Pinasaya mo ako ngayon kahit inasar nung una pero dahil natalo ka dapat lamang na ikaw ay magpaligaya. Ako'y masaya na dahil sa pagiging kaibigan at tinapos na rin ang pakikipag-asarang labanan. Iyo bang naalala ang simula nating asaran lalo na sa tsanel na parehong sa atin ay naglalaman. Kung iyo pang naaalala ang sinabi nung isa ay "hotdog" na isawsaw sa gatas na sariwa pa... Ngunit ang sabi nung isa pa yak! kadiri raw talaga kaya aking sinabi doon na parang "Oreo" pala... Ikaw ay nagsalita at sa pinag-uusapan ay tumawa dahil ang mga naka-usap ay parang mga baliw pala. |
| This was written on the night of January 29, 2001 |
![]() |
![]() |