| Ikaw ang Nagsimula by Oliver D. Santos |
| Magandang araw sa malayong binibini nais kong ipabatid na di ako nagkasala sa isang pangyayari na ikaw ang nagbadya. Ako'y inaway mo nung una sa pag-akala na magiging masaya pero ngayon tila sumusuko ka na sa mga salitang di mo na kaya. Di mo yata matanggap na wala kang iuubra sa isang katulad ko na di mo pa nakikita. Sa iyong pang-iinis ay aking ikinasiya gumanti ako at nang-asar ngunit ikaw yata ay suko na. Kung ano ang iyong ibinato ay siyang ibabalik ko ang magiging pagkakaiba nga lamang ay mas malakas ang matatanggap mo. Hindi mo sa akin maipipilit na mas higit ang iyong itsura kung hindi ko naman nakikita walang silbi at walang kwenta. Ikaw ang nagpasimula ng laban mong inaatrasan noong una pa ngang salita sa pang-aasar ay maanghang. Ngunit tila yata iba na ngayon sapagkat nag-iba na ang panahon pati yata hangin ay bumaligtad kaya nag-iba ang iyong desisyon. Huwag ka ng mag-alala sapagkat iibahin ko na mga mensahe kong ipinapadala ay di na tulad nung una. Ngunit ikaw ay dapat mangako at sana ay hindi naman mapako upang sa gayon ay masiguro na ikaw talaga ay nagbago. Huwag mo sana akong sisihin kung nakasakit ako ng damdamin sapagkat sa iyo unang nanggaling ang mga salitang makabasag salamin. Hindi ko ninais makipag-away lalo na sa isang binibini ang gusto ko ay kaibigan ngunit laban ang aking inani. Kung anoman ang naging hidwaan sana ay iyo ng kalimutan sapagkat sa aking palagay ay di mo na makayanan. Kung ako naman ang iyong tatanungin ay wala na iyon sa akin sapagkat ako'y walang galit sa mga mensaheng nangungulit. Sana ay ibahin mo na ang mga mensahe na ipinadadala dahil sa iyong mga mensahe nakasalalay ang aking ipadadala. Sana rin ay pag-isipan mo kung ano ang maidudulot ng mga salita at letra na lagi mo sa aking ibinabato. |
| Alam kong ikaw ay nababaduyan sa aking munting tula-tulaan ngunit hindi ko naman inaasahan na ito ay iyong hangaan. Alam kong isang kahangalan ang paggawa ko ng isang tula mga salitang aking binitawan kung makasakit ay di ko sadya. Wala kang magagawa kundi basahin itong tula dahil ako ang gumawa sa iyo ito'y balewala. Hindi kita nais awayin lalo na ang katulad mo ay paiyakin hindi ko rin naman alam na ikaw pala ay lubos na nasaktan. Kung ikaw man ay aking nasaktan ang hiling ko ay kapatawaran sa mga mensahe at pag-aakala na ikaw ay naliligayahan. Sana ay iyong isaisip na kaibigan ang hinahanap ko at hindi ang isang kaaway na laging inaakala mo. Siguro ay inaasahan mo na ako ay iyong matatalo at nagkamali ka sa iyong palagay kaya ang laban natin ay widro. Ako ay natatawa sa iyo at lubhang nasisiyahan lalo nung simula kong isulat itong alay na tula-tulaan. Alam kong ikaw ay nakokornihan sa binabasa mong tula-tulaan pagka't di mo na pinag-iisipan ang tunay nitong nilalaman. At hindi ko rin nalalaman kung iyo bang napag-isipan ang nais kong ipabatid na nakasaad sa tula-tulaan. Sadya talagang iba ako sa laging inaakala mo kaya nga kung iyong sasabihin na ako talaga ay wirdo. Pero ang masasabi ko lang ay magkaiba lamang tayo hindi dahil sa babae ka at dahil lalaki ako... Hindi rin dahil sa ikaw ay malayo at ako naman ay mas lalo sa magkaibang kapaligiran na pareho nating ginagalawan. Iisa naman ang ating mundo na magkaparehong ginagalawan kaya mali ang akala mo na ipinanganak ako nung digmaan. Sa pagbasa ng mga mensahe sana ay iyong maunawaan inilapat kong mga letra dito sa aking tula-tulaan. Iyo rin sanang maintindihan ang nais kong isaalang-alang sa away mong pinasimulan ay pagkakaibigan ang makamtan. |
| This was written on the night of January 24, 2001 |
| Dedicated to the hot blooded feeling pretty...Princess of the Skye! (^wink^) |
![]() |
![]() |