Giyera ng mga Buwisit
by Oliver D. Santos
Mula sa bundok ng Tralala
ikay ay bumaba pa
para lang mambuwisit
sa lalaking naiiba.

Di ko kasi akalain
na ikaw ay magpapa-ampon
sa poging dalaga
na may malawak na kampon.

Iyon ang sabi nya
pero kilay ko'y napataas
sa katagang nakakagulat
na ikaw pala'y kasama pa.

Alam kong ikaw ay humahalakhak
at sa kinauupuan ay na-"shock"
dahil sa tulang mambubuwisit
na bubulabog sa iyong lakas.

Bhelat nga sa 'yo
tingnan ko lang kung ano
ang gagawin mong hakbang
para masagot mo ito.

Lilac Bacterium
'yan ang itatawag ko
dahil sa ito ay babagay
sa mala-mikrobyong tulad mo.

Di ako galing sa iniisip mo
na isang mula sa poso negro
pero sa palagay ko ay ikaw
dahil laging naaamoy mo.

At 'wag mong ipasa
ang mga nalalanghap mo
dahil tiyak kong sa iyo
ang mga amoy na ito.

Hindi naman dyan aabot
ang amoy ng taga-rito
dahil marami pang puno
dito sa may gawi ko.

Kaya aking natitiyak
na iyo ang sinasabi mo
'pagkat ang hangin dyan
ay umiikot sa iyong mundo.

Ako'y nag-aalala
dahil baka lang matulad ka
sa lumalaban ng asaran
na gaya nung mga nauna.

Pero kung ikaw ay susuko
habang maaga pa
ay di naman kita lalabanan
para lang mang-alaska.

Kaya ngayon mag-isip ka
dahil ako ay talagang iba
sa mga nakilala nyo dyan
ay di ito basta-basta.

Ang pang-iinis ay di maiiwasan
dahil masarap makipag-asaran
lalo na sa mga tulad nyo
na may iisang angkan.

Tribo ng mga pa-cute
at mga nakakata-cute
balahibo ko'y tumataas
at sa sinasabi'y nangingilabot.
Eh ba't di ako kikilabutan
sa mga salitang iniiwan
dahil talaga lang naman
makabagabag damdamin 'yan.

Pero syempre walang pikon
at dahil nararapat lang iyon
pagka't kung aking titigilan
ay baka mabuwag ang inyong kampon.

At kasama rin ang komedya
dahil kayo ay nakasisiya
at lubha nyo kong pinapatawa
na labis kong ikinaliligaya.

Sana ikay ay gayundin
ang s'yang nadarama
dahil ayokong magpa-lungkot
kapat ikaw ay tsumi-tsika.

Masarap kasing maka-usap
ang tulad mong lumalaban
hindi pumapayag kanino man
na ang "pride" ay maapakan.

Talagang ikaw ay nagmana
d'yan sa may malawak na tropa
at hindi rin papayag
na walang mauuna.

Heto at damahin mo
ang aking mga ibinato
para sa iyong ikaliligaya
ay 'wag sanang mapaano.

Nagpapasalamat din ako
at ang landas natin ay nagtagpo
dahil parang tubig at langis
kapag tayo ay pinaghalo.

O di ba ang saya
kapag tayo ay naglaban na
parang isang giyera
na sadyang puro sigla.

Laging inaabangan
ang muling pagkikita
para lang mambulabog
at mambuwisit sa isa't isa.

Hindi basta papayag
sa salitang ipinapasa
lalo na kapag binabatikos
at laging pinupuna.

Tiyak na gagawa ng paraan
para sa isa ay gumanti
at siyang mag-iiwan
ng bubulabog sa aking tabi.

Pero walang titigil
na para bang ayaw papigil
tiyak na kumukulo ang dugo
at sa akin ay nanggugumigil.

Nag-iinit ang ulo
ang kamay ay nagbabato
at nais palang ipadama
sa katunggaling naririto.

Di mo ko maaabot
dahil malayo ka rito
ipunin at ihanda mo na lang
kapag nagkita na tayo.
Dedicated to Lilac "Jade" Bacterium
Hosted by www.Geocities.ws

1