|
Ambisyoso
EDSON: "Inay, kelan po ba tayo bibili ng bapor?"
SABEL: "Malapit na anak."
EDSON: "Kelan nga po?"
SABEL: "Pag may sarili na tayong dagat!"
*****
Kamote at Sawa
Usapang lasing sa isang kanto.
BLANTE: "Alam mo pare, nag-enjoy talaga ako doon sa bukid ng lolo ko!
Minsa�y naghukay kami ng kamote, biruin mo, nakahukay kami ng kamoteng
kasinglaki ng simbahan ng Mariveles?!"
TORANG: "Sisiw yan pare, sa sawang dumaan sa likod-bahay namin! Noong
kasalukuyang dumadaan yung ulo nung sawa, nag-aalmusal kami. Noong dumaan
yong buntot, naghahapunan na kami!"
BLANTE: "Ang yabang mo naman, pare, may sawa ba namang ganon kahaba?
Niloloko mo naman ako eh."
TORANG: "O sige, pareng Anton, para magka-sundo tayo, liitan mo yung
kamote mo at iiksian ko naman yung sawa ko!"
*****
Tiklo
Isang holdaper ang pumasok sa isang
bangko. Lumapit siya sa teller at nagbigay
ng kapirasong sulat. Ganito ang nakalagay
sa sulat: Ilagay mo sa bag ko ang lahat ng
pera at wag kang kikilos ng masama!!!
Pagkabasa ng teller sa sulat, dali-daling nag-sulat ito. Inabot ng teller ang sulat sa
holdaper, at ganito ang laman: Ayusin mo
ang sarili mo. Ngumiti ka dahil ikaw ay
kinukunan ng litrato!!!
*****
Huling kahilingan
Katatapos lang basbasan ng pari ang isang
presong nakaupo sa silya-electrika.
PARI: "Mayroon ka bang nais na hilingin
bago ka bawian ng buhay?"
PRESO: "Opo."
PARI: "Ano yon, anak?"
PRESO: "Puwede po bang hawakan n'yo
ang kamay ko?"
*****
I Don't Know
TEACHER: "Good morning, class!"
STUDENT: "Good morning, ma'am!"
TEACHER: "Our lesson for today is about
Biology, Boni, what is the scientific name of
coconut?"
BONI: "Cocos nucifera, ma'am."
TEACHER: "Very good! Chari, stand up!
What is the scientific name of papaya?"
CHARI: "Hindikus Alamus!"
*****
Asenso Na
IDOT: "Kumusta na? Long time no see ah!"
BONI: "Kararating ko lang galing sa
Africa."
IDOT: "Africa?"
BONI: "Doon kami nadestino."
IDOT: "Hindi ba maraming cannibals
doon?"
BONI: "Nakakatakot nga, pero mga edukado na ngayon sila."
IDOT: "Hindi na ba sila kumakain ng tao?"
BONI: "Nangangain pa rin ng tao, pero
gumagamit na ng kutsara!"
*****
ANAK: Itay sabi nila pag nakaharap ako
kamukha ko si JoseRizal, pag naka-sideview
kamukha ko naman si Manuel Roxas? Ano
ho ang ibig sabihin noon?
ITAY: Mukha kang pera.
*****
Dahil sa katangahan
Mishap sa North Diversion road as reported
by my kapitbahay: Kahapon, ang Pajerong
minamaneho ng isang lalaki dito sa North
Diversion road ay biglang namatayan ng
makina sa hindi malamang dahilan. Bumaba
ang lalaki at binuksan ang hood upang
malaman ang diperensiya ng sasakyan. Wala
siyang makita kaya't nagsuspetsa siyang
baka naubusan lang ng gasolina ang Pajero.
Binuksan niya ang tangke upang silipin
kung may gasolina ang sasakyan. Madilim,
'di niya makita. Inilabas ang lighter upang
magkaroon ng kaunting liwanag at idinutdot
sa tangke ang layter. May gasolina nga
kaya? Mayroon nga. P.S. Bukas po ang libing.
*****
Lumulubog ang barko
PARI: San Pedro! San Jose! San Juan!....
MADRE: Sta. Maria! Sta. Clara! Sta. Lucia!...
INTSIK: Ano beyan! lubok na bahko tawak
tawak pa kayo pasahero!!
*****
Pulubi at Pulis
Merong isang pulubing nagdadasal sa harap
ng altar ng simbahan...
PULUBI: �Diyos ko! Bigyan ho ninyo ako ng
pera kahit na sampung piso lang. May isang
buwan na ho akong hindi nagmi-miryenda.�
Habang dinarasal niya ito, may isang pulis
na nagdadasal din sa tabi niya at nakarinig
sa kanya. Naawa ang pulis sa tao at dumukot
ito sa bulsa niya ng limang piso. Dahan-dahan itong lumapit sa tao para i-abot.
Maingat niyang inilapag ang limang piso sa
nakadipang kamay ng tao. Ngunit napansin
ito ng tao at sinabi...
PULUBI: "Oh Diyos ko!
Sa susunod ho kung maaari, kung magbibi-gay kayo, ay huwag na sanang padaanin pa
sa pulis kasi binabawasan."
*****
Kasinungalingan malapit sa katotohanan
Q. Anong kasinungalingan ang pinakamalapit sa katotohanan?
A. Noong ipinanganak ka, sa puwet ka
dumaan.
Q. Kasinungalingan. Bakit malapit ba iyon
sa katotohanan?
A. Oo dahil, wala pa iyong isang pulgada sa
siyang katotohanan.
*****
Kidlat at Kuryente
Pedro: Ano ang pagkakaiba ng kidlat at
kuryente?
Juan: Malay ko..Ano?
Pedro: Simple, ang kidlat libre. Ang
kuryente may bayad ma mahal pa!
*****
Txt ng mag-ama
Anak: Dear Itay, padalhan mo ako ng pera.
Kasi, ang mga gamit ko, pinagkakain ng
daga.
Itay: Dear Anak, wala akong pera. Kung
gusto mo, meron ditong pusa.
*****
Amerikanew
Sa airport canteen, umorder ang isang
Amerikano...
Kano: Miss, will you please give me one
'few two'?
Tindera: What, sir?
Kano: I said one 'few two.'
Tindera: Oh, puto!
Kano: Yeah, that's right!
(Sa loob-loob ng tindera, "Puto lang, pino-few few two pa! Gagantihan ko siya!")
Tindera: Okey, sir... what color do you
want... 'few la' or 'few ti'?
*****
Learn Japanese in 5 seconds
1) Is this your underwear? Jakimoto?
2) Are you a regular customer? Sukikaba?
*****
Ano ang mas maraming sakay, jeepney o
ambulansya?
S: Siyempre, ambulansya! Kasi, ang jeep-ney, 10-10 lang bawat side,
samantalang sa ambulansya, madalas na 50-50 ang sakay.
*****
Sa isang ospital, pagkatapos ng operasyon?
Pasyente: Dok, bakit ganito ang operasyon
sa ulo? Halos kita na ang utak ko?
Dok: Okey iyan. At least, open-minded ka
na ngayon.
*****
Totoy: Inay, ano po ba iyong sex?
Inay: Ah, eh? iyan ang ginagawa ng mag-asawa para magkaanak.
Totoy: Ang haba naman noon, Inay! Paano
ko isusulat iyan sa aking CV?
*****
Nag-aaway ang dalawang tanga?
Kulas: Ano ba ang gusto mo, away o gulo?
Tomas: Away na lang para walang gulo!
*****
Pulis: Bayad ko sa kape, O.
Intsik: Aba, bakit ka bayad?
Pulis: Utos na ni Lacson, wala nang kotong.
Intsik: Aba sige, simula ngayon hindi na ako
dura sa kape mo.
*****
WIFE: Hudas ka! lagi kang umuuwing lasing. Na-aasar na tuloy ako sa mukha mo.
HUSBAND: Pero mahal, kung hindi ako
lasing, ako naman ang maaasar sa mukha
mo!
*****
Usapan ng mag-ama
Ama: Ngayong tapos ka na ng high school,
ano ang kukunin mo sa kolehiyo?
Anak: Law po.
Ama: Ano?! Tapos ka na ng HIGH, babalik
ka pa sa LOW?!
*****
Dasal ng mga babae:
Edad 20 - �Lord I want the best man.�
Edad 25 - �Lord I want the good man.�
Edad 30 - �Lord I want any man.�
Edad 40 - �Lord please naman!�
*****
Nakatipid
Takbong pumasok ng bahay si Mario
Pagod na pagod, pero masayang masaya
Nagmamayabang pa sa ina
�Nanay, nanay! nakatipid ako ng uno
singkuwenta!�
�Nakatipid, paano?� tanong ng nanay.
�Aba�y �di ako sumakay ng diyip, sumabay
lang ako ng takbo, kaya�t nakatipid ako ng
uno singkuwenta.�
�Bobo ka pala eh, kung taxi ang sinabayan
mo, �di mas malaki ang natipid mo!�
return to top
|