Pinoy na lalake sikat daw sa mundo
Masarap magmahal lahing romantiko
Matikas ang tindig magaling manukso
Matapang na lahi hindi patatalo
Sagana sa porma hanip magpa-guwapo
Madalas maligo parating mabango
Malinis sa damit pati karsonsilyo
Hindi kumukupas init ng libido
Matigas ang ulo kahit hindi kalbo
Hindi nanlalambot kahit binabagyo
Matatag ang tuhod kahit inuubo
Handang makibaka daig pa ang toro
Para bang alamat sa lahat ng kuwento
Itong kakayahan ng Pinoy na macho
Siya�y laging bida sa kuwentong kutsero
Maging sa barberya at kuwentong barbero
Sandali kabayan atin ngang ungkatin
Ang lalim ng kuwento ay ating kalkalin
Ito ba�y totoo atin ngang isipin
Katotohanan ba o pagsisinungaling
Ilan ang pamilyang namatay ang tatay
Naiwang mag-isa naulilang nanay
Kanyang �tinaguyod anak na naiwan
Sila ay binuhay kanyang pinag-aral
Ilan ang pamilyang namatay ang nanay
Naiwang nag-isa nabiyudong tatay
Unang asikaso humanap ng kikay
Itong mga anak ipinagsapalaran
Ilan bang pamilya ang inyong kilala
Ang ama o ina ay nagsipanaw na
Alin ang tagumpay sa mga pamilya
Ulila sa ama o wala nang ina
Ilan ang lalaking iwan ang pamilya
Sa ibang kandungan ay nagpakasasa
Mahilig sa laman isang hedonista
Kahit na kapalit dusa ng pamilya
Ilan ang babaeng pareho istorya
Pamilya�y iniwan sa iba�y sumama
Dahil sa pag-ibig o dahil sa pera
�Di dahil sa laman kundi sa problema
Dito sa New Zealand ilang Pilipina
Ang asawa�y puti kahit �di mestisa
Ang Kiwing asawa sadyang maligaya
Ipinagmamalaki Pinay na asawa
|
Ibalik ang tanong sa Pinoy na macho
May asawang puti sinong kilala n�yo
Mayron mang naligaw nasisiguro ko
Malamang sa hindi resulta�y diborsyo
A yaw kong isiping dahil sa babae
Kaya nakarating ang mga kumpare
Sila ang nag-apply silang nagsumite
Kaya naging PR, citizen sa huli
Bihira ang Pinoy asawa ay tisay
Marami ang tisoy asawa ay Pinay
Ulitin ang tanong sino ang mahusay
Sagot ng numero mas sikat ang Pinay
Kaya mga kuwentong Pinoy daw ay macho
Ay kuwentong kutsero at kuwentong barbero
Ito�y puro hangas at hindi totoo
Itong mga Pinay ang tunay na macho
Kalahing lalake aking kababayan
Aking paumanhin kung nasagasaan
A yaw mang tanggapin ang katotohanan
Marami sa atin macho sa pormahan
May mga lalaking sobrang kayabangan
�Pag wala si misis hanip kung umandar
Ang lahat ng gamit pati na ang bahay
Akala mo�y siya lahat ang nagpundar
Pagdating sa kuwento laging binili ko
Pagdating sa pera dahil sa ipon ko
Kaya nakapundar malaki kita ko
Sa kaniyang misis siya ang idolo
Pero alam namang kuwento ay baligtad
Pagkayod ni misis ay todo at sagad
Kaya itong buhay ay medyo lumuwag
Dahil kay kumander hindi kay damulag
Aking obserbasyon kung mali sa ilan
Ituloy ang tama huwag nang umangal
Sa tunay na machong puno ng tahanan
Ang aking saludo, ang aking paggalang
Mga pekeng machong sagad sa pormahan
Huwag magreklamo magbago na lamang
Korona ng ginang huwag nang sapawan
Sa kanilang misyon sila�y suportahan
----------------
Patalastas: Ang tulang inyong natunghayan ay
nalikha hindi dahil sa ang may akda ay nalagyan. Ako po ay hindi heneral.
Ganoon pa man, kung may nagnanais at mag-pupumilit na magbigay ng pabuya mula
sa mga mam-babasang kababaihan bilang pasasalamant sa kanilang natunghayan,
una na po ang aking pasasalamat. Magtanong po lamang sa editor kung papaano.
Ooooppss. |