PILIPINO SECTION |
|
Sa hirap at ginhawaby Rod Alcoriza
|
|
|
Sa Harap ng altar sa lumang simbahan Si Neneng at Juan dito nagsumpaan Sa ngalan ng pag-ibig saksi ang Maykapal. Hindi magtataksil hanggang kamatayan.
Ang wika ni Juan, "O Neneng kong giliw. Tanging ikaw lamang aking mamahalin. Sa ubod ng puso aking itatanim. Pag-ibig ko sa iyo'y hindi magmamaliw".
Ang sagot ni Neneng "O Juan kong mahal Ikaw ay umasa tanging ikaw lamang Aking tatapatan pag-ibig na alay Aking tutumbasan habang nabubuhay"
Ito and ala-alang sa isip niya'y nakaukit Masidhing pagmamahal matimyas na pag-ibig Sa hirap at ginhawa puso'y magkaniig Sumpang binitiwan hindi masusungkit.
Eroplanong sinasakyan ay humahagipis Nakikipag-unahan sa pintig ng dibdib Tatlong taong singkad ang kanyang tiniis Siyay's nangibang bayan nagtrabaho overseas
Anak at maybahay ay kaniyang iniwan Ang lungkot at hirao kaniyang nilabanan Sipag at tiyaga ang kaniyang puhunan Hangad ay baguhin takbo ng kabuhayan.
Kahit anong lungkot kaya niyang sikilin Kahit anong hirap kaya niyang tiisin Kahit kamatayan kaya niyang harapin Kapag nakataya ang pamilyang giliw.
Sa bulsa ng dibdib ay hinugot niya Masayang larawan ng kaniyang pamilya Ang kaniyang si Neneng at ang Junior niya Magkayakap, nakangiti, nakatitig sa kaniya.
Pagmumuni-muni ay naalimpungatan Nang and boses ng piloto ay pumailanglang Fasten yur seatbelts ladies and gentlemen We're about to land in five minutes time.
Hindi mapakali alumpihit si Juan Halos ay magkanda-ihi sa suot na salawal Nais niyang tumalon, nais niyang sumigaw "Neneng ko, Junior ko, narito na si Juan".
Paglabas ng airport mga mata'y inilibot Buong kapaligiran tinanaw at sinuyod Hanap ay si Junior at Neneng na irog Pigil and hininga puso'y tumatalbog. |
At nang mamataan si Junior na mahal Sinugod, niyakap ang anak na tunay "Junior, anak ko, nasaan ang iyong Inay? "Kasama ni Lolo, sa bahay naghihintay".
Ang luha ng anak ay hindi mapugto "Tahan na anak ko, alam ko miss mo ako" Hindi umiimik, niyakap siya ng todo Humihikbi, sumisinghot "Tatay, tatay ko".
Pagdating ng bahay biyenan ay nakabantay Seryoso ang mukha parang nananamlay "Tatang si Neneng ko, siya ay nasaan?" "Naroon sa kuwarto, ikaw ay hinihintay".
Dagli niyang tinungo direksiyon ng kuwarto Itong si Neneng talaga kahit kaylan ay bibo Kahit bago umalis siya mapanukso Ano kaya ngayon ang kaniyang pantudyo.
Nang pintuan ay buksan si Neneng ay tumambad Kalung-kalong ay sanggol dibdib niya'y sinasabsab Paano nangyari ito hindi maaaring maganap Sa loob ng tatlong taon siya'y nasa ibayong dagat.
Biyenan niya ay lumapit "Juan ako'y nahihiya" Siya'y aking dugo wala akong magagawa Bendisyon ko ay tanggapin ikaw na ang bahala Anuman ang iyong gawin hindi ako luluha"
Dugo ay sumulak nanginig ang laman Mata ay nanlisik galit ay lumutang "P---inang babae ka anong aking kasalanan Ito ba ang kapalit ng hirap kong pinasan?"
Si Junior ay sumugod buong higpit niyakap siya Si Nanay ay nagkamali ikaw naman huwag sana Ako'y natatakot mabuhay ng nag-iisa Sana ay mag-isip bago ka magpasya".
Larawan ng pamilya sa bulsa ay dinukot Ang retrato ni Neneng pinilas at nilapirot Singsing sa daliri ay dagliang hinugot Pilit na kinimkim damdaming nagpupuyos.
"Junior na anak ko dahil mahal kita Hindi pababayaan kahit anong mangyari pa Ngunit simula ngayon ako'y walang asawa Hindi ibig sabihin wala ka na ring ina".
Sumpang binitiwan sa hirap at ginhawa Na kami'y magsasama ni Neneng mong ina Aking binabawi sa iyo'y ipamamana Aking itataguyod pagka't ako'y iyong ama." |
| �2004 Diario Filipino. All Rights Reserved. |