| PILIPINO SECTION |
|
Lutong Pinoyni Ate Jo Bryant |
|
Bopis (Kandinga sa Bikol)
Mga Sangkap:
Paraan:
Ilagay ang baga sa tubig at pakuluin nang ilang sandali. Hanguin, hugasan at tadtarin ng pino. Lalong mabuti kung gigilingin. Ang puso ay tadtarin din ng maliit. Hiwain na hiwang panggisa ang sibuyas at kamatis at pitpitin naman ang bawang.
Igisa ang bawang at isunod ang sibuyas at kamatis. Ihulog nang sabay ang baga at puso at sabawan ng isang tasang tubig. Timplahan ng asin at durog na paminta. Lagyan ng takip at pabayaang kumulo. Kapag natuyuan ng sabaw, lagyan ng isang tasang tubig at 3/4 na tasang suka. Huwag haluin. Lagyang muli ng takip at pabayaang kumulo. Isama ang siling pula (maliit na hiwa). Hanguin kapag natuyuan ulit ng sabaw.
|
| �2004 Diario Filipino. All Rights Reserved. |