| PILIPINO SECTION |
|
Jolly Jokesni Jolly Esguerra |
|
Rescue Team Isang "rescue attempt" ang binuo at pinamunuan ni Erap ang sumugod sa safehouse ng mga kidnapers. Nang malapit na sila sa safehouse, naaninag ni Erap sa dilim ang isang grupo ng mga armadong kalalakihan. Mabilis siyang sumugod at sumigaw ng "FREEZE! Walang kikilos". Lapit agad si Ping Lacson, sabay bulong kay Erap, "Sir, advance team po natin iyan." Sabi naman ni Erap, "Ganoon ba", at sumigaw ulit "Okey, men, DEFROST, mga kakampi pala kayo". Cris Pioquinto
Pang-alis Kunsumisyon � Babae: Pag-kasal na tayo gusto kong makabahagi sa iyong pag-aalala, problema at gagaan ang pasan mo sa balikat. Lalake: Napaka-bait mo, darling, pero wala naman akong problema at pag-aalala. Babae: Hintayin mong makasal tayo!.
� "Kumusta ang iyong blind date", tanong ng estudyante sa kaibigan. "Ang sama, dumating siya, sakay sa isang 1932 Rolls Royce na kotse". "Wow, mamahaling sasakyan iyon, ah, anong masama doon?" "Siya kasi ang original na may-ari."
� Isang bagong kasal na lalaki ang nag-tanong sa kanyang asawa, "Pakakasalan mo ba ako kahit hindi ako pinamanahan ng aking ama?" Sinagot naman siya nang, "Honey, pakakasalan pa rin kita kahit sino pa man ang nagpamana sa iyo." Balita. Tauranga Filipino Society.
|
| �2004 Diario Filipino. All Rights Reserved. |