AcKnOwLeDgEmEnT
Ang bahaging ito ay buong puso kong inaalay sa Diyos at sa mahahalagang tao na bahagi ng buhay ko...
Lubos akong magpapasalamat sa Diyos sa lahat ng mga blessings na patuloy kong natatanggap mula sa Kanya lalo na sa mga wishes na natupad more that i expected....
I also thank my parents sa patuloy at walang sawang pag-aalaga at pagmamahal sa 'kin. Sa mother ko na lagi akong kasabay pumasok at lagi akong nililibre... Sa kuya ko na sobrang sutil pero nagbibigay kasiyahan sa 'kin at sa father ko na kahit madalas kong kaaway lagi parin akong hinihintay umuwi bago matulog...
Kila Maricris, Flory at Eloisa na 12 years ko ng mga bestfriends at kasama ko sa inuman lalo na pag gusto kong maglasing... Salamat sa kanila dahil kahit bihira na kaming magkita-kita at may sari-sarili na kaming priority in life, lagi parin silang nandyan para sumuporta sa 'kin... Salamat sa lahat ng alaala na nakatulong sa 'king pagkatao...
Sa mga officemates ko na sila Mirene, Rowena V, Rowena P at Ronald na lagi kong kakwentuhan bago umuwi ng bahay... Salamat sa kanila dahil sila yung nandyan kapag busy ang mga best friends ko. Tinuturuan nila akong magluto kahit mahirap akong turuan. Magpapasalamat din ako sa kanila dahil maliban sa mga bestfriends ko at kay Jhong, tanggap nila ang totoong ako...
Kila Imee, Ieleen at Irene na mga tunay na kapamilya na ang turing nila sa 'kin, salamat sa kanila dahil tanggap nila ako bilang totoong tao...
Sa mga iba kong kafriendster ko (Rosana, Raymund, Anna Lyn, Jordan, Michelle, Brian, Frederick, jhana, michelle) salamat sa inyong lahat dahil naging bahagi kayo ng buhay ko... Sana kahit hindi na tayo nagkikita-kita, internet at cellphone na lang tayo nagkakaroon ng communication, patuloy parin ang ating pagkakaibigan. Salamat sa mga alaala ng ating pinagsamahan dahil minsan sa buhay ko ako'y napaligaya nyo...
Higit sa lahat, salamat kay Jhong Fernando (programmer of this site)hindi lang sa paggawa ng site na 'to kundi higit lalo sa tiwala at walang sawang pagmamahal. Maraming salamat sa kanya dahil kahit marami kaming pagkakaiba at hindi pagkakaunawaan patuloy parin syang sumusuporta sa 'kin... Salamat sa lahat ng saya kapag ako'y nalulungkot...
Salamat sa mga bumisita ng site ko at naglaan kayo ng oras para lubos nyo pa 'kong makilala.. Wag nyo sanang kalimutang mag-post sa FREEDOMWALL ko... Thanks a lot
Home
FreedomWall
MyEMAIL
This homepage is encrypted by jhongvf
Copyright � JHONAFERN 1998-
GOD NEVER PUT US THIS FAR TO LEAVE US NOW!