|
|
|
UPOS
|
at kumatok muli, malakas, walang hinto ang matabang usurero sa lawanit na pinto aba'y hoy! huwag 'nyo
akong pagtaguan mahaba pa sa riles ng tren 'tong utang 'nyo kamakalawa'y may ngalan pa, hoy!
na lang ngayon sa ingay nagkamalay ang panganay at ang
sanggol sa lugmok na mga mata'y pilit nagsusumamo walang tinig ngunit lumalatay ang bulong 'tay, nagugutom na 'ko, gutom na 'ko busugin natin sila mamaya, mahal, isang
halik pa sa isang kahapo'y mga paslit na nangarap
lumaki may sindi pa ang kandila, naghihingalo malinis din ang silid, wala nang gamit bukod sa taling tatapos sa kahihiyan ko patawarin o magagawa pa mamaya, wala pa ring magbubukas ng pinto |
PIGSA
|
nasa
lalamunan na ng sidhi ang
napanis na pagtibok nitong
inaborsyong damdamin isusuka
ko na naman mamaya sa
repositoryo ng mga binigti, kinalkal,
sinakmal at kinutya ang
bawat hibla ng lason na tila
kagabi lamang sa pag-idlip serbesa’t
pulutan ang katumbas at
ka-tagay pa kita kaya ako
nangangayayat ngayon dati’y
ikaw lamang ang pumupuno niluluwal
na kitang walang halong luha hindi
ba’t ikaw na rin ang nagsabing sagrado
ang mata upang basain lamang ng
panlilinlang at panghihinayang |
BAGONG RETASO
|
sabi ko sa sarili noo’y iingatan kita ngunit walang panyo sa butas na bulsa ko upang patirin ang luha sa iyong mga mata damit ko ri’y nangungutil mula sa rali kanina gayunpaman, nilabhan mo pa rin ito nasobrahan nga lang yata sa babad at pati libog ay nagpakipot dito anti-shrunk man, lumiit pa rin aking mundo at iniwan kita sa gitna ng mga labada hanggang liparin ako sa kurbata’t kuwelyo ng bagong ampaw na pagkakabilanggo pero ayos lang, naka-armani naman ako mula pabango hanggang karsunsilyo kaya pareho lang tayong naging burgis ang trono mula betty boop, ano na nga bang sumbrero mo? may pink pa rin ba sa wardrobe mo? ako naman, di na puwede ang pormang kanto high-grade leather pa nga ang mga sapatos ko masarap palang panadyak ang bagong valentino ngunit hubdan mo na lang at isampay muli sa puso mo mapa-guess o esprit ang ngayong pamorma ko punit pa rin ang puso ko sa paghahanap sa iyo mas komportable pa rin ako sa ginhawang dati’y suot basta’t katabi mo sabihin mo mang may humiram na o may tagpi sa saya ng pag-ibig mo naglaba rin ako sa sa kalawanging tubig-poso kaya’t hubdan mo na lang ako ikaw pa rin kasi ang suot ng puso ko |
PIYESTA
|
walang
pagdududa o kritisismo isang nakaw-tingin pa lamang namnam na ang halimuyak dumampi na ang kutis nahipo na ang salawal at mapapalunok sa pagkabusog sabay ng nag-i-slow-mong hakbang nanunudyo ang malambot na binti pasan ang mga susong hitik sa imahinasyon ng nakikiusyoso walang pagdududa o kritisimo bulag sa saliwang mata o napapanot niyang buhok sa mga linya ng edad litid na
wala sa lugar o kulang na haba ng paa di-pansin ang patay na kuko o dibdib man na nalaglag kung puwede lang na laging ganito yan lang ang pakinabang ng malabong mata at basag na kaliwang pares ng nabunggong salamin lahat gumaganda, pumipino huwag lang na sa sobrang boso ay masampal o makalaboso |
IMPATSO
|
Kinakain ka na ng panahon Salat ka pa rin ba sa tagumpay? Estranghero ka na bang tuluyan Sa mga ala-alang ngayo’y Kulungan at libingan mo? Sa kabila ng naipunla Hilaw pa rin ang bukas mo Na mangungutyang itak Sa rebolusyon mo’t pangarap Sisiwalat sa dingding na karton Ang muling ingay Ng iyong pantasya’t panaghoy Bubulaga, hahamak Sa mga bagong anak at magulang Ng mga pabrika’t pyer sa kanto Bubugso, dadaong na trapiko Ng mga aninong nagbigti Tulad mo |
MANHID
|
hinalughog mo sa karimlam ang mga pilantik ng diwang pilit ina-agaw ng liwanag mula sa pagkagapi nito sa kawalan at pagkawasak at namalas mo -- piniringan na ng at binulag ang mga berso nito linagutan din ng hininga ang mga awit na dati'y hele habang dinuduyan ka ng himig-hangin nakagapos na rin ang mga taludtod kasabay ng paghihingalo ng bawat letra tungo sa pagkalimot muli kang babalikwas sa iyong silid at tatanungin ang salamin -- ano kaya'ng isususot ko
mamaya ? |
SA BABAENG NAKITULOG KAGABI
|
pasensiya ka na't masikip ang sanay na kasi akong mag-isa habang kalaguyo ang dilim at pigil hindi na nga ako maka-relate sa 'yo alam ko, dama mo ang panlalamig ko kahit na pilit mong pinapanaw 'to pareho tayong pagod, naghahanap man hinihingi ko lang naman ang oras mo binigay mo pa lahat; naki-lasing na rin sa bawat yanig ng kutson inalay mo nga kaya ang utak mo nuon para kasing bitin ako sa laman lang inuman uli tayo, puwede ? |
PAALAM
|
Alam ko namang hindi mo na hahanapin ang bawat pahinang naglaman ng sinuyod na damdamin at itinahi upang maging Hayaan mo na lamang ang abang hibang na maglingkod sa hangin ng kanyang pamamaalam Pahintulutan mo sana't Kahit saglit ay sumulyap -- Di sukat akalaing maputol ang ugnay Isang iglap na pagpapasya Ngayo'y tulala Di na mapakali Ligalig pa rin ba ang puso sa kabila ng dalawang
taon? Kung dati'y isang bus ang layo ngayo'y eroplano na ang gumitna Isinara na rin ang puso na dati'y tuluyan sa tuwina At lumamig ang halik Tumabang ang alak Kumipot ang dibdib na dati'y hingahan ng luha Malungkot na rin ang mga mata Ninakaw ang ningning nito ng berdugong panahon Masisilayan ba kita sa PC monitor habang hinahaplos ang
keyboard? O lumabas ka man lang bilang bitmap sa Corel (Huwag lang virus) Hindi pa rin ba tinig mo ang maririnig sa tape ng Les Miz tuwing bubulong ang Sony earphone sa pasmado nang tenga
ko ? Kung dati'y nababaog tayo sa kahihintay sa isa't isa Patawad ngunit ngayo’y tuyot na ang lupa di lamang dito sa disyerto kundi sa pagitan natin |
|
|
|
KALAWANG
|
humaharurot na sasakyan ng katotohanan ang nag-uunahang sumalubong sa akin na, malayong sumulpot ka at sagasaan ako bigla ng yapos at yakap kaso, dyip at trak ng basura ang bumati sa akin kanina na simbaho ng utak ko ngayon heto, naligo na ako at lahat nagmamantsa pa rin ang alaala nakasama yata ang ginawa kong paligo umakyat na sa bumbunan ang init na iniwan ng katawan si El Nino kasi, masyadong mainitin ang ulo nakikisabay pa ako heto namang si La Nina parang nagtatampo binabaha ang lupa trapik tuloy sa EDSA at di ka pa rin dumarating |
PAGDUNGAW MULI
|
hindi
kaya ako maubusan ng umaga bukas pagkagising ? kahapon
kasi’y dilim lamang ang hatid ng araw
lulan ang buhawi sa aking dibdib; napuwing
tuloy ako natakot
pa't baka di na makakita sakaling
tangayin ng dapit-hapon ang
bawat tuyong luha sa puso ko iyon na
nga lamang ang natirang ala-ala ng
buhay ko nuon piniga
ko na kasi ang tuwalyang natapunan ng
bawat hinanakit at pag-aasam sa
pusod ng kawalan paano
rin kaya kung malimutan ng buwan na dumungaw sa bintana mamaya ? hindi
na kasi napapalitan ang
naninilaw nang kurtina sa kuwarto, baka
hindi na siya makakapit -- paano na lamang ang mga pag-uusap namin ? malamig
pa naman mamaya at
kapos na ang blanket at kumot para sa
anod ng mga damdaming kinakahon, kinakapon |