Ang Aking Munting Kaibigan

by Riza Gonzales

Ang taong nagbigay sa akin ng saya
Nagturo sa aking maging mapitagan
Tumulong sa aking maging malaya
'Yan ang aking munting kaibigan

Sa saya at lungkot nasa tabi
May sumpang binitiwan
Mga salitang lumabas sa aming labi
Kahit mamatay walang iwanan

Kapag ikaw ay nasasaktan
Tawagin mo siya at siya'y nariyan
Kapag ikaw ay nawalan na ng pag-asa
Siya'y nariyan nagbibigay liwanag sa 'yong mga mata

Siya'y maaasahan sa lahat ng bagay
Siya'y nariyan mahirap ka man o mayaman
May malasakit sa 'yo hindi dahil sa kung ano ang iyong taglay
Kundi dahil sa kung ano sa puso mo ay nilalaman

Bigay sa ng Diyos, isang regalo
Hindi ko alam kung ano ang dahilan
Ngunit sa kanya ako tumatakbo pay may gulo
Sa taong tinuturing kong munting kaibigan

Hosted by www.Geocities.ws

1