//TEACHERS/
"no mountain, no valley, no time, no space, no heartache, no heartbreak, no fall from grace, can stop me from believing that my life will see me through..thanks to you."

cyl 1 adviser: carmen awitan
adviser
: jessica fernandez

math: jessica fernandez
filipino: jescelyn murcillo
computer: marilou bustria
natural science: shirley bael
earth science: cayetano almendarez
basic statistics: eva marie yapit
technical writing: carmelita torrejos
mapeh: susan pundol
english: natividad ramos
ap: jessen mendoza

*sa aming former earth sci teacher na nagtuturo ng biology at sex pag earth sci namin: miss melissa colosaga! (MABUHAY KA MA'M! ang cute parin ng hair mo! hindi parin kumukulot!)
*sa aming more recent former earth sci teacher na hindi nagdi-discuss at laging absent dahil laging nao-ospital. in fairness, rich siya kasi dalawa tsikot niya. pero hahaha. tawa na lang kami kasi nahulog pala siya sa hagdan.: miss arlene ambata! (MA'AM! belaaaaat! hindi na kami gagawa ng weather modification. ngengengengenge!!! beh!)

WHAT WE SAY?

� ma'am awitan = "siya ang aming cyl 1 adviser na naging sanhi ng pagmamadali ng aming sportsfest. ang sabi niya'y hindi daw maaaring matuloy ang cyl 1 sportsfest. ngunit sa hindi inaasahang byernes, kanyang sinambit na maaari na itong matuloy. dagli-dagling gumawa ng schedule at liham ang aming zone officers ng lunes upang matuloy ang sportsfest nung araw ding iyon. maraming mga bagay ang hindi naiplano. ang ending? nasira ang sportsfest. pati tuloy imahe ng pangulo ng zone 1 ay nasira din. tsk.. tsk.. ma'am awitan, [sarcastically saying..] ambait mo."

� ma'am fernandez = "siya ang the best adviser in the whole first year. pano namin nasabi? aba. siya ang superwoman na nag-ayos at naglaan ng sandamakmak na hirap para lamang matuloy ang retreat namin sa bulacan. shet, touch talaga kami. isa pa, siya rin ang first period namin sa umaga kaya laging dilat ang aming mga mata kahit hinihigop na ng mga numerong sinusulat niya sa board ang aming mga diwa. iyakin din 'to lalo na pag kinakausap kaming lahat. at syempre, lalo na nung sinabi niyang, 'it's never easy to say goodbye. probation pa kayo next year.'"

� ma'am murcillo = "sa tuwing papasok ang gurong 'to pag klase namin sa filipino, hindi namin mapigilang magising kahit talagang bagsak na yung mga mata namin. pano ba naman, e, sa tuwing papasok 'to, lahat kami ay ginagaya ang kanyang bati: 'magandang umagaaaaaaa, darwin waaaaaaaaaan.' hmm, pero alam niyo nung mga nahuling araw e hindi na kami natatawa. kasi naman nasanay na kami e. sa tuwing sasapit ang lunes, myerkules at byernes, maririnig mo ang mga pinahabang tunog ng mga patinig galing sa kanya. pero ang pinakanakakatawa talaga ay yung binanggit niya lahat ng paburito niyang kainin sa umaga bilang agahan: 'isdaaaaaa, hotdooooooog, luncheon meeeeeaaaaaat, maliiiiiing, itloooooooog, longganisaaaaaaaaaa, tocinoooooooooo, mga natirang ulam kagabiiiiii, at syempre yung gataaaaas, di ba no?' siguro nung sinabi niya yung mag salitang yan, naka-limang minuto siya."

� ma'am bustria = "ang gurong nagbibigay ng sagot pag may test. sa totoo lang hanga kaming lahat sa gurong 'to. pano ba naman, ang bait bait!!! nagbibigay na nga ng sagot, nagbibigay pa ng considerations! shet talaga mga pare, heavy! laking pasasalamat namin at may teacher kaming ganito! siya rin ang pasimuno kung bakit nagkaron ng 'etch' (as in yung letrang H) sa darwin community. sa totoo lang hindi namin alam kung sinasadya niya ba yun o talagang hiyang siya dun. pero kahit pa ba nakakatuwa yung 'etch' niya, labs parin namin siya."

� ma'am bael = "ang teacher namin na laging late. minsan akala namin wala na kaming klase sa nat sci kasi mga sampung minuto na kaming naghihintay sa lab. at pagkatapos? hala sige, babalik ulit kaming lahat sa classroom. wala siya e. tententententen.. at pagkalipas ng ilang segundong paglalakad, nasa soccer field na kami, biglang sasalubong samin ang isang imahe ng babaeng maputi at kulot ang buhok. 'o hindeeeeee!!!! totoo ba ito??!! si ma'am bael nga!!!!' ang ending? hayun, may klase parin sa nat sci lab. tsk.. tsk.. ma'am, time is gold."

� sir almendarez = "ang pinaka-oting naging teacher namin. oti 'to e. laging nagpapatawa. kwela ang jokes. talagang pag nasa klase ka niya, kahit bagsak ka na sa quiz, matatawa ka parin. nakakatawa ang kanyang mga super duper ultra mega corny jokes. yung iba nga, hindi na talaga nakakatawa at all, pero ang katawa-tawa lamang ay yung paraan ng pag-deliver niya nung joke. hmmm, minsan titigan mo lang siya e matatawa ka na. grabe. heavy teacher. lakas mantrip. sir!!! bat kayo nagturo?? dapat nag-clown na lang kayo!! sisikat pa kayo!! hehe. joke lang.."

� ma'am yapit = "ang teacher na parang asa puberty stage pa lamang dahil piyok ng piyok ang boses. minsan sa hapon, kahit todo bagsak na yung mata mo at kamuka mo na si garfield dahil sa sobrang bagsak ng mata mo, matatawa ka parin dahil sa boses niyang pumipiyok habang sinasabi ang 'kurtosis', 'standard deviation', at 'mean'. waring may mataas na impit sa gitna ang kanyang mga salita. pero kahit pa ba ganun, masaya naman kasama 'tong si ma'am. japorms pa yan. hiphop. nagpi-pink na ruffled blouse, khaki skirt na halos kasinghaba ng pantalon, at white na girbaud rubber shoes. at ang buhok? nirelax, tapos may pink na clip. hanep!!"

� ma'am torrejos = "kung meron man kaming teacher bukod sa aming english teacher na bihirang sumablay sa pagi-ingles, siguro si ma'am torrejos na yun. masasabi naming siya na siguro ang best english-er bukod sa aming english teacher. magaling siyang mag-ingles, at hanga talaga kami sa kanyang diction, enunciation, pronunciation at proper phasing. siya rin ang teacher namin na may kamukang celebrity. sa maniwala kayo o sa hinde, kamuka niya si rainier castillo ng star struck. siya rin pala ang gurong malantong. madalas naming kachikahan tungkol sa star struck. shet, minsan imbes na nagle-lesson kami, nagkkwentuhan na lang kami tungkol sa star struck. si ma'am torrejos ang teacher na muka rin palang star struck."

� ma'am pundol = "ang teacher na HINDI as in HINDI nagdi-discuss. pero ayos lang naman, kahit hindi siya nagdi-discuss, matataas parin ang grades namin sa kanya. siya rin pala ang pinakataklesang guro dahil wala siyang pakialam kung anong sasabihin niya. siya ang nagbansag ng 'bachuchuy' kay karkar. siya rin ang nagbansag ng 'bilog' kay doreen. ...at may balita kami sa kanya. alam niyo yung CPU? Carmona-Pundol Unbreakable! yeah!"

� ma'am ramos = "siya naman yung gurong bihira ring magturo. bihirang pumasok pag period niya. at kung papasok man, late ng trenta minutos. pero ayos lang. madalas, pag pumapasok 'tong si ma'am sa english class namin, pinapatulog niya lang kami o kaya nakikipag-kwentuhan siya. madalas ang discussions namin ay puro tungkol sa 'character traits'. nyahaha."

� ma'am mendoza = "tanyag sa linyang 'for the sake of correction'. isa pang gurong may kamukang celebrity. kilala niyo ba si april boy? yun. kamuka niya yun. e pano, napaka-trying hard kasing maki-uso sa bangs para gayahin si angela, na siyang kamuka ni claudine barretto. nyahaha. siguro feeling niya kapag nagpalagay siya ng bangs, magiging kamuka niya rin si claudine barretto. tsk.. tsk.. WRONG MISTAKE. siya rin pala ang gurong kumakain ng lipstick. siya, sa lahat ng babaeng guro namin, ang pinakamakapal maglagay ng make-up. minsan muka na siyang zombi na bagay sa 'night of the living dead'. pero ok lang, tolerable. siya rin pala ang teacher na may kapangarihang pagsalitain ng tagalog ang mga foreigners. nyahaha. kung pano niya nagagawa yun? sikreeeett.. siya rin ang aming ap teacher na pag period namin sa ap, ibang subject ang tinuturo. minsan science, minsan math, minsan english, pero kadalasan ay values."

� ma'am colosaga = "si ma'am collie. hindi ko alam kung bakit 'collie', hindi naman siya mukang aso di ba? hmm, pero eto na nga, si ma'am collie ang pinakamaporma naming guro. ang galing galing netong magdala ng damit. SEXY!!! siya ang fashion model ng mga teachers. siya rin ang teacher na labs namin dahil pag asa klase ka niya, walang maling sagot. 'ok, you have a point dur. (there)' alam ko iniisip mo.. tama ka.. madalas na wrong grammar 'tong si ma'am kaya pag nasa klase ka niya e humanda ka na para sa pakikipagsapalaran mo sa isang oras na puro komedi. kahit pa ba mahirap ang earth sci, magagawa mo paring ngumiti."

� ma'am ambata = "siguro siya na ang pinaka-rich sa lahat ng teacher na humawak sa min. pano ba naman, dala-dalawa ang kanyang tsikot. yung isa yung soulmate's car (kasi dilaw) at yung isa naman ay yung lover's car (kasi pula). masaya naman 'tong si ma'am ambata. sa totohanan, siya ang gurong pinakamahilig sa plus. siya rin ang gurong pinaka-killer smile. kahit binabara ka na niya, naka-smile parin siya. hindi rin madalas mag-discuss 'tong teacher na 'to. mahilig magpabasa ng libro, at mahilig sa quiz. mahilig sa looney tunes na alkansya na lalagyan ng strips of paper para sa plus points. mahilig sa group activities at mahilig sa mamahaling mga bagay. sandali, nasabi ko ng mahilig siya sa plus di ba? pero humanda ka.. ang bawat plus 10 na ibibigay sa 'yo ay may kapalit na minus 20. tsk.. tsk.. iba na talaga pag generous."


//ANO DAW?/
lagi naming pinupuna ang mga kakatuwang sinasabi ng aming mga guro.
*paalala sa makakabasa: TRABAHO LANG, WALANG PERSONALAN.
eto na sila:

ma'm cordova:
"ano english ng depth?"
"hindi e! mali ka!"
"ano darwin? anong tamang sagot? si jr na naman? o sige jr."
"e pano pag pifty yun?" (fifty)
"asan na si reuveal maylabs?"

ma'm ambata
:
"100 perzzzzzeiiiiiint."
"and so and so..whatsoever.."
"ano po yun? ..ano po? ..tapos po?"
"alam niyo namang laging answered prayers ang mga dasal nating mga bata."
"tayong mga bata ang laging pinapakinggan ng Diyos."
"we pray for the faculty members of Quezon City Science High School, for the doctors of St. Luke's, of Makati Med, of *insert name of hospital here*, of *insert name of hospital here*, that they may analyze the tests of their patients well.."

ma'm murcillo:
"magandang umagaaaaaa, darwin waaaaaaaaan!"
"o sige manatili tayong nakatayo para sa ating panalangin."
"magsiupo naaaaaa, darwin waaaaaaaan."
"diba, no? darwin 1?"

ma'm pundol
:
"good afternoon children."
"you know my dear children.."

ma'm colosaga
:
"how sextant be used?"
"we can prove that the flat is earth."
"this is the north, this is the it.." (east)
"what is the times telling device?"
"there are 1 notebooks w/o no names."
"exactly! izenit?" (isn't it)
"what event could have caused the smoothness character.."
"it has a define shape.." (definite)
"metamorphics rocks"
"how igneous rocks are being formed?"
"they are confusion sometimes.."
"ok, so, we have dur.."
"they do not have no crystals"
"how is sedimentary rocks form?"
"what are the 2 main chemical that we can be found in water?"
""we can classify them into TRU.." (nag-volt in na two at three)
"gets it?"
"how many tree can you find here?"
"yes, there is one trees and it change positioned."
"dun sa picture A, yung mga boyscouts, parang nag-uusap. may naririnig ka ba?"
"which come first? mammals and insect?" (eh. pinapili mo pa kami.)
"ay hindi pa! sinong walang checkan?"

ma'am bustria
:
"etch"
"lahat po yun, recorded."
"e ang sabi naman ng isang estudyante..'e ma'am! bakit po ganito?'"

ma'm bael
:
"let's find the reyshu.."
"1 centimeters is equals to"
"1 elements reacts"
"ano color ng folder niyo? ah! yung white na colorless na lang!"
"ang zinc at chloride, parang mag-sweetheart."
"ok, 2+2=6."
"naiintindihan niyo ba? 1 point dito, 1 point dito, 1 point dito and 1 point dito. kaya 2 points."

ma'm torrejos
:
"suppose that a leg of a broken chair is broken."

ma'm mendoza
:
"ok, for the sake of correction, kasi in other books, it states that *blah blah*....."
"hindi ko kasi alam e..pero for the sake of correction.."

Hosted by www.Geocities.ws

1