This is really Twisted.
Home Art Photography
Homework Pintula E-mail

CAUTION!!!

You have entered the danger zone. To ensure your sanity, please answer the following questions:

Do you prefer variety over homogeneity?

Are you the adventurous type who wants a piece of everything?

If your answers to these questions are spelled Y-E-S, then I can assure you that you can leave this website mentally healthy.



SA TUWING HUMIHIGOP NG KAPE

Kadalasa'y hindi ko maiwasang kainggitan
ang mga libro kong nakabuklat
sa ibabaw ng aking kama.
Doon kasi'y mapayapa na silang humihimlay.

Ganun din ang aking tasang
kahit nilisan na ng init ng kape
para sa aking bituka'y panatag
pa ring nakapatong lang sa lamesa.

Samantalang nahihirapan akong papirmihin
ang aking isipan sa iisang lugar.
Walang pagod itong nakikipagsabayan
sa pagtalon ng mga palaka sa gabi.



Magmula sa mga damuhang dinapuan
ng lamig, nagtutungo sila
sa mga kalsada at sinasalubong
ang rumaragasang mga ilaw.

Tuloy, pag napagod na ang araw
Sa pagtatago sa buwan, masisilayan
Ang mga palaka, tulad
Ng aking isipan,

Pisak

na nakahandusay sa daan.

Sa susunod, tatabigin ko na lang ang aking tasa
at ihuhulog sa lapag ang aking mga aklat.
Gigising ko sila upang samahan akong sumiping sa gabi.

Baka sakali pang makayanan
ng aking isipang pumirmi.


Cecile Ann Sy

© 2002 Copyright Twisted Philippines. All rights reserved.
Hosted by www.Geocities.ws

1