10. If you could change one thing about yourself what would it be?
-Siguro sa physical na outlook ko eh yung height ko kasi yun lang ang kulang para maging near to perfection na yung beauty ko. Joke! HEHEHE!
11.Most extraordinary thing that a fan did/gave you?
-Yung surprise birthday party na ineregalo nila sakin last September 22, 2003. Hindi ko talaga ini-expect yun! As in sobrang happy ako! Kasi pinag-hirapan talaga nila yun para ma-organize. Imagine, for the first time nag kasama-sama yung mga SBC, SBO at FMGN, at karamihan pa sa kanila sa malalayong lugar pa nangaling.
12. Most treasured possession?
-Yung whole-being ko, kasi hindi yun kayang tumbasan ng kahit anong material na bagay. Sa mga gamit ko naman yung van ko, kasi dun ko ininuhos lahat-lahat ng pinag hirapan ko mabili lang yun.
13. What is the first thing that you bought from your profession?
-Cell phone, Pagkapanalo ko sa search nag punta kami sa bilihan ng cell sa Green hills, 3310 pa ang uso nun kaya yun ang binili ko.
14. Is it true that you love to watch horror movies? What made you interested into it?
-Mahilig ako sa horror movies kasi nakaka-suspense syang panoorin. As in mapapasigaw ka talaga sa takot.
15. What�s your weirdest dream?
-Yung maging isang tunay na prinsesa ako na may isang prinsepe na makakatabi ko habang-buhay, tyaka sana lahat ng tao hindi na kailangang mamatay.
16. What are your future plans after Sexbomb? Will you continue your studies?
-Gusto ko bago mawala ang Sexbomb eh may sarili na akong negosyo saka syempre mag-aral aaral ako ulit.
17. How did you meet the SBC?
-Na meet ko yung mga SBC sa chatroom ng MIRC. Kasi bagong bili yung pc ko tapos si Julius ang nag set-up nun. Nilagyan nya ng MIRC tapos nung nag chat ako tanong sila ng tanong kung ako nga ba talaga yun, kaya sabi ko para maniwala sila puntahan nila ako sa broadway at tanungin nila ako. Tapos yun na na-meet ko na yung karamihan, dun na nag-umpisa yung magugulo saka masasayang kwento.
18. After sexbomb, how would you like to be remembered by your fans?
-Isang masayahin at makukulit na kaibigan na hindi sila iiwan sa ere kahit kelan. Isang kaibigan na minahal nila at minahal din sila in return.
19. Special message to the SBC
-Salamat sa lahat ng suporta at pag mamahal na ibinigay nyo sakin. Alam ko hindi ako nagging perpektong kaibigan sa inyong lahat, at madalas inaasar ko kayo pag nandito kayo. Pero gusto kong malaman nyo na mahal ko kayong lahat! Maaaring hindi kayo solid fans na maka grace lang, pero kasi hindi naman fans ang turing ko sa inyong lahat kundi mga loyal friends na alam kong maasahan sa oras ng kagipitan. Napatunayan ko na yan! Salamat! Mahal ko kayong lahat lalo na sila ai3, grace (tukayo) ren-ren, louie, jonbie, glaiza, si alex na labs ko, mymer & ritz, alla, fritz jr., genetix, vash, aaron (nasaan kana kaya?), ej, spec, killua, j-mac, Eugene, xhelle na mahal ni ice, si emjhey na mahal ni g-man, joyce na bunso ko, liz, kaira, cc, ace, rai, memphiz, jp, ivan, marc na ipagtatangol ako sa lahat ng pagkakataon, saka sa gwapong-gwapong kapatid ni ice na si Erick na papa daw ni vic... kahit hindi ako gusto� sana lang katulad ka ni ice na love ako, at syempre si ice-man na love na love ko! At sa lahat-lahat po salamat! Love ko kayong lahat! MWUAH!!
� Favorite dishes: Filipino dishes esp. sinigang & pakbet
� Hobbies: Dancing, sleeping, eating & singing
� Cartoon character: Tasmanian Devil
� Clothes: lee, porche, dickies, YRYS & more
� Beauty secret: WALA!
� Dream car: Navigator & Expedition
� Favorite pet: Dog
� Movie: horror
� Dream guy: kahit sino basta mamahalin ako ng totoo at mamahalin ko rin.
� Chinovela/Teleserye: Endless love, twin hearts
Page 1[2]
Jacky Rivas interview