~~~Iniwan na Pag-Ibig V~~~
Paulit-ulit naman ang istoria ko
Nadarating sila upang iwanan ako...
Ang pag-ibig ay sadyang mahirap makamit
At kapag nagkamali ng pili ang lasa ay pait
Ipaglalaban ko
Ang damdamin mo
Ngunit hindi ko kaya
Ang ipag-tangol ako
Di malilimot ang daing ng luha ko
Ng ako'y iniwan  at puso ko'y binato..
Paano tatakasan ang sumpa ng pag-ibig
Kung ang madatnan siya ay ang tanging hilig
At ang pangalan niya ay ang bukang bibig
Ngunit iba pala ang kanyang ini-ibig?
Labag sa loob ko na sa iyo'y mag-paalam
Ngunit anong magagawa kung ika'y isang hiram
Nais kong maulit upang mayakap ka
Pero pag-ibig mo'y lason at isang bula...
Kubli ang lahat ng aking damdam
Ng nalaman na ika'y aking hiram
'Di ko mabigkas kaya hindi mo alam
Ngunit ibubunyag dito sa aking liham...
Wagas na pag-ibig na di ko madatnan
Akalang nasa iyo ngunit ito'y kinalimutan
Init ng iyong halik na sa akin ay sumpa
Pagkat ngayon ang hatid sa akin ay luha...
Basagin ang pagdurusang ito
Bumalik ka at muling ibigin mo..
Pag-ibig ko'y tanging sa iyo
Ngunit ang pag-ibig sa yo'y laro
'Di mo ako sinalo at tuloy bumagsak
Gumuho ang mundo at dulot ay iyak
Hosted by www.Geocities.ws

1