ALAMAT NG NINJA KNIFE
by Gemisa Tan

        Noong panahon ni Dark Swordsman, noong nanliligaw pa lang siya kay Trent, ang pinakamagandang babae sa balat ng Ran, may nakasabay siyang manligaw.. May nakasabay siyang umibig..


        Halos magkasabay lang lumabas sa mundo ng Ran sina Trent at Ninja Knife.. Magkasali silang kumakain.. Magkasamang nagkuquest.. Kahit na puro mga Hooligan lang at bandit lang noon mga pinapatay nila, masaya sila basta magkasama. Sabay silang kumain ng Bread galing sa mga kalaban. 


        Mahinhin kumain si Trent, na siya naming kinaiinisan ni Ninja Knife. Tingin niya kasi nakakabagal un sa pagpapalevel nila ni Trent. Adik kasi itong si Ninja Knife eh.. Gustong gusoing lumakas. Kaya ang ginagawa niya ay palagi niyang binibilisan ang pagkain. Minsan nga nilulunok na lang niya ang sinusubo. Natatawa si Trent sa ginagawa ni Ninja Knife.. Maraming beses na ring nabulunan si Ninja Knife kaya nung minsan, sinubuan na lang ni Trent si Ninja Knife. Share sila sa isang bread. Simula noon ay hindi na nagreklamo si Ninja Knife sa pagkain. Tahimik na syang kumakain.. Naghihintay sa panibagong subo ni Trent..


        Sila lang dalawa palagi sa party. Wala silang nakakaparting iba. Wala kasing tiwala sa Trent sa ibang mga lalake.. Ang mga lalake kasi sa Ran puro mga bastos at manloloko. Masaya na siya at may tiwala kay Ninja Knife.. Kahit may pagkamakulit, alam niyang ipagtatanggol siya nito sa kahit anong kalaban. Un ang gustong gusto ni Trent kay Ninja Knife..


        Hinding hindi makakalimutan ni Trent ang nangyari sa kanya nung una niyang makilala si Ninja Knife.. Level 4 pa lang siya noon at nagpapalevel mag-isa sa mga little hooligan. Medyo napalayo siya sa campus at biglang may tunog siyang narinig sa likutan niya.. Ng pagtalikod niya, may isang lalaking namumutla, sinangga ni Ninja Knife ang patalim ng bandit. Sinamantala ng bandit ang nakatalikod na si Trent, buti na lang at dumating si Ninja Knife.. Agad agad tinira hanggang mamatay ni Trent ang pahamak na bandit. Takot siya noon.. Pero lalo siyang natakot sa patalim na nasa likod ni Ninja Knife.. Naiiyak, nagpasalamat si Trent kay Ninja Knife ng buong puso.. Muntikan na kasi sya..


        Ngumiti lang si Ninja Knife, Prinsesa ng mata ko, matagal na kitang nakikita dito sa Ran, napapangiti mo ako araw araw sa ganda mo.. Namamangha din ako sa sipag mo sa pagpapalevel, hindi ka nagpaparty mag-isa mo clang pinapatay. Pero kanina, nakita kong akma kang tatarakan ng bandit, hindi ko na siya mapipigilan dahil malayo siya kaya pinagpasyahan kong sanggahin na lang ung patalim. Hayaan mo Prinsesa, simula ngayon, ako na ang tatangke sayo.. Poprotektahan kita kahit maging dulot nito ay ang aking kasawian. Makita lang kita nabubusog na ang mata ko.. Masaya na ako. At simula noon, sila lang palagi ang magkaparty..


        Mahirap lang si Ninja Knife, hindi niya mabili ang mga armor na nararapat para sa kanya. Kahit mga sandata, hindi niya kayang bilhin. Pero malakas ang pangangatawan niya.. Napakakunat ng lalakeng ito.. Dahil na rin dex sordie sya kya nagagawa niyang tangkihin ang mga kalaban. Si Trent ang pumapatay.. Sa kanya napupunta ang mga loots kaya magaganda at malalakas ang mga gamit nya. Hindi naman nagrereklamo si Ninja Knife. Masaya na siyang nakikita ang prinsesa niya.. Masaya din siya kasi natutupad niyang ang pangako niya.. Na siya ring pangarap niya..


        Masayang masaya si Ninja Knife sa buhay, feeling niya ay nasa langit na siya.. Lalo na kapag kainan na. Un kasi ang palagi nyang hinihintay. ^_^ Minsan, nung makapamasyal sila ni Trent sa MP hole, nakaupo dun sa isang romantic na lugar, dumating ang tito pepe.. Una niyang nakita si Trent kaya hinabol nya ito.. Hindi kaya ni Trent ang Uncle Potato! Mabilis din ang takbo ng Uncle Potato kaya napilitan silang harapin na lang ang kalaban.. Tira ng tira si Ninja Knife sa Uncle Potato kaso lang ay likas na mahina ang bawas niya.. Nauubusan na ng pots si Trent at hindi pa nila ito napapatay.. Pinapatakbo na ni Trent si Ninja Knife noon sa kung saan pero ayaw ni Ninja Knife, ayaw niyang iwan ang prinsesa niya.. Umiikyak na nga sya noon dahil wala siya magawa para kay Trent.. Mawawalan na sana ng pag-asa si Trent na may isang swordsman na tumulong sa kanila. At iyon na nga si Dark Swordsman. Dinurog ni Dark Swordsman si Uncle Potato at bilang panapos na tira.. tinira niya ito ng isang Jumping Slash na siya namang ikina mangha ni Trent.. Hindi pa siya nakakakita ng ganoong skill. Nagulat siya sa lakas ng isang POW swordsman. At sa pagkakataong iyon, natulala si Trent kay Dark Swordsman.. Si Ninja Knife, umiiyak lang sa takot.


        Agad ding nahumaling si Dark Swordsman kay Trent. Napakaganda kasi nito.. Tinanong niya ang dalaga kung bakit sila napadpad sa isang lugar na ganoon, hindi makasagot si Trent, si Ninja Knife, umiiyak pa rin sa kaniyang kahinaan. At doon din at doon, nangako rin sa Dark Swordsman kay Trent na poprotektahan ito kahit kapalit nito ay buhay.. Nagulat si Ninja Knife at sa pagkagulat ay wala itong nasabi.. Tumigil lang ang luha nya at natauhan, lalong lumakas lang ang pintig ng puso niya, naghihintay sa magiging sagot ni Trent..
Ngumiti si Trent kay Dark Swordsman, animoy isang pasasalamat at isang sagot na oo. Tumigil ang pintig ng puso ni Ninja Knife, isang saglit lang iyon, isang Segundo, pero iyon na ang pinakamasakit na naramdaman niya sa buong buhay niya.


        Pagkatapos ng pangyayari, tatlo na silang magkaparty. Madalas ay nao-OP lang si Ninja Knife kasi palaging kinakausap ni Dark Swordsman si Trent.. Ayaw naman niyang sumabat.. Naiinis din si Ninja Knife kay Dark Swordsman, hindi kasi nagsusuot si Dark Swordsman ng coat, napipilitan tuloy si Ninja Knife na sya ang tagalure tapos si Dark Swordsman ang papatay.. Tuloy, si Dark Swordsman ang nagmumukhang gwapo kay Trent.
Isang araw, napagdesisyunan ni Ninja Knife na magtanggal ng coat para hindi na niya kailangang magtangke at magmukhang gwapo si Dark Swordsman kay Trent. Ngunit pinagalitan lang siya ni Trent at sinabing siya na lang magtangke.. Hindi rin nakaangal si Ninja Knife.. Napahiya rin ito ng makitang naglulure din si Dark Swordsman ng marami, kung pareho lang sana sila ng level noon, mahina ang katawan ni Dark Swordsman pero dahil sa mataas ang level nya ay nakuha nyang tangkihin ang mga kalaban. Simula noon ay nahiya na siyang magpalevel kasam sila.. Mag-isa na siyang nagpalakas at bilang tanda ng kunat niya, hindi na niya muling sinuot at coat..
Di naglaon ay naging mag-on sina Dark Swordsman at Trent, nagpakasal din ang dalawa pero hindi nawala ang pag-ibig ni Ninja Knife kay Trent.. Nadurog ang puso nito pero mahal na mahal pa rin niya ito.. Siya pa rin ang prinsesa ng mga mata niya.


        Kahit hindi na niya nakakaparty ang pinakamamahal niya, sa malayo ay nakatingin pa rin si Ninja Knife kay Trent kahit na sa tuwing makikita niya itong masayang kasama si Dark Swordsman, hinihintay niya ang pagkakataong muling kakailanganin ni Trent ang tulong niya.
Nagka anak na si Trent ay mahal pa rin ni Ninja Knife ang babae. Nandoon din siya nung nagpapalevel si Trent sa SG hole. Ngunit dahil sa naging matumal ang pagpapalevel niya, hirap siyang sumunod kay Trent sa pinupuntahan.. Nung minsan, nakagat siya ng isang freezing halogen. Nanigas ang pangangatawan niya kaya nawala sa paningin niya si Trent. Un ang huling pagkakataong makikita niya si Trent dahil kukunin na si Trent ni GM Boom (see Alamat ni Dark Swordsman).


        Halos mabaliw si Ninjan Knife sa pagkakawala ni Trent, galit nagalit din sya kay Dark Swordsman. Hinanap nito si Trent ngunit hindi makita.. Si Dark Swordsman ay ganun din. Gustong paslangin ni Ninja Knife si Dark Swordsman ngunit alam nitong hindi niya ito kaya.. Kaya napasigaw nalang siya sa mga GM.. Pinapalabas niya ang mga GM para tulungan siya.. Ngunit walang duminig sa kanya..


        Naririnig siya ng mga GM ngunit walang gusting pumansin sa kanya.. Iyak ng iyak si Ninja Knife. Naawa ang mabait na si GM Nenene kay Ninja Knife kaya personal nitong pinuntahan si Ninja Knife at sinabi ang nangyari kay Trent (See Alamat ni Dark Swordsman).. Galit na galit si Ninja Knife at tinira pa si GM Nenene sa kanyang mga skills.. Lalo lang siyang nanliit ng Makita ng piso lang ang bawas niya kay GM Nenene.. Naawa si GM Nenene kay Ninja Knife ngunit hindi rin nito gusto ang ginawa ni Ninja Knife sa kanya. Bandang huli ay napag-isipan na lang niyang iwanan ang lalaki at binigyan ng babala nah wag galitin ang mga GM.. Kawawang GM Nenene, siya na nga ang mabait siya pa ang napagdiskitahan ni Ninja Knife sa galit. Masakit ang loob ni GM Nenene pero dahil likas itong mabait, lalo nitong pinakunat si Ninja Knife at tinaasan ng level, dinagdagan din nito ang buhay ni Ninja Knife para kung sakaling makita ni Ninja Knife si Dark Swordsman, matatalo niya ito.. Sinumpa ni Ninja Knife si GM Boom at GM Trent na hindi sila magkakaanak na tao.. Lalabas ang kanilang anak bilang isang hayop.
Nagpatuloy ang pagtawag ni Ninja Knife sa mga GM at kay Dark Swordsman, hinahanap niya ito sa kung saan.. buong araw niyang minumura ang mga GM. Alam ng mga GM ang kwento ni Ninja Knife kaya hindi na rin lang nila pinakialaman ang lalaki.. Pwera sa isang GM.. Si GM Imrahil ang GM ng Kadiliman. Inis na inis sa GM Imrahil dahil wala sya sa mood noon, siya ang GM ng Kadiliman kaya ginusto niyang turuan ng leksyon si Ninja Knife.. Kinuha nito ang paningin ni Ninja Knife. Naawa ang mga GM kay Ninja Knife pero walang nangahas na labanan ang GM ng Kadiliman..


        Tumahimik si Ninja Knife ng mawalan siya ng paningin. Umiyak lang siya ng umiyak. Nanlumo siya.. Hinding hindi na niya muling makikita si Trent.. Sinuko na niya ang pag-asang makita ang prinsesa ng kanyang mga mata.. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa sa lalaking kumuha sa kanyang mga pangarap at sumira dito.. Si Dark Swordsman.. Umiikot ikot lang si Ninja Knife sa SG hole, hindi alam ang patutunguhan.. Tahimik, naghahanap sa isang Sordie na wala na.. Ang bulag na nawalan na iniibig, nawalan ng saya.. at nawalan ng dahilang mabuhay.
Hindi na muling ibinuka ni Ninja Knife ang bibig, wala na rin kasi talaga siyang ganang kumain.. Kung sanang may babaeng magsusubo sa kanya.. Wala na rin siyang paningin, hindi na niya makikita pang muli si Trent. Wala na.. Ito ang masalimuot na kwento ni Ninja Knife.. At hanggang ngayon ay hindi natatahimik si Ninja Knife. Makikita pa rin sya sa SG hole.. pakalat kalat, hinahanap si Dark Swordsman. Naghihintay makapaghiganti..

Hosted by www.Geocities.ws

1