Noong unang panahon, ng matapos na ang kabanata nina Dark Swordsman at Ninja Knife, doon nagsimula ang istorya ng isang batang nagngangalang Etherial Fist. POW type na brawler na makikitang maangas na naglalakad.. Marami ang naghuhunt sa kanya. Gustong matikman ang lakas, gustong makatikim ng boss, gustong makita ang lakas ni EF ung iba, gusto lang siyang makita. Trip lang, wala lang.. Meron akong kaibigan, hinabol si Ethereal Fist, noob pa sya noon.. Nanglilimos kay Ethereal Fist. ^_^
Sa mga panahong iyon, maaaring humingi ng kahilingan sa mga GM. Ngunit may kapalit.. Isa dito si Ethereal Fist. Hindi kasi nagkakaanak noon ang ama ni Ethereal Fist at ang kanyang ina.. Kaya hiniling nila sa mga GM na bigyan sila ng isang anak na lalaki. Isang malakas bumawas at makunat na anak na lalaki na magtatanggol at magpaparami ng lahi nila. Ngunit sa kinatagalan ng panahon, ay hindi sila dininig ng mga GM. Nalungkot ang mag-asawa pero sige pa rin sila ng sige. Dahil sa pagpupursigi at kabaitan ng loob, may GM na duminig sa kanilang kahilingan. Binigyan sila ni GM Rivkah ng isang malusog na anak. Ipinanganak na nakatikom ang kamao ng bata, kaya ang ipingalan sa kanya ay "Etherial Fist" ("Heavenly Fist"). Hindi humingi ng kahit anong kapalit ang GM at binigyan pa sila ng costume na isusuot ni Ethereal Fist pag malaki na siya at malakas. Isang costume na hindi pabasta basta masusuot. At noong kapanahunan nila, si Ethereal Fist lang ang nakakapagsuot.. Isang XiuLuo Martial Arts Attire.
Nabagabag kasi si GM Rivkah sa dalawa
kaya sila binigyan ng isang anak. Isang pinagpalang anak. Kitang kita ito ng GM
ng Kadiliman.. Sa dilim, pinapanood lahat ni GM Imrahil ang ginawa ni GM Rivkah.
Naiinis siya sa mga GM na namimigay at gumagawa ng kabutihan sa ibang mga GM ng
hindi humihingi ng kapalit. Kaya, pinagbalakan niya agad ang ama at ina ni
Ethereal Fist. Ng umalis na si GM Rivkah at gumawa ng kabutihan sa sa ibang
lugar pinuntahan niya ang mag-asawa at sinabing naniningil si GM Rivkah ng buhay.
Kukunin ang buhay ng ama ni Ethereal Fist at maiiwan ang ina bilang taga alaga
sa bata hanggang lumaki ito, maging malakas at magkaisip. Sa takot ng mag-asawa
sa mga GM at sa kagustuhang magka anak, pumayag ang dalawa. Kahit na hindi man
lang nakasama ng tatay ni Ethereal Fist ang kanyang anak, agad niyang inalay ang
kanyang buhay sa GM ng kadiliman. At ang ina, pinalaking mabuti at malakas ang
bata.
Kakaiba ang paglaki ni Ethereal Fist. Lubha siyang malakas at makunat kumpara
sa ibang mga batang kasinggulang niya. Hindi itinago sa bata ng kanyang ina na
kukunin ang buhay ng ina pagdating niya sa tamang gulang. Dahil dito ay ninais
na lamang nito na hindi na lumaki pa, na siya namang imposible.. Kahit na
gustong humaba pa ang pagsasama nila ng anak, ninais din nitong maging malakas
at manuting tao ang anak kaya isinantabi na lamang ito ang pag-iisip na mawalay
sa anak datapuwat ay sinamantala ang kanyang mga natitirang araw sa pag-aalaga
sa anak. Alam niyang magiging masaya ang kanyang asawa doon sa Ran Heaven.
Hindi naging madali ang pagpapalaki sa bata. Lubha kasing malakas ito at mainitin ang ulo. Matabig mo lang ito bigla na itong gaganti at hindi titigil kung hindi ka dadapa. Sa awa ng Diyos at sa tiyaga ng ina, napalaki nito ng maayos ang bata. Naging makatarungan si Ethereal Fist at ginigiliw ng karamihan, lalo na ang mga matatanda na siyang unang una niyang ipinagtatanggol.
Naging masaya ang paglaki ni Ethereal
Fist. Magkasama palagi ang mag-ina at magkaparty palagi. Hindi mapaghiwalay ang
dalawa at masaya silang namamasyal, kumakain, at nagpiPK. Pag sila ang magkasama,
dapa lahat. ^_^
Magiging mas masaya sana ang
pagsasama ng dalawa ngunit unti unti ay lumapit ang araw ng pagtupad sa
kasunduan ng kanyang mga magulang kay GM Imrahil. Level 107 nakatakdang ialay ng
ina ni Ethereal Fist ang kanyang ina. Unti unting lumungkot Si Ethereal Fist.
Ayaw na sanang magpalevel ni Ethereal Fist para hindi na mapalayo sa kanyang ina
ngunit pinigilan siya nito. At noong malapit na ang nakatakdang araw, nagpakita
si GM Imrahil sa nanay ni Ethereal Fist at sinabing sa SG Ring kukunin ang buhay.
Nang dumating na ang takdang araw,
matapos kunin ni Ethereal Fist ang kanyang bagong skill, naghanda siya ng baong
maraming pots para sa kanilang dalawa ng anak. Masakit ang loob nito ngunit
masaya na rin dahil lumaking malakas at makisig ang anak. Nasiguro niyang
matututpad ang pangarap nila ng kanyang asawa.
Ngunit si Ethereal Fist, hindi tumigil ang pag-iyak mula ng mag level 107.
May ibang bagay sa isip si Ethereal Fist kaya agad itong sinabi sa ina..
Inay, pwede naman po siguro tayong
magtago na lang. Tama ng kinuha ang buhay ni ama. Bakit pati ikaw ay kukunin?
Sino na ang makakasama ko sa aking paglalakbay? Ayaw kong mawalan ng isang ina..
Anak, pilaki kitang marangal. Wala sa lahi natin ang hindi tumutupad sa
pangako. Kaya ka nabubuhay ngayon ay dahil sa bigay ka ng mga GM sa amin ng
iyong ama. Hindi mo utang ito sa akin o sa iyong ama. Ang gusto lang namin ay
lumaki ka ng maayos at mag-asawa upang ikaw naman ang mag-alaga at magparami ng
ating lahi.
Ina'y hindi ko po kaya!
Bakla ka ba anak?
Di po ako bakla!
O tahan na. Tara na sa SG ring, hatid mo na ako kay GM Imrahil. Kala ko
kamukha mo si Rustom.
Opo inay. D ako bakla ha..
OO anak. Alam ko naman yun. Patay tayo sa tatay mo pag lumaki kang bakla.
Nay naman eh.. Umiiyak na nga ako niloloko mo pa..
At tinahak na nga ng mag-ina ang SG Ring.. Masakit ang pakiramdam ni Ethereal
Fist habang papunta sa SG Ring.
Bawat hakbang ay bumibigat ang lakad niya.. Pawis na pawis ito. Sumikip ang dibdib nito ng makaapak na sya sa SG hole. Nangatog ang mga paa nito at lalong nanginig sa kaba. Parang lalabas ang puso ni Ethereal Fist sa lakas ng pintig nito habang naaalala ang mga pagkakataong nakasama ang ina. Naaalala nito ang mga araw na tinatangke siya ng kanyang ina. Mga araw na pinagbaon siya nito ng sangkatutak na mga pots pati na rin ang unang beses niyang magsuot ng backpack. Higit na sumakit ang dibdib ni Etherial Fist ng maalala niya ang mga pasakit na naranasan ng ina para lang sa kaniya. Mga araw na nadapa ang kanyang ina dahil pilit niyang panapadapa si Dark Swordsman. Ung mga araw pa niyang naging pasaway siya at mainitin ang ulo. Ilang tao din ang kanyang nasaktan dahil sa init ng ulo. Nanay niya ang matiyagang humingi ng tawad sa mga ito..
Anak, bilisan mo ang paglalakad,
aabutin tayo ng dilim sa ginagawa mo. Tutuparin natin ang pangako namin. Ikaw
ang pangarap namin kaya masaya ako kahit na magkakalayo na tayo.Alam kong
napalaki kita na isang anak na maipagmamalaki ng kahit sinong ina. Ibinigay niya
ang kanyang natitirang pots sa anak at itinulak papalayo. hanggang sa huli kay
Etherial Fist pa rin ibinigay ng ina ang sa kanya. Hanggang sa huli kahit
malakas na ang anak ay hindi pa rin niya maiwasang mag-alala para sa anak.
Hanggang sa huli, di pa rin maiwasan ng ina na magpighati sa pagkawalay sa isang
anak.
Akmang pupugutan na ng ulo ang ina ni Etherial ng dumating ang kanyang ang
kanyang Fairy Godmother.. Dumating si GM Rivkah at pinana ng slow si GM Imrahil.
Bumagal ang kilos ni GM Imrahil at dali daling tinabig ang inang walang kamalay
malay at tahimik na naghihintay na malagutan ng hininga.. Nagulat siya ng makita
niya ang GM na nagbigay sa kanila ng isang anak. Natakot siya ng makita niyang
nanlilisik ang mga mata ni GM Imrahil habang mabagal na papalapit sa kanya..
Nang natatanaw na ang SG Ring. Hindi
na nakuhang tignan pa ni Etherial Fist ang lugar. Nagpasyang magpaiwan na lang
ang nanay niya doon at madaliang pinaalis ang anak na hindi na magalaw sa
lungkot. Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak at hindi na makakita sa sobrang luha.
Tumalikod na lang ito at naglakad kahit halos hindi n makayanan ng dibdib at
katawan niya. Habang ang kanyang ina ay takot ngunit buong pagpaparayang
dumeretso sa SG Ring.. Kahit malayo.. tanaw na tanaw ang GM ng Kadiliman..
Ng malapit na ang nanay ni Etherial Fist, tinanong sya..
Handa ka na ba?
Opo GM.
Kung ganon lumuhod ka. Tumalikod ka, ipikit mo ang mga mata mo..
Ipinikit ng ina ni Etherial Fist ang kanyang mga mata hindi sa takot kundi
dahil inisip nito ang kanyang anak.. Lumuha ito sa huling pagkakataon at
lumingon kay GM Imrahil.
Kunin mo na ang buhay ko..
At itinaas ni GM Imrahil ang espada para lagutan na ng hininga ang ulirang
ina..
Humarang sa paningin niya ang likuran
ni GM Rivkah na tinakpan siya sa paningin ng GM ng Kadiliman.
Imrahil, Iginagalang kita.. Sana igalang mo rin ang pagtulong ko sa ibang tao.
Desisyon ako ang tulungan sila ano ba ang problema mo at kailangan mo pang kunan
ng buhay ang ina ng aking nilikha?
Nahihibang ka na ba? Bakit hindi ka humingi ng kapalit at bakit mo hinayaang
maging sobrang lakas ang bata? Kinukuha ko lamang na kapalit ang buhay ng
kanyang mga magulang para sa iyo. Inatasan tayong tumulong kapalit ng ating mga
gusto.. Hindi ka isang GM kung wala kang kukuning kapalit sa kanila. Un na ang
kasunduan pagkatapos ang Digmaan ng mga GM (future story) hindi ba..? Huwag mong
sabihing sinisira mo na ang kasunduan.. Alam mo naman ang kapalit hindi ba?
Ganun ka na ba kababaw ngayon Imrahil?
Alam kong matagal mo na akong binabantayan, sana alam mo na rin ang mga dahilan
kung bakit ko ito ginawa para sa kanila.. Dahil hindi ako ang dapat humingi ng
kapalit, sila ang dapat humingi ng kapalit..
Natigilan si GM Imrahil sa balak na
pagpapaslang.. Nanatiling walang imik ang ina sa takot habang si GM Rivkah ay
naghihintay ng sagot ni GM Imrahil na mukhang takang taka.
GM ng Kadiliman, meron kang
kapangyarihan na malaman kung sino ang nagsisinungaling o hindi. Tanging ikaw at
ang GM ng Kabutihan lamang ang may ganoong abilidad. Ngayon sabihin mo sa akin.
Nagsisinungaling ba ako?
Hindi. Katotohanan ang nasa labi mo. Hindi ko alam kung ano ang utang mo sa
kanila pero hindi ko ito gusto.
Umalis ka na lamang.. Ako na ang bahala sa mag-ina. Mabuti na lamang at may
nagsabi sa akin ng iyong balakin. Kung hindi nalagutan mo ng hininga ang ina ni
Ethereal Fist. Nakuha mo na ang sa kanyang ama, huwag mo ng kunin ang sa kanyang
ina. May utang kapa sa akin GM ng Kadiliman. At isang araw ay sisingilin kita sa
iyong kasamaan.
Akmang titigil na si GM Imrahil sa kanyang balakin ngunit biglang dumating si
Ethereal Fist! Inagaw niya ang espada ni GM Imrahil. Binuhat niya ang tulalang
ina at itinakbo ito papalayo sa dalawang GM. Nagulat si GM Rivkah sa nagawa ni
Ethereal Fist. Muling lumabas ang galit ni GM Imrahil at bago pa makaastang
labanan ni GM Rivkah ang GM ng kadiliman, napuno ng usok ang buong SG Ring.. At
ng ito ay lumingon, wala na si GM Imrahil at ang naroong GM ay ang GM ng Bisyo,
si GM Badlungs. Nakangisi itong nakatingin kay GM Rivkah. Nakakaloko ang ngiti..
Habang humihitit ng yosi.
Samantala, hindi pa rin tumigil sa
kakaiyak ang ating bida habang itinatakbo ang kanyang ina. Wala sa isip si
Ethereal Fist, ni hindi man tumitingin sa kanyang ina, ni hindi rin naririnig
ang mga sinasabi at isinisigaw ng ina. Nawala na ang kanyang kakayahang mag-isip
at ang tanging alam ay tumakbo papalayo sa SG Ring. Pabilis ng pabilis ang
pagtakbo ni Ethereal Fist ng biglang tumigil ito sa pagtakbo at napalakad na
lamang. Nakita niyang nabalot ng dilim ang kanyang nilalakaran.. Gabi na. At sa
di kalayuan.. sa kanyang harapan.. Namumula ang mga mata, galit nag alit ang
itsura.. Ito ang unang beses na lalaban siya ng isang GM. Lahat ng nakaharap
niya ay naging madali para sa kanya. Hindi siya nagdalawang isip na labanan ang
isang nilalang. Si GM Imrahil ay hindi pabasta bastang nilalang..
Mukhang mapapalaban ito..
ITUTULOY.. Ulit.. ^_^
Ano ang Digmaan ng mga GM?
Ano ang utang na loob ni GM Rivkah sa mga magulang ni Ethereal Fist?
Ano ang kinalaman ni GM Badlungs sa kwento?
Matatalo ba ni Ethereal Fist si GM Imrahil?
Kelan kaya matatapos ang story?