0000';
ALAMAT NG DARK SWORDSMAN
by Gemisa Tan // e-games ph forums
Noong unang panahon, noong payapa pa ang mundo at wala pa ang mga monsters, si Dark Swordsman ang pinakamalakas na sordie sa balat ng Ran. Ang syota n'ya ay si Trent at mapayapa silang nag-iibigan. Bata pa sila noon, Magkasama silang naglalakbay ni Trent sa kung saan saang lugar. At masaya silang nabubuhay. Ngunit isang araw, dumating ang mga alien at naghasik ng lagim sa mundo. Natakot ang mga tao at kasama si Dark Swordsman sa mga natitirang tao. Nagpalakas s'ya noon at kasakasama n'yang nagpapalevel up si Trent.
Episode 1 pa lang nun ng Ran
at si Dark Swordsman at Trent ang mga kauna-unahang nag level 97. Hindi naglaon
ay nagpakasal ang dalawa at nagkaroon ng anak, at pinangalanan nila itong Dark
Swordsman Jr. Habang bata pa, itinuro na agad ni Dark Swordsman ang kanyang
nalalaman sa anak. MInahal ni Dark Swordsman ang bata ng lubos ng higit pa sa
kahit anong bagay. Hindi n'ya namalayang nawawalan na pala s'ya ng oras kay
Trent.
Mag-isang naglakbay at nagpalakas
si Trent sa araw araw. Si Dark Swordsman ang naging ilaw ng tahanan.. S'ya ang
tagalaba, tagaluto, tagalinis ng bahay at tagabantay kay Dark Swordsman.
Minsan sa SG Hole, ng mag-isang naglalakbay si Trent, nagpasya s'yang buong araw
magtraining hindi na n'ya nakuhang magpaalam kay Dark Swordsman kasi feeling
n'ya ay hindi naman ito mapapansin ni Dark Swordsman. Nagkataong nakalimutan
nyang bumili ng maraming pots.. Sa pakikipaglaban nito sa mga SGD, nakuryente
ito at ng malapit na s'yang mamatay, biglang dumating ang isang lalakeng
nakasuot ng ginto.. Dex brawler ito.. At sunud sunod na tinalo ang mga SGD.
Nakuha pang mabuhay ni Trent at nahumaling sa kakisigan ng GM.. Lahat kasi ng
nakakakita ng GM ay naiinlove dito. Ang pangalan ng GM ay "GM Boom." Nagkagusto
rin ang GM kay Trent kasi nga maganda rin ito. Hindi n'ya alam na may asawa't
anak na pala ito. Niyaya niyang maglakbay si Trent kasama n'ya at ipinangakong
gagawin din siyang GM pag lumakas.. Sumama si Trent kay Boom at kinalimutan ang
pamilya at hindi na lumingon pabalik sa SG..
Samantala, sa SG hinanap ni Dark Swordsman si
Trent dahil hindi pa umuuwi ng ilang araw.. Iyak ng iyak si Dark Swordsman
habang nag-iikot sa SG. Iniwan niya ang kanyang anak sa bahay.. Sa paghahanap ay
hindi niya namalayan ang oras at nakalimutan na pala ang anak. Sising sisi si
Dark Swordsman dahil noon lang n'ya narealize na hindi na nga pala n'ya
naaasikaso ang asawa..
Sa gutom, lumabas si Dark Swordsman Jr. at naghanap ng bread ng
makakain. Kasabay ang paghahanap ng pagkain, iko't ikot n'yang hinanap ang
kanyang ama't ina sa iba't ibang skwelahan. Araw araw palayo ng palayo si Dark
Swordsman Jr. sa bahay hanggang hindi na n'ya makayanan ang lakas ng mga kalaban
at eventually ay namatay s'ya.. Hanggang ngayon makikita pa rin ang multo ni
Dark Swordsman Jr. na pakalat kalat sa mga school na naghahanap sa mga magulang
at bread.
Samantala, naubusan na rin ng pots si Dark Swordsman at nagiging
desperado na.. Huli na ng maisip n'yang ilang araw ng naglalakbay at naiwan ang
kanyang anak. Natakot siyang baka napano na ang anak at umastang babalikan ito..
Tapos naalala niya ang kanyang asawa na si Trent na nawawala rin.. Urung sulong
ang isip ni Dark Swordsman at ito ay nabaliw.. Bomber clown ang tumapos sa buhay
ni Dark Swordsman.. Nakita n'ya kasi itong tumatawa sa kanya kaya agad na
nilusob ang clown. Nakalimutan n'yang wala na pala itong pots.. Kaya nadedz s'ya
sa tawa ng tawang clown.. Kaya ngayon, makikita pa rin ang multo ni Dark
Swordsman na pabalik balik.. Hinahanap ang asawa minsan tapos hahanapin ang anak..
Pabalik balik..
Naging GM si Trent na nasulot ni GM Boom. Masayang nagsasama ang
dalawa ngunit sinumnpa sila ng isang nilalang (isa pang alamat na ikukwento ko
po in the future). Isinumpa sila na hindi magkakaanak ng tao kundi isang aso..
Hindi naniwala ang dalawa at nung mabuntis nga si GM Trent ang lumabas ay isang
aso. Pinangalan nila itong "Max" at itinago bilang isang pet. Walang nakakaalam
na anak ni GM Boom at GM Trent na anak nila si Max kundi mga GM din.
Nakakaawa ang istorya ng mag ama kaya kapag nakakita kayo ng Dark Swordsman
at Dark Swordsman Jr., wag nyo po papatayin.. multo po iyon ng dalawang taong
nagmamahal.. Instead mag-alay po kau ng pagkain at pots sa mga Multo at
pagpapalain kayo ng mga ito ng swerte sa pag-uups..