Noong unang panahon, hindi pa ipanapanganak si Dark Swordsman at ang mga character ay pawang mga brawler at mga shaman pa lamang. Wala pa ang mga alien at wala ring Suryun, episode 1 pa rin noon pero meron ng CW.Masaya ang CW noon dahil punung puno ang mundo.. Iisa rin lang kasi ang server. Marami ang mga kalaban at masasabi mong napakalakas na ng gang mo kapag nakasakop ka ng isang e-room. Kung sabagay, iisa lang ang e-room noon. ^_^
Wala ring lag.
Iba pa ang mundo ng Ran noon at ang
experience ay mababa kumpara ngayon. Pati ang drops ay iba rin. Mas mataas naman
kesa ngayon. Ang experience rate noon ay divided by 6 ngayon kaya kapag meron
kapag level 87 ka na ay makakapagyabang ka na. Marami ang mabibiling mga refines
na pakalat kalat sa market. Mura pa. Yun nga lang mahirap ng konti ang pag-uups
kaya kapag nagkaroon ka ng +9 ay ituturing kang parang isang GM.
Merong isang Pow Brawler noon na nagngangalang demus_rioda. Sya ay isang malakas
at magiting na Gang Leader. Sikat siya sa mga tao sa Ran at ang gang nya ay
palaging nakakasakop sa e-room. Meron kasi siyang +9 set na armor at ang
requirement sa gang nya ay +7 set dapat ang suot mo. Dito sumikat si demus_rioda
at ang Brute_Punk gang.
Gustong ipakita ni demus_rioga sa
lahat na ang gang nya ang pinakamalakas. At dahil dito, maraming gang ang nag-asam
na matalo ang gang na ito ngunit pawang nabigo lamang. Ngunit sa kanilang
pagpupursigi, nakukuha na nilang maging sakit ng ulo sa gang na kinatatakutan ng
iba.. Natakot si demus_rioda na dumating ang araw na wala silang sakop dahil may
isang gang ang tatalo sa kanya.. Higit syang natakot ng malaman niyang may
tatlong naka +9 set sa gang na ang gang na muntik ng tumalo sa Brute Punk Gang.
Nagtagal pa ang dinastiya ni
demus_rioga at unti unti ay lumaki ang ulo nito. Hindi pa rin natatalo si
demus_rioga ng iba at inisip nya na siyay imbinsibol. Pumasok na rin sa isip
niya na kaya na nyang tapatan ang lakas ng isang GM. Ganito rin ang nagging
paniniwala ng kanyang mga kagang.
Lalo pa sanang magtatagal ang dinastiya ni demus_rioga ng biglang maglag sya
habang vineverify ang e-room, sindayang pinaglag siya ng mga GM para matalo ang
gang nyang Brute Punk. Naging malaking issue sa buong Ran ang pagkatalo ng Brute
Punk at walang patumanggang pagyayabang ang ginawa ng gang na nakatalo kuno sa
Brute Punk. Dalawang araw na walang tigil ang Brute Punk Gang sa pagshout sa
Ran. Galit nag galit ang Brute Punk gang at naging sabik na sabik sa susunod na
CW. Nagkaroon ng komosyon sa Ran at hindi na makapagtiis sa susunod na CW.
Samantala, nakonsensya naman ang lupon ng mga GM sa kanilang ginawa dahil hindi
nila dapat pakialaman ang CW.
At dahil na rin sa kasalanan ng mga
GM, pinagpasyahang dagdagan ang makukuhang gold ng Brute Punk Gang.. Naapektuhan
ang pagpakialam nito ng mga GM ng gold sa e-room at nagdulot ng sangkatutak na
gold na nakuha ng Brute Punk gang. Ang nakuhang gold ng Brute Punk ay
kasinghalaga ng lahat ng gold na nakuha ng Brute Punk simula noon pang unang CW.
Bilyon bilyon ang nakuha nilang gold at itoy kanilang winaldas sa pamamagitan ng
pagbili sa lahat ng refines sa market. Binili rin nila ang lahat ng gamit na may
upgraded na. Lahat ng Brute Punk gang ay naka +9 set na at itoy ikinabahala ng
marami. Nasira ang market dahil wala ng mabiling refines ang mga normal na
citizen ng Ran. Sa sobrang konti ng refines sa Ran ay nagmahal ng nagmahal ang
presyo ng lahat ng paninda. Puro Brute Punk na lang ang bumibili dahil bilyon
bilyon ang mga pera nila.. Hindi na naging masaya ang mga tao at ito ay
ikinabahala ng mga GM. Hindi nila alam kung paano nila susulusyunan ang problema
kaya kinausap nila si demus_rioga na ibalik na lang ang gold pati na rin ang mga
+9 set ng mga kagang niya. Papalitan na lang sana ng mga GM sa dati ang kanilang
mga gold. Umalma ang Brute Punk gang.. Ipinagtanggol ni demus_rioga ang kanyang
gang at niyayang magipag duel sa kanya ang mga GM. Pinagmamalaki niya na kaya na
niyang labanan ang kahit sinong GM.. minura ng minura ng Brute Punk ang mga GM.
Pati ang mga tao sa Ran ay nagalit sa mga GM dahil hindi naman sila panga na mga
GM ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong pangyayari..
Nagalit ang mga GM sa Brute Punk Gang
lalong lalo na kay demus_rioga na nauna ng nagyayabang sa mga GM. At sa galit na
ito ay ginawa silang mga monster na matataba at maiitim ang balat. Parang ugali
ng Brute Punk Gang, matakaw at maiitim ang budhi. Permanent na ang pagkakagawang
ito sa Brute Punk Gang at wala ng balak ang mga GM na ibalik pa sila sa dati.
Nawala lahat ng gamit ng Brute Punk. At ang pera nila, gold at mga items ay
hindi na pwedeng i-trade. Ng Makita ito ng taong bayan, walang awang pinaslang
ang mga Brute Punk ng mga ito. Brutal ang pagkakamatay nila.. At hindi natahimik
ang kanilang mga kaluluwa. Hanggang ngayon, makikita pa rin ang kanilang mga
multo at kapag suswertehin, maluloot mo ang kanilang mga pinamiling mga refines
pag napatay mo sila. Nagdadabog din ang mga ito madalas dahil galit na galit
sila sa mga GM. Sinisisi nila ang mga GM kung bakit sila nagkaganon. Pinapalo
din nila ang kanilang mga ulo dahil napakalaki ng kanilang pagsisisi, dahil sa
kanila ay biglang tumaas ang presyo ng mga tao tuloy, paborito silang patayin ng
mga taong bayan hindi lang sa loots nila na mga refines kundi dahil na rin sa
galit ng mga ito.
Lumipas ang maraming panahon at
nakalimutan ang kwento ng mga Brute Punk. Pero hanggang ngayon ay hinahunt pa
rin sila dahil sa loots nilang refines. Paminsan minsan ay gumagana rin ang
e-room bug at itinatanggi ito ng mga GM. Hindi kasi nila ito alam ayusin at
solusyonan. Merong haka haka na ang Lux na hinuhulog ni demus_rioga ay hindi
nakakabasag ng armor. Kaya marami pa rin ang mga mamaw na nakakaalam sa storya
ang walang ginagamit sa pag upgrade kundi ang mga Lux na galing sa Brute Punk.