Guiguinto, Bulacan Philippines 3015


Up

History of K of C San Ildefonso Council 10639


 

Knights of Columbus ng Guiguinto, Bulacan

council 10639 noon at ngayon

 

            Sang-ayon sa mga naunang mga Caballero de Colon ng ating konseho na naging bahagi sa pagtatatag ng ating samahan, napakaraming pagkakataon na tinangkang maitayo sa ating bayan ang Knights of Columbus nuong unang dako.

           Naunang nagsikap na maipon ang mga iginagalang na mga Ginoo sa ating bayan na siyang bubuo ng Knights of Columbus ay si Dr. Macario Manicad Sr. subalit ang kanyang hangarin ay nabigo hanggang sa siya ay bawian ng buhay.

           Noong ika-31 ng Marso taong 1991 ay isang bokal ng ating lalawigan na kilala bilang lider Kristiyano ang nagsadya sa kura Paroko, Rev. Fr. Ruben Lumapas ng simbahan ng Guiguinto, Bulacan at magalang na nagpaalam sa pagbuo ng Knights of Columbus ng Guiguinto, Bulacan. Siya ay walang dili’t iba kundi si Bokal Atty. Pedro “Pete” S. Principe ng Bocaue, Bulacan.

           Pagkatapos na maipabatid sa Kura Paroko ang kanyang layunin ay nagsimula na si Bokal Principe na puntahan ang mga inaakala niyang mga maginoo na bubuo ng konseho. Isa-isa niyang kinausap at pinagpaliwanagan ang mga ito tungkol sa mga kabutihan at layunin sa pagtatatag ng Knights of Columbus gayon din ang kaakibat na tungkulin ng lahat at bawat isang kasapi ng samahan. Matapos na makakalap siya ng sapat na bilang ng bubuo ng konseho ay kinausap naman niya ang noo’y District Deputy ng District M-29 na si SK Deo Reyes para sa “First Initiation” na ginanap nuong ika-7 ng April taong 1991 sa simbahan ng Guiguinto, Bulacan.

 

          Nuong ika-13 ng April taong 1991 ay inihalal ang mga Charter Officers ng Konseho si Bro. Isagani Pascual ang buong pagkakaisang inihalal ng kanyang mga kasama bilang Chartered Grand Knight.

           Ang pagbabalangkas ng pagtatalaga ng pamunuan at mga proyekto ay ginanap noong ika-25 ng Mayo taong 1991 sa tahanan ng Chartered Grand Knight Isagani Pascual. Napag-usapan din dito ang isang outdoor picnic kasama ang mga pamilya ng mga opisyales at kasapi.

           Ang naging host ng picnic ay si Bro. Boy Sotto na idinaos sa Lumang Bayan, Plaridel, Bulacan. Naging masaya, mabunga at kapaki-pakinabang ang outdoor picnic na ginanap sapagkat sa nasabing okasyon ay nagkakilala ang mga pamilya ng bawat miyembro ng mga Caballerong dumalo.

           Naganap ang panunumpa ng mga pinuno at kasapi ng bagong tatag na konseho ng Knights of Columbus nuong ika-27 ng Oktubre taong 1991 na idinaos sa simbahan ng Guiguinto, Bulacan. 

          Mula nuong taong 1991 hanggang sa kasalukuyan, ang mga sumusunod na naihalal ng mga kasapi upang siyang umugit ng samahan:

          1991 – 1993        SK Isagani C. Pascual

          1993 – 1994         SK Ruperto S. Principe

          1994 – 1995         SK Rodolfo C. Pingol

          1995 – 1996         SK Isagani C. Pascual

          1996 – 1997         SK Arthur C. Aduna

          1997 – 1998         SK Jaime C. Abon

          1998 – 1999         SK Silverio P. Maturingan

          1999 – 2000         SK Ricardo P. Liwanag

          2000 – 2001         SK Ricardo P. Liwanag

           Simula noon hanggang sa ngayon ay naging kaakbay at kabalikat ng simbahan at pamahalaan ng konseho 10639 sa pagganap ng mga gawain at mga proyekto na tumutulong sa mga kapuspalad nating mga kapatid na nangangailangan ng kalinga at pagmamahal.

           Ang mga proyektong ito ay ang mga sumusunod:

         1.     Yearly Gift Giving

 2.     Free Throw Competition

 3.     Family Day (Alay Lakad)

 4.     Fraternal Family Outing

 5.     Sports Competition

 6.     Bantay Kalusugan (PRO-Health Program)

 7.      Free Legal Counseling

 8.      Installation of Officers

 9.      Initiation of First Degree

10.     Pagdalaw ng Krus ng Jubileo

11.     Pagdalaw ng Birhin ng Guadalupe

12.     Linggo ng Bulacan

13.     MAD (Mamamayang Ayaw sa Droga)

14.    Bulacan HABITAT for Humanity Foundation Inc.

 

Mabuhay at Kasihan tayo ng biyaya ng

Poong Maykapal!

 Knights of Columbus

San Ildefonso de Guiguinto Council 10639

 
Hosted by www.Geocities.ws

1