Nais ko
Nakakabingi ba sa iyo
ang aking katahimikan
dapat mong malaman
ako'y nagbabalat kayo lamang
Kumikilos ba ako
na parang walang problema
dapat mong makita
ako'y nasasaktan na
Chorus 1
O Ikaw ang aking ibig patamaan
at sana nama'y mamalayan
Ang pagtakbo ng hininga
ay patuloy na kumakarera
dapat mong madama
ikaw ang may pakana
Pilit na inililihim
ang aking mga damdamin
pero dapat kong aminin
nais ko ikaw ay akin
(Chorus 1)
(Adlib)
Chorus 2
Ngunit ako ay masaya na
sa patago na pagsinta
(2nd stanza)
Coda
Nais ko, nais ko ikaw ay akin 4x
Nais ko ikaw