Di Raw BF Pero May Malaking Photo Sa Kwarto Niya!
Pinabulaanan ni Jennylyn Mercado na kaya di nito itinuloy ang pag-audition sa Darna role ay dahil pinagbawalan siya ng rumored
boyfriend niyang si Mark Herras.
"Bakit naman sisisihin si Mark gayung wala naman siyang karapatang
pagbawalan ako dahil hindi naman kami magnobyo. Nagtataka nga ako
kung saan nanggaling ang balitang yan. Sa totoo lang, natakot ako sa
harness dahil malulain ako at may phobia sa matataas na lugar. Isa
pa, hindi pa ako handang magsuot ng sexy costume ni Darna. Feeling ko
hindi ito bagay sa akin," sey ng dalaga.
Idinagdag pa rin nito na kailangan niyang mag-work-out ng mabuti para
pumayat at bumagay sa role ni Darna.
Kahit i-deny nito na hindi sila magnobyo ni Mark ay maraming ayaw
maniwala dahil may nakasabit na malaking picture ng aktor sa kanyang
kwarto. Katwiran pa rin nito ay close friends lang sila.
Nakalipat na si Jennylyn sa Golf Hills sa isang townhouse sa old
Balara kaya hindi na ito hirap sa biyahe di gaya nung nasa Las Piņas
pa sila.