SUOT NA GOWN NI REGINE, TINALBUGAN NG LONG GOWN WITH PLUNGING NECKLINE NA SUOT NI JENNYLYN

REMATE
NORA CALDERON
SEPTMEBER 15,2004


Iyong mga naunang umalis sa presscon ng "Forever In My Heart" ay hindi nakita ang pagdating ni Jennylyn Mercado na huling nakaalis sa taping nila ng ka-love team na si Mark Herras ng "Joyride". Napaka-sexy ni Jennylyn, na biro nga namin kay Regine, ay natalo yata siya ngayon ni Jennylyn dahil ang long gown na suot nito ay plunging neckline, na nagging conscious si Jen dahil kapag medyo yumuko siya ay makikita na ang kanyang breast.

Biniro tuloy si Mark na baka pagalitan na naman niya si Jen. Hindi raw totoo na pinagbabawalan niya si Jennylyn na magsuot ng mga maiikli at plunging necklines na damit. Although umain siyang seloso, kahit hindi pa naman sila mag-on ni Jen, basta raw may kinalaman sa kanilang trabaho, hindi niya pinakikialaman si Jen. Kahit iyong suot na short-shorts ni Jen sa 'SOP GIGSTERS' last Sunday ay okey lamang sa kanya. Siya pa raw ang pumilit kay Jen na mag-audition sa "Darna" ang problema nga lamang kay Jen ay takot pala ito sa heights.

Hosted by www.Geocities.ws

1