|
P
I
C
T
U
R
E
P
E
R
F
E
C
T
"..like a mural, I am meant to be experienced up-close!!"
Capture moments, share life!! Visit my PHOTOGALLERY
, it is more than just a gallery! Trust me!
|
P
R
I
M
E
R
Back to Articles
"Droga ay iwasan para sa magandang kinabukasan"
Pagbabalik tanaw
Isa ang siyudad ng Marikina sa mga siyudad na may lumalaking bilang ng mga kaso kaugnay sa laganap na nakawan, pagkawala ng mga sasakyan, pagpatay, holdap at iba pang krimen at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Ayon sa pamahalaan ng Marikina, 70% ng lahat ng kirmen sa siyudad ay kaugnay sa droga.
At dahil sa lumalaking problemang ito, naglunsad ang Marikina ng iba't-ibang kampanya laban sa salot na droga.
Kinilala ang baranggay San Roque, Calumpang, Concepcion, Tumana, Barangka, at Sto. Nino na mga lugar na tinatawag na "hot-spots" o lugar na pugad ng mga operasyon sa patungkol sa ipinagbabawal na gamot.
Bunsod ng mga krimen, nais bigyang pansin ng pamahalaang Marikina ang kapakanan ng mga kabataan na higit na naaapektuhan ng problema kung kaya't naglunsad ito ng mga programa na maaring maging solusyon sa lumalalang problema.
Ang Baranggay Tumana na may populasyon na 40,000 at may pinakamataas na bilang ng mga naitalang kaso kaugnay sa droga ang unang sumailalim sa mga programa ng pamahalaang Marikina laban sa droga.
Edukasyon sa Droga
Ano ba ang droga?
Ang droga ay isang bagay na kung ipapasok sa katawan ay magpapabago sa sikolohikal o pisikal na takbo ng katawan.
Ano ang iba't-ibang klase at halimbawa ng droga?
� Legal na droga
Ito ay tulad ng kapenya, sigarilyo at alcohol
� Gamot na maaaring bilhin sa mga botika o sa tindahan
Ito ay mga droga na panlunas sa sakit tulad ng aspirin, kodeyna, parasetamol, mga resetang gamot tulad ng pampakalma, halimbawa ay valium, rohypnol at serepax
� Ang mga ipinagbabawal na gamot
Ito ay tulad ng mga kanabis, heroyn, gamot sa alusinasyon at amphetamin
Ano ang mga epekto o bunga ng paglaganap na paggamit ng ipinagbabawal na gamot?
� Ang progblemang ito ay nagbunga ng laganap na nakawan, pagkawala ng mga sasakyan, pagpatay, holdap mga krimen at higit sa lahat ang pagkasira sa buhay ng isang tao.
Sino ang madalas na biktima ng ipinagbabawal na gamot?
� Kabataan ang kadalasang nagiging biktima nito dahil sila ay mapupusok at experimental at madaling maimpluwensyahan
Anu-ano ang ginawang kampanya ng baraggay ng tumana upang masugpo ang salot na droga?
1. Quarantine:
Noong 2000, nagdeklara ang siyudad ng Marikina ng 2 kalye sa baranggay Tumana (singkamas at mais streets) na pugad ng mga gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Tinawag nila itong "drug-risk areas" at sumailalim ito sa paglilinis o "Marikina Quarantine"
Paano isinasagawa ang Quarantine?
� Ang mga hindi residente na nais pumasok sa mga nabanggit na mga lugar ay kinakailangang humingi ng permisyon at magrehistro ng pangalan, dahilan sa pagpunta, pangalan ng taong pupuntahan sa nasabing lugar sa baranggay.
. Ang pamahalaan ng Marikina ay nag mobilisa ng 140"bantay-bayan" upang bantayan ang mga taong pumapasok sa baranggay Tumana. Sa ganitong paraan nagagabayan ng mga baranggay tanod ang mga galawin ng mga taong lumalabas at pumapasok sa nasabing baranggay na posibleng nagsasagawa ng operasyon patungkol sa bawal na gamot.
Bakit hindi nagtagal ang nasabing programa?
� Ang programa ay naging epektibo ngunit kasabay nito ay paglalaan ng malaking "budget" upang tuluyang masugpo ang problema.
� Gumastos ang bayan ng php 100, 000 kada buwan para pagmentena sa bawat baranggay na nabanggit.
2. Edukasyon sa droga sa mga paaralan sa Marikina
� Bukod sa pagkilos ng mga opisyal ng Marikina, may ginagawa ring mga hakbang ang mga paaralan upang masugpo ang problema sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na edukasyon sa droga para sa mga kabataan.
Paano sumusoporta sa mga estudyante ang paaralan?
� Tinatangkilik ng edukasyon sa droga ang pagkakaroon ng malinis na pamumuhay
� pagbibigay sa mga kabataan ng tamang impormasyon at maliwanag na mensahe tungkol sa resulta ng pagggamit ng droga.
� Paghubog nga positibo at tamang pakikitungo sa mga kabataan
Analisis
Gaano kaepektibo ang mga nabanggit na programa o kamapanya laban sa droga?
� Ang mga programang "Tumana Quarantine" ay hindi nagtagal dahil na rin sa kakulangan ng suporta ng mga tao at kakulangan ng budget para dito. Malinis at maganda ang Marikina ngunit sa likod ng kalinisan at kagandahang ito ay nakukubli ang mas malaking problema ng siyudad- ang lumalaking problema sa kapayapaan at katahimikan bunsod ng salot na droga. Aanhin mo ang maganda at malinis na kalsada kung kakaba-kaba ka naman sa tuwing uuwi ka sa gabi o tuwing matutulog?
� Hindi naisulong ang programa dahil bangkarote ang pamahalaang Marikina at talamak ang "graft ang corruption". Marami sa mga programa ang hindi matapos-tapos na isulong tulad na lamang ng pagpapagawa ng tulay sa Tumana at ang pagsugpo sa pagtaas ng bilang ng kaso ng krimen sa lugar at ang kamakailan lamang na programang quarantine dahil binubulsa ng mga nanunungkulan ang budget na dapat sana ay nakalaan para sa bayan.
� Sa isang banda, ang programang pag "quarantine" ay nangangailangan ng matinding sakripisyo para sa mga residente ng Marikina dahil ang pagmamatyag at pagbabantay sa mga taong pumapasok at lumalabas ng baranggay ay maaring makaapekto sa karapatang pantao at kalayaan ng isang mamamayan.
� Ang katungkulan ng paaralan ay sumoporta sa mga estudyante at magbigay ng tamang impormasyon tungkol sa droga at hindi maging lugar upang pagsimulan pa ito na mapalapit ang mga kabataan sa salot na droga.
� Kakulangan ng sapat at tamang edukasyon kung kaya't marami sa mga kabataan ngayon ay nalululong sa masamang bisyo at paggamit ng bawal na gamot. Kung mabibigyan lamang sila ng pagkakataong makapag-aral tiyak na magkakaroon ng magandang kinabukasan ang bawat bata at malalayo pa sa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.
� Kahirapan ang puno't dulo ng lumalalang problema sa droga- karamihan sa mga lulong dito ay walang trabaho at walang pinag-aralan. Kung ang pamahalaang Marikina ay naglulunsad ng mga programang makakatulong upang maiangat ang buhay ng kanilang mmamayan tulad ng sa livelihood, vocational programs, istruktura, at sports tiyak na malalayo sa kapahamakan ang bawat mamamayan nito.
Konklusyon:
Ano ang papel ng paaralan at komunidad at halaga ng kanilang mga programa?
� Ang mga kabataan ay natututo tungkol sa droga sa murang edad, nakukuha nila ang kanilang kaalaaman sa droga mula sa pamilya, kaibigan, paaralan, komunidad at media.
� Ang mga kabataan ang nagiging biktima ng lahat ng salot sa lipunan. Sila ang magpapasan ng problema ng pamahalaan. Ang mga kabataan dapat ang siyang nakikinabang sa mga programa ng pamahalaan upang mapabuti ang kanilang buhay at hindi maging biktima ng mga katiwalian nito.
� Ang kapaligiran o lugar na tinitirhan ay may malaking impluwensya upang hubugin ang pagkatao ng isang bata. Ang paninirahan sa isang matiwasay at tahimik na komunidad ay makakaimluwensya sa pagiging isang mabuti at responsableng mamamayan. Dahil dito, ang pamahalaang siyudad ay may malaking responsibildad upang ilayo ang kanyang mga mamamayan sa kapahamakan tulad na lamang ng droga.
� Ang programang inilulunsad ng paaralan ay may malaking papel din sa paghubog sa kaisipan at kamalayan ng mga kabataan. Ang pagbibigay ng sapat at tamang edukasyon ang kanilang magiging sandata upang sugpuin ang salot na droga.
Anu-ano ang mga suhestiyon o rekomendasyon?
� Kinakailangang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ng Marikina ang lumalalang sitwasyon ng Baranggay Tumana tungkol sa pagtaas ng bilang ng krimen kaugnay sa droga. Hindi matitigil ang krimen hanggat hindi napupuksa ang dahilan nito-ang droga.
� Kinakailangan ng kooperasyon ng mga mamamayan at maglaan ng sapat na budget upang tuluyan ng masugpo ang salot na droga.
� Ang mga magulang ay may malaki ring papel na ginagampanan dahil sila ang pangunahing nagtuturo sa kanilang mga anak. Sa kanila dapat magsimula ang pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa masamang naidudulot ng paggamit ng bawal na gamot.
� Ang mga paaralan ay dapat makipag-ugnayan din sa mga magulang upang mas mapadali ang pagsugpo sa problema sa droga.
Kung kayo ay may suhestiyon o rekomendasyon upang mas mapaigting pa ang mga programang inilaan ng pamahalaan ng Marikina laban sa droga, maari kayong bumisita sa kanilang official site.
http://www.marikina.gov.ph.
Back to Articles
|