Sandali by Chase Gosingtian Verse: Buhos ng ulan Nangingibabaw ang iyak Tulo ng luha 'Sing lakas ng baha Dilim ng gabi Tahimik ang lahat 'Lang nakatingin Oras sana'y lubusin Pre-chorus: Ngunit sa mga sandaling ito Pawang bumibitaw Sa dahilang 'di matanto Bigla na lamang tumakbo Verse: Tunog ng halik Hindi man lang narinig Walang nagawa Kung 'di ang magtaka Pre-chorus: Dahil sa mga sandaling ito Pawang bumibitaw Sa dahilang 'di matanto Bigla na lamang tumakbo Chorus: Sa ngayo'y sira ang mundo Dahil sa mga oras na ito Isa na lang ang maaasahan Ako ang araw at ikaw ang buwan