Nakuha ni Felix ang mga talatang yon from somewhere (i have never traveled - e.e.felix). Naisip ko lang gamitin, hindi dahil sa medyo angkop, pero dahil sa pwede siyang hatiin sa apat na phrases. Tamang tama sa apat na picture na nilagyan ko ng lighting epek at nakita nyo bago sa page na ito. Apat lang. Kapag dagdagan pa ng isa, masyado nang lalaki yung lighting epek, hindi na maganda ang blending sa black background dahil mahahalata na yung boundaries ng rectangle na picture. Asan yung rectangle, e bilog naman yung nakikita, tanong mo Grig? Subukan mong i-right click, tapos Save Picture As, para malaman mo ang sagot.

Yang picture sa ibabaw, yan ang panglima, iba naman ang epek. Actually, walang epek, feathering lang yan. Anong feathering, tanong mo ulit Grig? Mag-aral ka ng Adobe Photoshop. Dramatic ba ang transition from black? Yan ang panglima hindi dahil sa limang tao ang nasa picture. Yan ang panglima kasi sinundan niya yung pang-apat na picture sa pang-apat na page. Site ko ito, kaya wag nyong pakialaman ang logic ko. Pakialaman na lang nyo ang mga kwento ko.

Ang mga kwento ko ay tungkol sa isang grupo, isang grupo ng mga dakilang tao. Tawagin natin ang grupo na "Nagbayagagpapukis."

Ilang pasintabi muna. If accidentally ay napasok mo ang site na ito at marami kang hindi maintindihan, punta ka na lang sa 2nd favorite site ko. Pero kailangan mong hingin ang password sa kahit na sinong myembro ng grupo. Kung ayaw ninuman sa grupo na ibigay ang password, ipa-explain mo na lang sa kanila ang hindi mo maintindihan sa site na ito. Isa pa, wholesome ang site na ito kahit na ang tawag sa grupo sounds otherwise. Kung naghahanap ka ng hindi wholesome, punta ka na lang sa 2nd favorite site ko. Pero kailangan mong hingin ang password sa kahit na sinong myembro ng grupo. Kung ayaw ninuman sa grupo na ibigay ang password, ipa-explain mo na lang sa kanila ang hindi mo maintindihan sa site na ito. Lastly, hindi ka naman talaga interesado sa site na ito eh. Mas interesado ka sa laman, sa laman ng 2nd favorite site ko. Pero kailangan mong hingin ang password sa kahit na sinong myembro ng grupo. Kung ayaw ninuman sa grupo na ibigay ang password, ipa-explain mo na lang sa kanila ang hindi mo maintindihan sa site na ito. Kaya pagtiyagaan mo na lang ang pinaka-favorite site ko, o ang "Nagbayagagpapukis." (Akala mo link yung isang yun ano? Malibog!)


 

Hosted by www.Geocities.ws

1