Ooooops.... walang personalan..... :)
Ang sarap mag-mahal noh! Everything seems to be perfect.. Everytime na mag-kasama kayo, ayaw nyo ng mag-hiwalay.. Lahat ng moments feeling nyo masaya.. I love you dito, I love you don.. kiss dito, kiss don.. Payakap-yakap.. Pero bandang huli, ang matitira lang sayo, LUHA..
Everytime we fell in love, we keep on promising everything.. Kahit na alam nating imposibleng magawa, sinasabi natin.. Kahit na alam natin na hindi magta-tagal, binibigay natin lahat.. Dahil we keep on hoping and wishing na sana tumagal.. Unfair diba?! Sinugal mo na lahat, wala ka ng tinira, kahit sarili mong pride nilunok mo na, iisa pa rin ang huling salitang sasabihin, GOODBYE..
It makes me wonder why people keep on falling in love with the wrong person.. Pero pa’no nga ba natin malalaman kung sino yung right person at yung wrong person..? Minsan nga tinatanong ko, bakit pa kailangan mag-karoon ng boyfriend..? Pero may mas worst pa sa tanong na yan, bakit pa kailangan mag-karon ng commitment kung pwede naman lahat mag-kaibigan na lang.. Ang gulo noh! Ang hirap sagutin..
Siguro kung nabu-buhay pa sila Albert Einstien at Galileo Galilei, hindi rin nila masasagot ang tanong na yan.. Hindi kase masasagot ng science pag love na ang pinag-uusapan.. Bakit nga ba walang scientific explaination kung bakit nagma-mahal ang isang tao.. Diba napag-aaralan nila ang puso, bakit hindi na rin nila pinag-aralan kung sa’n ba banda sa parte ng puso yung nagma-mahal.. Ang weird pa, kase sabi nila, “if you are loving a person without any reason, you’re using your heart, but if you are loving a person with lots of reason, you’re using your mind..” Kung ikaw ang papi-piliin, saan ka dyan? Pag pinili mo yung first line, sasabihin sayo tanga ka kase you need to be practical.. Pero pag yung pinili mo eh yung pangalawa, sasabihin sayo, di ka marunong mag-mahal.. Bakit gano’n when it comes to love, ang daming tanong na hindi masagot..? Minsan kahit meron sagot, ayaw naman tanggapin.. Siguro kase minsan yung mga sagot sa mga tanong na yan eh masakit tanggapin.. Bakit ang tao pag-dating sa love nagiging BOBO..? Bakit lahat kina-kalimutan..? Lahat tinalikuran.. Minsan pa pati sariling pagkatao nabubura para lang mahalin sila ng taong mahal nila..
Sabi nila, love sets no limits.. Pero mali, dahil hindi lahat ng bagay pwede.. Hindi lahat ng makakapag-pasaya sayo eh pwede.. Minsan kailangan rin isipin yung damdamin ng ibang tao.. Minsan kahit alam mong masaya ka na, kailangan mo pa rin talikuran yung bagay na nakakapag-pasaya sayo, lalo na pag meron ng mga taong nasasaktan.. Ang hirap mag-mahal noh! Akala natin simple lang.. Akala natin basta masaya tayo pwede na..
Pero naisip ko, tama lang na masaktan, tama lang na madapa, tama lang na umiyak.. Hindi naman yon katangahan eh! Basta matuto ka lang na tumayo ulit pag nadapa.. Matatawag na katangahan yon kung paulit-ulit mo ng ginagawa, wala ka pa rin natututuhan.. Yun bang tipo na sinaktan ka na, minamahal mo pa.. Pinagta-tabuyan ka na, sumisiksik ka pa.. Alam mo yung tipong wala kang natutuhan.. Yung tipong manhid ka na sa sakit, ginagawa mo pa.. Hanggang sa banding huli, makasanayan mo ng tanggapin na lang ng tanggapin yung sakit.. Nagma-mahal ka na lang ng nagma-mahal kahit alam mong masasaktan ka lang.. Speaking of katangahan, matatawag bang katangahan pag nag-mahal ka ng taong nakatali na..? kasal na.. May pananagutan na.. Katangahan ba yon……..?
Kung iisipin at paglilimi-limiin, hindi lang yon katangahan kundi isang malaking kamalian at kasalanan.. Lalo na kung alam mong may pananagutan na sya eh tinanggap mo pa.. Before, galit na galit ako sa mga babae na pumapatol sa may asawa na.. Siguro dahil muntik ng masira ang pamilya namin noon dahil sa babae.. Dati, galit na galit ako sa mga babae na patuloy na inaakit yung mga taong may pananagutan na.. Ganyan kakitid ang utak ko dati.. Ganyan ka-istrikto ang prinsipyo ko pagdating sa pakikipag-relasyon.. Pero nag-bago ngayon.. Well hindi lahat ng tao naiintindihan kung bakit may mga tao na pumapatol sa may asawa na.. Hindi naman sa lahat ng oras kailangan mong ipaliwanag sa bawat isa ang tungkol sa aspeto na yon.. Bakit nga ba???????
Dahil ba sa hindi sila masaya sa mga karelasyon nila..? Dahil ba mas higit na kaligayahan ang maibi-bigay ng taong may pananagutan na..? o dahil ba ginusto lang nila na mapunta sa ganong sitwasyon..? Well, wala naman taong gugustuhin na pumatol sa may asawa na diba..? Sino ba namang tao ang matutuwa na tawaging “KABIT”, wala naman diba..? Hindi naman nila ginustong mapasok sa gano’ng uri ng relasyon eh.. Yung relasyong tipong lahat ng oras eh nakaw lang.. Bawat tao may kanya-kanyang dahilan kung bakit nila ginagawa ang isang bagay.. Lahat may kanya-kanyang excuses.. Kung ano man ang mga dahilan na yon, sila na lang ang nakakaalam..
Wala naman pwedeng makapag-sabi kung ano ang dapat at hindi dapat eh, pero alam natin ang pinag-kaiba ng TAMA sa MALI.. Isa lang naman ang importante eh, sa lahat ng bagay na gagawin mo, dapat meron kang matutuhan.. Hindi ka pwedeng pumasok at lumabas sa isang sitwasyon na wala kang aral na napulot.. Hindi sa lahat ng oras tamang puso ang pairalin mo.. Dapat mangibabaw pa rin ang utak.. Maraming imposibleng bagay ang nagagawa dahil sa pagma-mahal, pero hindi mo kailangan na mag-mahal muna bago mo magawa yung mga imposibleng bagay na yon.. Maraming hindi maipaliwanag pag puso na ang pinag-usapan, pero kailangan kahit ilang beses kang madapa at masaktan, magiwan ka ng para sa sarili mo..