Opinyon lang poh...
“ANG KABATAAN: PAG-ASA NG BAYAN….?”
Simpleng salita… Maraming kahulugan… Maraming depinisyon… Malalim… Misteryoso… Madaling sabihin… Mahirap ipaliwanag… Saan nang-galing? Saan hinugot? Anong katuturan? Anong kabuluhan?
Paano nga ba ipa-paliwanag ang kahulugan ng salitang ito? Ilang henerasyon na nga ba ang pinag-pasahan ng salitang ito? Madaling intindihin… Literal, ang mga bata ang magbu-buo ng panibagong bukas… Ang mga kabataan ang magtu-tuloy ng mga naudlot na pangarap… Ang mga kabataan ang magbi-bigay ng kabuluhan sa mga paghi-hirap ng mga nangamatay na bayani… Ang tanong: Paano? Kailan? Paano bubuo ng panibagong bukas? Kalian magu-umpisa ang pagbuo ng panibagong bukas?
Sa panahon ngayon, napakalaki ng mga hamon at pananagutan ng mga kabataan. Hindi natin alam kung saan at ano ang kahahantungan ng bawat malalaki at maliliit nilang hakbang… Sa altar ba ng pag-asa? Sa bibig ng kabiguan? Sa paanan ba ng langit? O bunganga ng libingan…. Sa mga tanong na ito, masasalamin natin ang dalawang mukha ng maaaring maging bukas ng ating bayan: langit at pag-asa o kabigua’t libingan… Masakit man kung iisipin, pero walang ibang mapag-tatapunan ng papuri o ng sisi ng magiging bukas ng ating bayan kundi ang mga kabataan din. Sila ang pinaghu-hugutan ng bagong pagasa, ngunit sila rin ang mapagta-tapunan ng sisi sa bawat mangyayari sa mga susunod pang taon.
Ilang libong bayani na ba ang nag-taya ng buhay para sa Pilipinas? Ilang libong hindi kilalang tao na ba ang nakipag-tagisan ng galing at talino sa mga kano para itayo ang bandila ng ating bayan? Ilang libong taon na ba tayong naghi-hintay ng pagba-bago? Hindi isa, hindi dalawa, kundi maraming beses na… Ngunit nasaan na ba tayo? Masasabi na ba nating nakaahon na tayo sa pusaliang kinala-lagyan natin? Masasabi na ba natin na nalalasap na natin ang tagumpay na matagal na nating pina-pangarap maabot? HINDI…. Naririto pa rin tayo sa putik na ating kinasasadlakan. Abot tanaw na natin ng tagumpay ngunit hindi pa rin natin ito mahawakan. Bakit? Sapagkat sa bawat henerasyong dumadating, ipinapasa natin ang ating mga obligasyon sa mga susunod pang kabataan. At ang mga susunod na kabataan ay aasa rin sa mga susunod pang kabataan, at ang mga susunod ay aasa pa sa susunod… Ganito ang naging sistema mula noon hanggang ngayon… At nasaan na ba ang mga kabataan na yon na tinuturing na pag-asa ng bayan? Hayun! Nasa ibang bansa at nagpa-paalipin sa mga kano. Naninilbihan at pinapayaman ang bansa ng iba. O di kaya nama’y naga-asawa ng mga banyaga upang maalis sa basurang kanilang pinagmulan. Ang iba pa ay itinatatwa ang bayang kanilang sinilangan. Nasaan na ba ang mga kabataan noon na inakala ring magba-bangon ng Pilipinas? Nasaan na ba ang mga kabataang sinabi noon na magiging pag-asa ng bayan? Hayun! Nagli-lingkod sa bansa ng iba….
Habang ang ating ating bayan ay lalo pang nilalamon ng mga suliraning sosyo ekonomiko, ang iba nama’y nagpa-pakasasa sa paglu-lustay ng salapi. Nagpa-paalipin at nagiging sunud-sunuran sa mga estrangharo. At sino ang gumagawa ng paglu-lustay na ito? Sino ang mga nagpa-paalipin na ito? Ang mga taong inakala natin noon na mga kabataang magbi-bigay pag-asa. Ang mga taong inakala ntin noon na tatanggap ng hamon sa pagbi-bigay ng magandang bukas sa mga susunod pang henerasyon.
Kabataan: sa atin nakaatang ang napaka-laking responsibilidad ng hinaharap na bukas. Nariyan ang hamon sa ating kakayahan, talino, talento, at pagpa-pahalaga… Kakayahang maging isang huwarang pinuno. Talino sa pag-lutas ng mga suliranin hindi lang ng pamilya kundi ng mundong gina-galawan. Talento sa pag-buo ng mga panibagong pangkat ng mga ilalaban sa ibang bansa sa tagisan ng talino at galing. At pagpa-pahalaga sa bawat tao at bagay na nabu-buhay sa daigdig…
Dapat sana’y ang mga hamon na ito ang mag-silbing pang-ganyak at inspirasyon sa mga sinasabi nating kabataan na magiging pag-asa ng bayan. Ngunit imbis na maging pang-ganyak ay nagiging dahilan pa ito ng pagiging sakim at gahaman sa kapangyarihan. Dapat sana ang mga hamong ito ang maging inspirasyon upang ating simulan at ipag-patuloy ang mga naumpisahan ng ating mga ninuno. Ito sana ang mag-bukas ng ating mga mata at isipan sa mga mas malalaki pang responsibilidad ng ating mga kabataan.
Ngunit teka, hindi pa tapos… Kailan naman natin balak buksan ang ating mga isipan? Pasalin-salin na ang mga katagang ito ngunit wala pa rin tayong nakikitang pagba-bago… Kailan dapat umpisahan……………. NGAYON! Habang hindi pa nawawalan ng pag-asa ang mga Pilipino. Habang hindi pa nawawala ang paniniwala sa kakayahan ng mga kabataan. Habang hindi pa huli ang lahat. Wag na sana nating hintayin na dumating pa ang mga bagong kabataan at sa kanila ipasa ang ating mga obligasyon at pananagutan. Bawat isa sa atin ay may pananagutan… May tungkuling dapat gampanan. Kaya dapat ngayon pa lang ay umpisahan na ang pag-kilos! Wag ng hintayin ang panibagong henerasyon at panibagong grupo ng mga kabataan upang tupdin ang sa ati’y naka-atang. Hindi iisa o dadalawa ang sinasabing pagasa ng bayan, kundi tayong LAHAT….
Dahil kung bulok na sistema at mamamayang umaasa sa bansa ng iba ang kamumulatan ng mga sinasabing kabataan, susundan lang nila ang ating mga yapak. Wag nating hayaang tayo ang mapag-balingan ng sisi ng mga susunod pang saling-lahi sa kanilang magiging bukas. Kung nais nating sa paanan ng langit at altar ng pag-asa ang ating kahantungan, ngayon pa lang ay kumilos na! wag ng hintayin ang oras na magka-sisihan pa….
Malayo ang mararating kung ididilat natin ang ating mga mata. Kung hindi magbu-bulag-bulagan sa mga hindi magandang nakikita.