MY 2007 EXPERIENCE
TRIP.. Dyan nagsimula ang lahat.. simpleng lakad; todo gala; tingin-tingin kung sa’n mapapabaling; apply-apply akala mo totoo.. trip lang pala, gusto lang makaalis ng bahay..
It was February 13, 2007 nung nagka-yayaan kaming mag-apply sa trabaho.. Apply kuno pero walang kasiguraduhan kung sa’n pupunta.. Gano’n naman daw talaga pag nag-uumpisa ka, lalo na pag wala kang kakilala.. Hindi mahirap kundi nakaka-pagod.. Well iba sa kaso namin, enjoy pa kami kase nakakagala kami.. Hindi naman kase kami seryoso sa pagha-hanap ng trabaho.. Siguro na-boring lang sa bahay kaya ayon, kinati ang paa na umalis ng bahay nang hindi alam kung sa’n talaga pupunta.. Kasama ko that day sila Marivic and Pemarie, isa ring certified lakwatsera sa barkada.. Wala talagang planong mag-apply, hindi nakadikit yung picture sa resume, wala pang pirma.. NAgkataon lang talaga na na-boring kaya kinati yung paa.. Tamang-tama naman na pinapa-punta ako sa WYNSAM sa Ortigas.. Hiring daw ng call center agents.. Kaya ayon kahit hindi interesado, pumunta pa rin para lang matanggal yung pagka-boring.. Magkano lang ba dala naming pera..? P200 sa kin, P200 kay marivic at P50 kay Pemarie.. Ni hindi namin alam kung pano pumunta ng Ortigas.. Buti na lang walang bayad mag-tanong kundi ubos yung dala naming pera pambayad sa dami ng taong napag-tanungan namin.. Sakay ng jeep to Cubao then bus to Ortigas.. ABA! Yung conductor nag-karon pa ng extra kita kase hindi kami binigyan ng ticket sa bus.. Anak ng teteng! Yung Ortigas Park palang sinasabi do’n lang sa may Robinson Ortigas.. Baba ulit ng bus lakad na naman. Nag-tanong kung sa’n papuntang WYNSAM.. Sakay daw ng jeep baba ng Emerald Avenue. Sa wakas nakarating din! Bago pumasok ng building, photo copy muna ng resume para tipid..
Tapos pasok na ng WYNSAM, lapit sa front desk. SHIT! Ang dami palang call center sa WYNSAM! Iba-ibang floor , iba-ibang campaign. Ang tanga ko nakalimutan ko pa yung pangalan nung hinahanap ko!!! GRRRR!!! Nagulat tuloy ako, tinarayan pa ng babae sa front desk. Hmmmp! Che! Pakialam ko sayo..?! Dami naman ibang building dito..! Nakakawindang… First time kase bumaba ng bundok, first time pa mag-apply.. hehehe.. Sabi ko wag na kaming tumuloy.. Imbiyerna ako sa babae, ang taray, sayang ang ganda pa naman.. Kain na lang muna kami.. Balik sa Emerald Avenue, lakad ulit. Hai.. May kakilala pala si Pemarie sa lugar na yon, do’n pala nagta-trabaho kuya nya.. Sa’n ba..? Strata 100 daw.. Hala sige hanap.. Hay sa wakas nakita din.. Kala ko pa nga sa Mcdo nagta-trabaho, hindi pala.. Pasok sa building, sakay sa elevator, baba sa 4th floor.. Geeeee! nakakahilo.. Hinanap yung office, hindi nakita.. Baba ulit, sabi ko ikot-ikot na lang kami sa Robinson.. LECHE!!! Pagdating sa baba may nakita si Marivic na hiring, UNIQUE INTERACTION name ng company.. Tanga-tanga pa yung gumawa ng tarpolin, mali pa yung direction ng arrow.. DAMN! 17th floor..! 4th floor pa lang lalabas na bituka ko, 17th pa kaya..?! Sabi ko mag-hagdan na lang, nakaka-pagod daw.. GRRRR!! Fuckshit ka Marivic..! Sa wakas nakarating din.. Para akong tanga hahaha!!! Todo kapit sa hawakan ng elevator.. hahaha.. Hinanap na namin yung office.. Una naming nakita ASIA TALK.. Wala daw schedule for interview kaya pinag-pasa na lang kami ng resume then tatawagan kung kelan pwede.. Ayon, pag-lingon sa likod nakita namin yung UNIQUE INTERACTION.. Hala si nanay na nagbebenta ng pagkain maboka.. Ayan nambuyo pa na mag-apply daw kami sa loob.. Eh di sige, trip lang naman eh.. Katok sa pinto, wala naman nagbu-bukas.. Pumasok na lang kami.. Tagal namin sa loob.. Palakad-lakad, silip sa bintana.. Tapos may isang kano na biglang lumabas..
Josh daw pangalan nya.. Ayon pinaupo kami sa harap nya.. Geeeee.. Hindi ko alam diretso interview na pala.. Tapos pumasok ulit sya sa loob ng opisina.. May kinuha lang pala para ipabasa sa ‘min.. Ayon, tanong-tanong sya.. Sagot naman ako ng sagot.. At the end of the interview, sabi nya tatawagan na lang nya kami at the end of the month kung pumasa kami.. Hay.. Frankly speaking kinakabahan ako habang kausap ko sya.. Napipilipit dila ko kaya tuloy nagmu-mukha akong tanga.. Ayon, don namin inubos buong araw.. After ng interview, punta kami sa mall, nag-palamig tapos umuwi na.. Syempre may boyfriend ako, kaya diretso sa bahay ng boyfriend pagka-tapos ng apply.. Tapos uwian na..
February 21, 2007.. May mysterious guy na tumawag sa bahay.. Grabe natuwa ako nung nalaman ko kung sino yung tumawag, si Joshua Enoch, yung nag-interview sa ‘min.. Pasado ako.. Pinapabalik nya ako ng February 23 for the final interview..
Tapos ayon, February 23, 2007 bumalik ako for my final interview.. Kasama ko boyfriend ko that time, si Christian.. Ayoko na sanang tumuloy kase kabado talaga ako.. Boyfriend ko lang talaga pumilit sa ‘kin na ituloy ko dahil sayang daw yung pagod namin, kinonsensya pa ako na hindi sya pumasok sa trabaho para lang samahan ako tapos hindi rin pala ako tutuloy.. So that’s it.. Pasok na sa building and kahit kabado, diretso sa loob ng office.. Unang-unang sinabi sa ‘kin is hindi ako qualified to be an agent, so okay.. Hindi ko na inasahan na matatanggap ako.. Nilaro ko na lang ang sagot sa mga tanong nya.. After that, sabi nya tatawag sya mamayang gabi kung pasado ako.. So ayon, baba na ulit, uwi na..
Habang nasa biyahe, tahimik ako.. That was my first interview.. First time kong nag-apply ng trabaho.. Iniisip ko pa’no kung hindi ako pumasa..? Pa’no pagod namin..? Pa’no yung hindi pag-pasok ng boyfriend ko para lang masamahan ako..? Ayokong masayang lang ‘yon.. Hanggang sa bahay tahimik ako.. Tahimik pa rin habang kumakain.. Wala akong masabi, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.. So ayon, tinanong ako ni Christian kung bakit ako tahimik.. Sinabi ko sa kanya kung anong iniisip ko.. Eto lang sagot nya..
"EH ANO NAMAN KUNG HINDI KA MAKAPASA..? ATLEAST DI BA SINUBUKAN MO..? ATLEAST NA-EXPERIENCE MO NA MA-INTERVIEW.. HAHAHA.. ALAM KO NAMAN MAKAKAPASOK KA DON EH.. KAYA MO YON.."
Hay.. Eversince napaka-supportive sa ‘kin ng boyfriend ko.. Sa lahat ng bagay na ginagawa ko, alam kong nasa likod ko lang sya.. Ready akong saluhin pag nahulog ako.. Tutulungan akong tumayo pag nadapa ako..
Eksakto 4:00pm nung may tumawag sa bahay.. Biniro pa ako ng, mama ko sabi nya boyfriend ko daw.. Umakyat ako para sagutin yung phone.. Gulat na gulat na may kahalong saya dahil si Josh yung tumawag.. Tanggap ako! Halos magta-talon ako sa tuwa.. That was my first time pero hindi ako nakatanggap ng negative answer, puro positive.. Then pinapabalik nya ako ng February 26, 2007 for my first day ng training sa call center.. Excited, pero kabado pa rin..
That was the beggining ng unti-unting pagba-bago ng buhay ko.. Nag-karon kami ng gap ni Christian dahil na rin sa trabaho nya at trabaho ko.. Unti-unti nawalan kami ng time para sa isa't-isa.. Naging busy ako, ako ang nawalan ng time sa kanya.. Ako ang nagkulang..
WHO I AM BEFORE I ENTERED UNIQUE INTERACTION..?
I am a simple girl from a simple family.. Minsan tawag nila sa ‘kin pakawala.. Pumupunta ako kung saan-saan.. Ginagawa ko mga gusto kong gawin ng hindi iniisip kung mapapahamak ako o hindi.. Trouble maker.. Wild.. Kwela.. Pinaka-makulit sa barkada.. Yung tipong ako ang pasimuno ng lahat ng ingay.. Kase gusto ko lahat laging masaya kahit ako hindi.. I was never afraid of trying new things.. Lahat sinusubukan ko.. Ghost hunting, strolling, pumasok sa restricted areas.. Makipag-away.. Lahat.. Pero pag bago as ‘kin ang isang bagay, lagi lang akong tahimik.. Pag first time ko makapunta sa isang lugar lalo na at wala akong kakilala, hindi mo ako maririnig magsalita hangga’t hindi ako comfortable.. I love spending time with my friends.. Stokwa ako.. Lagi akong wala sa bahay.. Bakit..? Kase feeling ko pag nasa bahay ako mababaliw ako.. Alam mo na, problema.. Ako yung tipo ng tao na ayaw nakaka-rinig ng problema… Madali kase akong ma-depress.. Kaya gusto ko laging masaya yung pinagu-usapan.. I was the blacksheep of our family.. Dahil daw sa ‘kin kaya nasira family namin.. Bata pa lang ako, ako na yung sinisisi nila.. Galit sa ‘kin lagi parents ko.. But I still keep on trying para maging proud sila sa kin.. I joined school programs, organizations, contests and I made sure na kasama ako sa mga best students.. Pero sa kabila ng lahat ng efforts ko, balewala sa kanila ang mga achievements ko.. Since I was in elementary, hindi nila pinansin lahat ng awards ko.. Never silang nag-bigay ng time para sa mga recognitions ko.. Waste of time daw, ewan ko kung bakit.. I grabbed every single opportunity na dumadaan sa ‘kin para matuto ng maraming bagay.. Pero itinuring ‘yon ng parents ko na aksaya ng oras.. I keep on searching for myself through exploring sa iba’t-ibang mundo.. Like dancing, tutorial, kahit minsan ayaw ng magulang ko tumutuloy pa rin ako.. Coz I want to feel free to discover myself.. Parang lahat ata ng ginawa ko against sila.. Kahit maganda resulta balewala pa rin sa kanila.. Because of that I started to seek attentions from other people.. Nag-hanap ako ng tao na makaka-appreciate sa mga bagay na ginagawa ko.. Nag-hanap ako ng tao na hindi ako iiwanan sa baba.. I even seek for emotional aspects.. Nag-hanap ako ng ate, kuya, kapatid, at nakita ko ‘yon sa mga barkada ko..
Ako yung tipo ng tao na itatago ang problema.. Strong nga daw ako eh.. Pusong bato daw.. Hindi daw ako sumusuko sa mga problema.. Pero hindi alam ng lahat, behind this strong girl, andon yung thirst.. Yung hunger sa attention, love, appreciation.. Mahirap coz it seems like lagi akong nagtatago sa likod ng mascara ng pagiging matibay, kahit ang totoo, bibigay na ako.. But still, hindi ko pinapakita kahit kanino na nasasaktan na ako.. Pag may problema, tahimik lang.. Walang makakaalam.. Hindi ako kikibo.. Pupunta lang ako sa isang sulok para umiyak.. Hindi ko rin ugaling mag-salita pa pag galit na ako.. I just do crazy things na pagsi-simulan ng malaking away.. Simple lang mga bagay na gusto ko.. Hindi ako mahilig sa luho.. Hindi ako mahilig sa gimik.. Gusto ko lang simple pero masaya.. Ayokong inaaway o inaapi mga kaibigan ko.. Dahil kung sino man yung taong gagawa no’n, ako ang makakalaban.. Madali akong mag-tiwala, yan ang weakness ko.. Kase karamihan sa mga taong pinagkaka-tiwalaan ko, yun pa yung madalas ginagago ako..
I am simple girl with simple dreams.. Happy ako sa mga simpleng bagay.. Gusto ko lang maka-graduate ng college.. Maging isa sa mga famous editors and poets.. Magkaroon ng sariling charity house.. Makatulong sa iba.. Mabigyan ng magandang buhay yung parents ko and matulungan yung mga kapatid ko.. I just want to have a family that I can call my own.. Ofcourse with a loving husband and beautiful kids.. Mga simpleng pangarap ng mga simpleng tao.. Ako yung tipo ng tao who will give everything sa mga taong mahal ko, even my life willing akong ibigay.. Sobra akong mag-tiwala.. Kahit ilang beses na akong nasaktan, sige pa rin, hindi nadadala.. Pero sabi ng mama ko, kahit ganito ako, mabait daw ako.. Hindi ko lang alam kung sa’n banda.. Basta sya lang nakakakita..
MY UNIQUE INTERACTION DAYS
So ayon na nga, nag-umpisa ako sa UNIQUE INTERACTION ng February 26, 2007.. Natural lang lahat.. Hahaha.. Naging “Queen of the day” pa nga ako nung unang araw ko sa call eh..
Kalagitnaan ng March nung nakilala ko si RAYMOND MORFE.. A married man with three kids.. Isang lalake na hindi ko inaasahan na magiging parte ng buhay ko.. Lalakeng hindi ko inaasahan na magpapa-bago sa takbo ng buhay ko..
“ANG ANGAS NAMAN NITO..”
Yan unang-unang impression ko sa kanya.. Chin up, stomach in, maangas mag-lakad.. Yung mga klase ng lalake na hindi ko makaka-sundo dahil puno ng hangin ang aura.. Mukhang mayabang sabi ko.. Sabi ko pa nga sa kasabayan kong trainee na si Rowena, “HINDI KAMI MAGKAKASUNDO NI RAYMOND KAHIT KELAN”.. Araw-araw nilalait nya ako.. Pinipintasan yung mga suot ko.. One time pa nga sabi nya sa kin, “OH, SA’NG UKAY-UKAY KA NA NAMAN GALING..?” GRRRR!!! Galit na galit talaga ako nung araw na yon.. Maangas na nga, mayabang pa, pintasero pa..! Nakakainis talaga..! Eh anong magagawa ko..? Simple lang ako.. Sinusuot ko yung mga damit na kumportable ako.. Hindi Ako mahilig mag-pustura o mag-ayos.. Pero basta ang yabang nya!!
Lagi ko syang tinatarayan, sinusungitan, inaantipatikahan.. Ayoko kaseng mapalapit sa kanya.. Mayabang nga kase ang tingin ko.. Pero nag-bago yung tingin ko sa kanya nung nag-karo’n ng chance na makausap ko sya.. Nakita ko na deep inside that mayabang na aura is a good person.. A person who has so many visions and missions in his life.. Isang tao na laging positive ang nakikita.. Taong positive lagi ang iniisip.. Isang taong nag-turo sa ‘kin to look up and be proud of myself.. Of who I am.. Of what I am.. Isang taong maraming objectives.. Maraming taong gustong tulungan.. Tao na naniwala that I can be somebody someday.. Tao na nag-turo sa ‘kin na hindi mo mapapatunayan na matapang ka sa pamamagitan ng pakikipag-away o pakikipag-basagan ng mukha.. Isang tao na nakakita ng maganda sa kin.. Tao na nag-bukas ng isip ko at nag-turo sa ‘kin na dapat alam ko lagi yung gagawin ko.. Isang taong nag-turo sa ‘kin ng maraming bagay..
“AKO NA LANG KASE MAG-AALAGA SAYO..”
Yan unang-una nyang sinabi sa kin.. At first syempre hesitant ako.. Unang-una may asawa sya.. Pangalawa, wala sa bukabularyo ang pumatol sa may asawa at ayokong makasira ng pamilya and ayokong mangyari sa ‘kin yon.. Pero nagbago lahat..
Nagsimula kaming mag-text.. Kwentuhan.. Tanungan.. Parang hindi ako makapaniwal na may lalakeng gano’n kahit na may pamilya na sya..
Boyfriend ko pa si Christian that time.. Sinasabi ko kay Christian yung tungkol kay Raymond.. Open kase kami sa isa’t-isa.. Or kaya ko lang nasasabi ‘yon sa kanya kase kampante ako na kahit gano’n eh hindi nya ako iiwan.. Kaso nga nag-karon kami ng gap dahil sa trabaho.. Bihira na kaming magkita.. Nag-hanap ako ng tao na magbi-bigay ng oras sa ‘kin, and si Raymond yung nakita ko na makakapag-bigay sa ‘kin no’n..
“ROWENA, ANONG TINGIN MO KAY RAYMOND..?”
Yan ang tanong k okay Rowena nung mga time na nakakasama namin si Raymond.. Tinanong ko sya coz she’s my friend.. Gusto ko kahit isa may kakampi ako.. Kahit isang tao may natatakbuhan ako.. Gusto ko may makaka-usap ako tungkol kay Raymond.. And hindi ako binigo ni Rowena.. She’s been a good friend to me.. She supported me all the way..
I used to like him coz he’s kind.. Kahit minsan naiinis pa rin ako sa kanya, I love having conversations with him.. Bawat usap ang dami kong natututuhan.. He started to open up my mind sa mga bagay na akala ko sa mga pelikula lang nangyayari..
We spend happy times together.. Kahit sandali lang kami magkasama, masaya ako kase never nya pinaramdam sa ‘kin that I’m a mistress.. Sobra nya akong inasikaso, inalagaan, kaya sobrang saya ko..
April 12, 2007 nung naging kami.. After naming manggaling sa Fairview galing sa kapatid nya, diretso kami sa Cubao.. Late dinner sa KFC.. While walking papuntang sakayan, sinabi ko sa kanya na pumapayag ako..
Bakit ako pumayag..? Dala na rin siguro ng curiousity kung bakit gano’n.. Gusto kong malaman kung bakit nag-offer sya sa ‘kin ng ganon kahit may asawa na sya.. Gusto kong malaman kung anong pakiramdam.. Well, dahil sa ako lang ang apple of the eye ng mga nagiging boyfriend ko, gusto kong maramdaman kung pa’no yung ako ang nakikihati or nanlilimos ng oras sa kanya.. Maraming tanong sa isip ko ang gusto kong masagot..
Oo, nilagay ko yung sarili ko sa alanganin na sitwasyon.. Nilagay ko yung sarili ko sa kahihiyan.. Nilunok ko yung pride ko.. Binalewala ko ang sasabihin ng ibang tao.. Ang dami kong bagay na itinago sa mga kaibigan ko.. Hindi ko inisip kung anong magiging dulo ng relasyon na pinasok ko.. Walang ibang importante sa ‘kin that time kundi “MASAYA AKO”.. Wala akong pakialam tawagin man akong kabit.. Bumaba man tingin nila sa ‘kin.. Wala akong pakialam coz this is my life.. Kung masasaktan ako, walang ibang madadamay, wala akong sisisihin.. “BAHALA NA..”, yan lang sinabi ko.. Basta masaya ako..
At first puro stolen moments pinag-samahan naming dalawa dahil nga mag-kasama pa sila ng asawa nya.. Daming escapades.. Laging tumitingin sa likod kase baka mamaya nasa likod na namin ang asawa nya.. Mga patagong tingin.. Mga lihim na kilig.. Isa rin yung sabay sa pag-pasok.. Magki-kita sa labor and do’n ko sya hihintayin.. Mga stolen kisses.. Mga pabirong yakap.. Mga text sa asawa nya na puro alibis.. Pero kahit gano’n naging sitwasyon naming, masaya pa rin ako.. Unti-unti kase nalalaman ko kung ano ba talagang gusto ko.. Unti-unti natututo ako ng mga bagay na hindi ko alam.. Habang tumatagal nakikilala naming yung bawat isa..
OUR FIRST UNFORGETTABLE ESCAPADE
Isa sa mga unforgettable escapades namin yung STAG PARTY ng boss namin.. He invited me sa stag party ng boss namin, then I said yes.. Eto sabi nya..
APRIL 14, 2007- Well, the fact na pumayag ka sumama, masayang-masaya na ‘ko. Tapos up to morning pa, wow, I must have done something right para swertehen ng ganito. Hey, akin ka na lang ha?
APRIL 14, 2007- To talk? Of course mahal ko. But you’re being sarcastic about having sex, so eto po masasabi ko dyan. First let me say na I really find you gorgeously sexy, kitang-kita naman eh. I will lie to pag sinabi ko na di ko pinangarap makasiping ka. But I won’t force you to do it until komportable ka na mahal ko. Sa ngayon, let me hug and kiss you in a room for many hours, hear you breathe habang tulog ka sa arms ko, is just perfect, baby ko.
Kakakilig sobra.. 7:30 in the evening nung sinundo nya ako.. Yun yung time na nakilala sya ng mama ko.. He was so handsome that night.. He’s wearing a red shirt.. Sobrang gwapo nya and na-mesmerize talaga ako sa kanya.. Then diretso kami sa Manila.. LA CAFÉ yung name nung place.. Nakaka-kilig kase nakabakod sya sa kin.. Dami kaseng lalake plus the fact na ako lang ang babae sa grupo namin.. After sa LA CAFÉ, diretso kami sa hotel kung sa’n tinuloy yung stag.. Inuman.. Raymond stayed beside me the whole night.. Kwentuhan.. Kahit antok na antok na sya, hindi sya maka-tulog kase wala akong kasama.. We talked bout many things.. He even asked me kung ano bang pangarap ko and kung anong gusto kong marating.. Syempre sumasagot ako.. Parang ang bilis ng oras nung panahon na yon.. Maya-maya lang 6:00am na.. We decided to leave that place exactly 6:30 in the morning.. Then we decided to stay at a motel sa Cubao.. Our very first time alone.. Nakakatawa pa nga kase walang tubig don eh… So ano nga bang ginawa namin don..? Tuloy ang usap.. Walang nangyaring body contact huh.. We just talked and talked and talked hanggang sa makatulog kami.. Sa sobrang pagod nya, ang lakas ng hilik nya, hahaha.. That time, sobrang higpit ng yakap nya sa kin.. Bawat konting galaw ko nagigising sya and hindi nawawala yung yakap nya sa ‘kin.. Nasabi ko tuloy,“ANG HIGPIT MO YUMAKAP”.. Linya ko lang yan pero ang totoo kinikilig ako kase I feel comfortable sa arms nya.. Simple lang sagot nya, “GANON TALAGA KASE BAKA PAG-GISING KO WALA KA NA..” Sobrang simpleng salita but it means a lot to me.. Marami syang binitawan na salita sa ‘kin na hindi ko makalimutan.. Mga simpleng salita pero tumanim sa isip ko, sa puso ko.. Ang corny noh..? Pero yun yung totoo… 10:30am hinatid nya ako sa bahay para pareho na kaming makapag-pahinga.. But still, parang mag-kasama pa rin kami.. Habang nasa biyahe sya pauwi, magka-text kami and here are some of his text messages..
APRIL 15, 2007- Baby, kung may di man ako magustuhan sa ugali mo, it stays on that level. Never ko ide-decide na ayaw ko na sayo. Tandaan mo yan. Please wag ka na matakot, di kita pababayaan. Stay cute and bubbly.
APRIL 15, 2007- Love you too. Kahit papano we talked about things di ba? Sarap mo mahalin.
That time may isang trainee na kinikilig din sa kanya.. Her name is JULIE MAY.. I feel jealous bout this girl.. Kung umarte kase daig pa ako.. Kung kiligin parang nilagyan ng bulate sa katawan.. Pero okay lang, hindi naman sya pinapansin ni Raymond..