Hyacinth D's Blog
im simple.. i h8 pipol trying so hrd 2 pretend dat dey wnt 2 help others when in fact dey dnt intend to..
MY 2007 EXPERIENCE
photo

THE TRIALS THAT PASSED THROUGH RAYMOND AND I


          April 27, 2007, the second time na nag-motel kami.. That was the very first time na may nang-yari sa min.. At first I feel rejected.. Pero sabi nya sa kin, hindi nya ako ni-reject, naramdaman nya lang daw na hindi pa ako ready for that..



APRIL 28, 2007-  Hey tulog ka na.. Rest assured po mahal.. Actually it’s not what we did that made the assurance. Your change in expression towards me. Open ka na atlast. I love you.


APRIL 29, 2007-  I am not rejecting you. I want to keep you. But I don’t want you to think na ina-abuso kita kaya di kita magalaw agad the other night. Mahal kita. Peace na tayo please.



          That was his message sa ‘kin after that night, after our first sexual intercourse.. Oo nga.. Wala ngang rejection.. Gusto lang nya na iparamdam sa ‘kin that he respects me so much..



          It was MAY 4, 2007 nung nakipag-kita sa ‘kin yung asawa ni Raymond.. I was amazed kase infairness maganda asawa nya.. Nag-usap kami ng hindi kaharap si Raymond and sinabi nya sa ‘kin lahat ng sama ng loob nya kay Raymond.. She cried infront of me and I feel guilty bout that.. She asked me kung anong relasyon namin ni Raymond, syempre ang sagot ko, “WE’RE JUST FRIENDS”.. Yes, I lied to her.. She’s a nice person.. Kahit sinabi nya sa ‘kin that she hate me at hindi mawawala yon, naiintindihan ko.. Kung ako man nasa kalagayan nya, malamang hindi lang usap ang gagawin ko..


          After namin mag-usap ng asawa nya, diretso kami sa ATCHIES EL PUEBLO para mag-inom.. Celebration and para na rin sa last day ko kase suspended ako for a week.. Nag-inom kami all night.. Umiyak pa nga si Rowena coz she’s blaming herself kung bakit nangyayari sa ‘kin ‘yon nung time na yon.. Pero tulad ng sinabi ko, it’s my life.. Kung masasaktan ako, walang ibang madadamay.. It’s my choice.. Wala akong sisisishin coz it’s my decision.. Umiyak din ako, hindi dahil sa pag-uusap namin ng asawa ni Raymond, but because I know deep inside of me, may isang taong nasasaktan at umiiyak dahil sa relasyon namin ni Raymond.. I really wanted to give up that time.. But Raymond gave me a lot of reasons to hold on to our relationship.. He told me na we will make it through no matter what.. All I have to do is to hold on.


          Here are some of Raymond’s text messages that inspired me and made me hold on to what we have started.. Everytime na binabasa ko to, hindi ako makapaniwala na minsan sinabi nya sa kin ‘tong mga salita na ‘to..


APRIL 15, 2007-  By realizing na may nag-mamahal sayo. Ako po.


APRIL 16, 2007-  Di kita iiwan I promised, but I will let you go kung di buo ang puso at isipan mo. Sabi ko nga mababawas lang ang kisses and you know what. After all, alam na natin how we feel towards each other. Given more time to know each other, dito rin punta nito. I love you my Rhoda.


APRIL 21, 2007-  Wawa naman strong cutie ko, umiyak. Mahal na mahal kita maniwala ka. Di kita iiwan kaya you don’t have to change your self. I fall inlove with the simple Rhoda.


APRIL 21, 2007-  Hey don’t be like that. Mahal kita okay? Never kita lolokohin and that’s final. Di kita ikahihiya. And I promise you we’ll see this through. I love you, always remember that.


APRIL 21, 2007-  Hey, romantic as it seems ayoko ganyan ka. I was with you today not dahil sabi mo kahapon check in tayo today but because I want to be with you kahit saan, on a sabado, kahit ano alibi ko. And besides, meron na ba ako pinakita sayo na di ako seryoso sayo? Mahal na mahal kita kahit sandali pa lang tayo magka-kilala..


APRIL 22, 2007-  O baka naman you’ve decided na layuan na ako tapos di mo lang magawa kase worry ka sa feelings ko? Well maaga pa naman baka di pa ako lulong sayo. Pero sana mali ‘tong iniisip ko kase mahal na kita.


APRIL 22, 2007-  Hey, don’t be threatened by clarisa, ever. Yung emptiness na iniwan nya sa kin nag-hihilom na coz of her absence even before kita makilala. Dahil andito ka na, mas mabilis. Kaya wag mo alalahanin kung mag-pakita sya one day coz ikaw na ang laman ng puso ko ngayon. Iingatan ko yang puso mo promise. I love you baby ko.  


APRIL 23, 2007-  Ganyan nga. You’re in good hands. Di kita pababayaan, di kita lolokohin o aabusuhin. Pag mag-kasama tayo, ikaw ang asawa ko. Love you.


APRIL 24, 2007-  Yep, gising na ko, love ko. Musta ka na dyan? Sorry, napaiyak na naman kita kagabi. Hindi kita iiwan kahit mag-pakita pa araw-araw si clarisa. I’m almost over her coz andito ka na. Love you.


APRIL 28, 2007-  House na ko. Baby, I will be with you whenever I can, trust me on that. Sana hindi mo ‘ko pag-dudahan anytime na iiwan kita coz I won’t. I love you.


MAY 01, 2007   -  Basta I know we will have a great future together despite my status. Walang iwanan. I love you


MAY 02, 2007   - That is why ngayon pa lang ay maingat tayo till ready ako financially coz di ako papayag na ikaw lang bubuhay ng anak natin. Mahal kita eh.


MAY 03, 2007   -  Love you baby ko. Mas masarap ka siguro alagaan pag hawak mo na baby natin. Sarap isipin kaso di pa pwede. Mahal kita.


MAY 05, 2007   -  I never knew I could feel like this like I’ve never seen the skies before. I want to vanish inside your kiss. Everyday I want you more and more. Listen to my heart, can you hear it sing, telling me to give you everything. Seasons may change, from winter to spring, but I love you till the end of time.


MAY 05, 2007   -  You’re you. You are the only person now in this planet, who can tame me, guide me give justice to my aggressiveness. You think I am the one giving you directions, mahal kong dhada? You should realize it’s the other way around. You are the one who is giving me my direction.


MAY 05, 2007   -  Ako afraid din, dahil I’m slowly showing my softie inside. Kaya palagi ka malilito sa aking toughie outside. But yun ka sa kin you are giving me my directions, the only person to tame me if ever I get so powerful I too need an angel to guide me. Mahal kita.


MAY 06, 2007   -  Baby, ayoko po kung pwede please wag na. I want you to be with me sa mag-hapon sana. Pero kung gusto mo wala akong magagawa basta ako ayoko. Mahal na mahal kita. Miss you.


MAY 06, 2007   -  Miss you baby ko talaga. Kiss. Sana lapit lang kaw dito para bike ako dyan araw-araw. Wala ako kasabay sa taxi tomorrow.


MAY 06, 2007   - Tama baby. Pag yakap kita it represents my promise na aalagaan kita at di kita pababayaan. Ang sarap mo kase alagaan. Ang sarap mangarap with you..


MAY 07, 2007   -  Sabi ko di kita pababayaan eh. Well judging to experience may napabayaan kase ako last year and I lost her. Ayaw kitang mawala sa ‘kin, mahal ko.


MAY 07, 2007   -  I am not torturing myself noh. I am telling you how special your place is inside me. That was not about clarisa, she is past na. And I will do everything to keep you with me.


MAY 07, 2007   -  Well pag nabuntis kita then you can rest assured na di na ko mawawala sayo ever coz you’re a mother already of my anak. Mas mamahalin pa kita at aalagaan.


MAY 7, 2007     -  Well those things are my tools to make you happy mahal. I mean I’d rather spend my limited time with you sa Hongkong for example or Boracay. Di ba mas worth moments yon?


MAY 07, 2007   -  No mahal, those are the memories that last. Wag mo tingnan ang elegance of it. It just simply means na I want you to realize how special you are to me. Make the most of our time together.



          Those are Raymond’s messages to me.. And those messages keeps me holding on to our promises.. Kahit hindi ko alam kung sa’n ang dulo, tinuloy namin yung relasyon namin.. Everytime na mag-kasama kami, everything seems to be so nice.. Parang walang problema.. Sobrang saya ko every single day na dumadaan na kasama ko sya.. Wala na talaga akong mahihiling pa.. Sabi ko sa sarili ko, hindi ako nag-sisisi sa pinasok ko kase mahal ako ni Raymond.. Hindi ako nag-sisisi kase he’s fighting for us and he’s making ways just to make our relationship last… I made sacrifices too.. Tinanggap ko lahat ng sumbat.. Lahat ng panlalait.. Coz the most important thing at that moment is, IM HAPPY..


          Naalala ko pa yung sinabi sa ‘kin ng mama ko nung nag-uumpisa pa lang kami ni Raymond, “IKAW BA SIGURADO KA DYAN..? BAKA MASAKTAN KA NA NAMAN KUNG ANO NA NAMAN GAWIN MO SA SARILI MO..” Pero sa kabila ng paalala sa ‘kin ng mama ko, hindi pa rin ako sumuko.. Tuloy pa rin ang relasyon namin ni Raymond.. Kahit patago.. Kahit puro nakaw na oras..


          Hanggang sa dumating yung time na nabasa ng asawa nya lahat ng messages ko sa kanya.. Accidentally, nagamit nya yung sim card na may mga messages ko.. It was MAY 8, 2007.. Nag-text sa ‘kin yung asawa nya and kung ano-ano yung sinabi.. Iyak ako ng iyak buong gabi.. I even tried to commit suicide.. Lahat kase ng secrets namin ni Raymond nabunyag.. Muntik na akong makipag-hiwalay sa kanya.. Muntik matapos yung relasyon namin nung gabi na yon.. But still, nag-usap kami kahit sa text lang.. Here’s his messages..


MAY 08, 2007   -  Dada pinasok natin to kase we both want to be happy regardless of the risk and consequences. Simula pa lang tinanggap na natin. Bakit ngayon di mo na matanggap?


MAY 08, 2007   -  Well I can’t come, kung may iba. It should only the two of us sa loob ng relasyong to. Dada, akala ko ba itatago kita pag nabuntis na kita? Sure ka ba dito sa atin o ikaw ang naglalaro?


MAY 08, 2007   -  Dada, I am telling you my limits tonight. Hindi ko kayang mawala ka. Ano ba nagawa ko na sinasabi mo?


MAY 08, 2007   -  Di nya nabasa lahat ng text mo. I made sure na wala don anything about what we do together. Buti nga yung isa don ay you care about her. We are still free mahal if you’ll still accept me.


MAY 08, 2007   -  Yes, after everything, I still believe na may future tayo. I texted them for help coz they are our friends. Baby, I am sorry di ako nag-ingat ng sim ko. Come back to me and forgive everything.


MAY 08, 2007    -  I have best intentions para sa binubuo nating future together. Kahit anak ko sayo may plan na tayo. Well bahala na nga siguro kase ayaw mo na eh.


MAY 08, 2007   -  To prove to you na I want you to have the future you love, I am empowering you to keep writing your compositions. The laptop is yours to keep. I want you to be yourself kase I love you very much.


MAY 09, 2007   -  Look. I didn’t know what really happened. All I did was care for you and loved you. But if my lies to others to keep our relationship, you believe to be true, sana reconsider mo all we had.


MAY 09, 2007   -  I called them to help. Biased kung ako lang kausap mo. Si Christian ba tinawagan ka? Buti naman. Di bale na kahihiyan ko basta maayos ka. Yes, sa mata nila this is my fault.



MAY 09, 2007   -  So ano na ba tayo? Hiwalay na ba tayo? Or is this just one of those tests na mukhang nalampasan na natin. Nalampasan na nga ba?


MAY 09, 2007   -  Sige tulog na tayo. Kaw pahinga ka na. Buko na tayo eh. Ayayay! Tulog ka na baby. Hay what klase kaya asar matatanggap ko tomorrow sa mga text ko sa mga officemates natin? Pahiya na ko eh. Love you.


MAY 09, 2007   -  Dha, gusto mo ba na bumitaw na ko? Dati mo pa kase pinaparamdam sa ‘kin yan. Problem, matigas ulo ko eh, ayoko nga, mahal kita and I will take this all the way, and everyone must accept us. Answer?


MAY 09, 2007   -  Kase nga di ko alam sasabihin ko pag nag-tanong sila kung what plans ko for you. And di pa ready yun mahal ko. I really do love you dada. I want to tell them that I’ll take care of you.


MAY 09, 2007   -  Da, pareho natin pinasok ‘to and I am still willing to take this all the way, if you’d still have me. This is the only day we can decide this coz neither one of us wants to repeat what happened last night. But situations has changed, alam na ni gema hence we have to lay low talaga. Do you agree? It will take both of us to make this happened mahal.



          Well because of those text messages, hindi ako bumitaw for the second time.. Tuloy pa rin kami sa escapades namin.. I thought after what happened nung gabi na yon, kahit papano magiging okay pansamantala, pero hindi. Tuloy ang text sa ‘kin ng asawa ni Raymond. She even asked me to resign sa company para malayo kay Raymond.. Nung mga araw na ‘yon, suspended pa ako. Nagkaron ako ng maraming time para makapag-isip kung ano bang dapat kong gawin. Then this night came na nakapag-disisyon na ako. Hihiwalayan ko na si Raymond para pare-pareho na kaming matahimik..


          May 10, 2007 nung nagkita ulit kami.. Ready na ako to have a break up with him.. But DAMN IT!!!! Bakit sa tuwing kaharap ko sya hindi ko magawang ituloy na iwan sya..? Bakit sa tuwing kasama ko sya hindi ko masabi na ayoko na..? Bakit gano’n ako katanga sa kanya para ipaglaban yung relasyon na dapat putulin na..? Bakit ganon..? Gano’n ko ba talaga sya kamahal o ayoko lang mawala sya dahil nasanay na ako sa tabi nya..? o baka dahil marami na kaming binuong pangarap na mag-kasama..?


         After a week of suspension, balik na naman sa office. Ganon ulit tulad ng dati. Sabay mag-lunch. Naging lay-low kami. Dahil nga alam na ng asawa nya ang tungkol sa ‘min. Andon yung fear nya na baka gumawa ng eskandalo sa office. One time sabi nya sa kin:



MAY 14, 2007   -  Baby, safe ka pa rin ba bukas? Gusto mo ituloy na talaga natin magka-baby tayo?


MAY 14, 2007   -  Bahala na si batman! Kung eto na lang solusyon sa issues then let’s do it, mahal.


MAY 15, 2007   -  Actually I’ve been thinking about it last week pa. There is no perfect moment to do it than now. Kase if that’s the case pwede natin sabihin kay gema na kahit nagka-hiwalay na tayo ay nag-bunga na eh.


MAY 15, 2007   -  Da, I don’t want to lose you. And I want to end the doubts in your having. If this baby is the answer, then let’s go.



          Lahat ng pinagsamahan namin ni Raymond sobrang saya. He made me feel so special sa buhay nya. He treated me like a gem na ayaw nyang mawala. I feel so loved. Pakiramdam ko nasa cloud 9 ako everytime na kasama ko sya. Feeling ko mahal na mahal nya ako. I don’t want to lose him. Kaya nung sinabi nya yan sa ‘kin, hindi ako nag-dalawang isip na pumayag kase alam ko, magka-anak man ako, I know I chose the right father for my baby..


          MAY 16, 2007, 10:00 in the evening.. Naka-receive ako ng hindi inaasahang tawag and balita from Raymond.. Pinapalayas na sya ng asawa nya.. I feel so bad that night.. Sinumpong pa ako ng asthma dahil sa kakaiyak. I’m blaming myself kung bakit umabot sa gano’ng situation. Kung sana noon pa nag-hiwalay na kami, hindi na aabot sa gano’n na sitwasyon. Iyak lang ako ng iyak dahil wala akong magawa. Wala akong magawa to make Raymond feel better. Wala akong magawa to help him. I feel so useless that time. Kasama nya nga ako, girlfriend nya ako pero wala akong silbi.


          After ng nangyari, I decided to have a break up with him. Yung tuluyan na. Umasa ako na baka maayos pa lahat pag nawala ako sa eksena. Sabay kaming pumasok ng office kinaumagahan. Tahimik lang ako habang nasa biyahe. Hindi ko alam kung pano mag-uumpisa ng usapan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nakita ko yung lungkot sa mata ni Raymond and I can do nothing to ease that pain. Wala akong magawa to make him feel better. Naka-sandal lang ako sa balikat nya habang yakap nya. Nalito na naman ako. Hindi ko magawang sabihin sa kanya na hihiwalayan ko na sya. Pa’no ko sya iiwan gayong kailangan nya ng kasama? Pa’no ko magagawang iwan yung taong nag-turo sa ‘kin ng maraming bagay sa kalagitnaan ng pag-iisa nya? Pa’no ko iiwan sa ere yung taong kahit kelan hindi pinaramdam sa kin na hindi ako mahalaga? Pa’no ko sya iiwan kung alam kong kailangan nya ako? Pa’no ko sya iiwan kung alam kong ako lang yung andon nung time na yon para samahan sya. For the third time, hindi ko tinuloy. Hindi ko sya kayang iwan. Hindi ko kayang makita syang mag-isa. Hindi ko kayang hayaan syang walang kasama. Sabi ko sa sarili ko, sasamahan ko sya hanggang sa huli. Walang iwanan.


          Hindi naging ganon kadali yung mga sumunod na araw after ng nangyari sa bahay nila. Nagkataon pang walang pera si Raymond dahil binigay nya lahat sa asawa nya. Yes, that time he has nothing. He’s pennyless. Without a home. Without anything. Mga personal belongings nya lang ang dala nya. He does’nt even have a computer. Still, I stayed beside him. Lagi naming iniisip, matatapos din lahat. Makaka-bawi rin sya. He thanked me kase daw kasama nya pa ako and hindi ko sya iniwan. Pa’no ko ba iiwan yung taong minahal ko ng lubusan..?


May 17, 2007   -  Masaya ko kase nasa tabi pa rin kita.        



          Oo, katabi nya ako. Katabi nya ako sa darkest hours nya. I did everything para mapasaya sya. Para mabawasan yung lungkot nya. Dibale na ako, basta wag ko lang makikita yung lungkot sa mata nya dahil doble yung sakit sa ‘kin pag nakikita kong malungkot sya. Tuloy ang buhay. Pinilit nyang bumawi from nothing. Until my birthday came.


          May 18, 2007, the day before my birthday. Mag-kasama kami from morning till night. Nag-countdown pa sya hanggang 12 midnight. He’s the first person who greeted me a happy birthday. Sya yung kasama ko buong araw. May hindi pa nga magandang nangyari few minutes before 12midnight eh. But still, Raymond is there. He made me feel so special. Pinawi nya yung luha na pumapatak sa mata ko. Pinalitan nya ng yakap yung sama ng loob na naramdaman ko. 2:34 in the morning nung nag-decide kami to go in Fairview. Do’n ko spend buong araw ko kasama sya. Almost 3:30am na kami dumating don. We spend the night together. Quenching each other’s thirst and hunger. He made me happy. He made me feel like a real woman.



          Pag-gising ko kinaumagahan, the first sentence na sinabi nya sa ‘kin is, “WHAT GUSTO MO BREAKFAST DEAR..?”.. Wow, umaga pa lang ang sarap na ng gising ko. Nasabi ko na lang sa sarili ko, ang sarap gumising sa umaga pag si Raymond ang kasama mo. Walang bakas ng problema. Every single minute na dumadaan masaya. Hindi lumilipas yung isang minuto na hindi nya ako yayakapin. Sobrang lambing. Yakap ng yakap, halik ng halik. Ang sarap mabuhay kung si Raymond ang kasama mo. Nung araw na ‘to pareho kaming walang pera. But still sobrang saya ko. I don’t have money, yet I have Raymond with me. Eto yung pinaka-masayang birthday ko. Pinaka-memorable and hindi ko talaga makakalimutan. 6:00pm nung umalis kami sa Fairview and pauwi na rin ako sa bahay. Pero hindi pa natapos don. Until 1:00am kasama ko pa sya.. May 20, 2007, 2:13am na sya umuwi. Oo, kasama ko sya the day before my birthday, the whole day of my birthday and tinapos nya yon. We talked about a lot of things. Marami syang pinaliwanag sa ‘kin. Mga bagay na hindi ko noon maintindihan. He gave me ideas about my articles. He gave me topics to write. Ang saya.. Again and again, ang dami kong natutuhan sa kanya…


          May 21, 2007, nakipag-break ako sa kanya dahil sa hindi malinaw na dahlian. Misunderstanding. Umuwi sya ng maaga. But before he left, he left a message for me..



“HINDI KO ALAM KUNG ANONG NANGYARI AT BIGLA KANG NAG-TEXT NG GANYAN, “LET’S SET EACH OTHER FREE SA KIN. ANG LOOB KO AY NAGHALONG GALIT AT PAG-AALALA NGAYON. MAY GALIT PAGKAT SA NAPAGUSAPAN NATIN NUNG LUNCH NA PORKET YOU SPEND A DAY OR TWO WITH ME, CHRISTIAN EARNED HIS CREDITS. ANO YON PORSYENTUHAN…? MAY PAG-AALALA KASE DESPITE THE FACT NA IKINAINIS KO NUNG LUNCH, AKO PA ITONG SWALLOWING MY PRIDE KASE I WILL NEVER WANT TO LOSE YOU. NGAYON NATATAKOT AKO SA KONKLUSYON NG PWEDE NATING PAG-USAPAN. BAKIT? ANO BANG GINAWA KO? WELL, DAHIL NGA MAGKAHALO ANG NARARAMDAMAN KO, I CANT THINK STRAIGHT.. UWI MUNA AKO. I DON’T WANT TO SPOIL YOUR NIGHT WITH YOUR FRINEDS..”



          Because of this letter, natakot ako. Natakot ako na baka tapos na nga kami. Natakot ako na baka hindi na kami magka-ayos. Ang tanga-tanga ko dahil nag-bitaw ako ng salita na hindi ko kayang panindigan. Ang tanga ko dahil sinasaktan ko sya pati na sarili ko. Ang gago ko! Umuwi ako mag-isa. Parang tanga na umiiyak sa jeep habang pauwi. Unexpectedly, he texted me..



MAY 21, 2007   -  Means wala ni isa man sa mga text mo, pangako mo, lambing mo, pangarap mo ang totoo…? Pinasok mo paninindigan mo? Walang iwanan? Totoong tao? Ako, I never lied to you, dada.


MAY 21, 2007   -  So kung di ito about Christian, then what is this? Bakit ka nakikipag-break sa ‘kin for the 6th time? Kick me while I’m down? Yan ba big plan mo?


MAY 21, 2007   -  Ok dada. I’ll say this calmly. You are free now. I don’t want to hold you back kung gusto mo ng lumipad. Salamat sa lahat. Should you need my help you know where to find me. I love you.


MAY 21, 2007   -  Pwede ba tayo magusap ng harapan? Why are you doing this kung kelan libre na tayo gawin ang gustuhin natin? Sa’n kita pwede puntahan? Sa  rancho.


MAY 21, 2007   -  Nasa house na ‘ko. Just arrived and umabot pa sa banyo, hehe. Ok lang mapagod kase I can sleep knowing you’re still mine. I love you so much. Wag mo ‘ko alalahanin, optimistic ako na aayos din lahat…



          Oo nagkita kami. Nag-bike sya from Fairview to Marikina para lang magka-ayos kami. Nawala yung takot ko. Akala ko tuluyan na syang mawawala sa kin dahil sa tangang disisyon ko. Sobrang naawa ako sa kanya. Wala syang pera pero ginawan nya ng paraan para magka-ayos kami. Nag-usap and at the end found out na wala ngang kwentang bagay yung pinag-simulan ng away namin..Yeah, this is the RAYMOND MORFE that I used to love. A person who will do everything for the one he love. Hindi nya inisip yung sarili nya kung ano man mangyayari sa kanya habang nag-bike sya sa kalsada, hindi lang kalsada kundi highway. Yes, he did everything just to win me back. Because of this, I love him even more. I fell inlove with him. I fell inlove with RAYMOND MORFE. I don’t have any plans to take our relationship seriously. Alam ko kase malabo. Alam ko masasaktan lang ako. But he gave me so many reasons to believe na kahit gano’n ang status nya, we can still have a great, perfect future together. He never give up sa lahat ng trials na binigay ko. Oo, lahat ng break ups ko sa kanya are just trials para mapatunayan ko kung ga’no sya ka-seryoso sa ‘kin. Gusto kong malaman kung anong kaya nyang gawin para sa ‘kin. Gusto kong patunayan sa sarili ko na wala akong dapat pag-sisihan sa mga na-give up ko para sa kanya. And he never failed me. Pinatunayan nya sa ‘kin how much he loves me.

2007-10-23 07:39:02 GMT
Hosted by www.Geocities.ws

1