Hyacinth D's Blog
im simple.. i h8 pipol trying so hrd 2 pretend dat dey wnt 2 help others when in fact dey dnt intend to..
MY 2007 EXPERIENCE
photo

         


          Frankly, I really don’t know how this guy turned out to be the source of my inspiration. I’m happy to be with him. I started to build my dreams with him. He became the center of my life. He showed me how beautiful life is. He showed me the positive side of life. Those are the best days of my life. Never pa akong naging gano’n kasaya until I met Raymond. The person who brought so much hue in my life. Sobra nya akong pinasaya. Yun yung unang-unang relationship ko na nag-turo sa ‘kin ng maraming bagay. I learned to love this guy so much. And I love being with him every single minute of my life. I owe my happiness to him that time. He changed my point of views. He taught me a lot of things. But the greatest thing that I’ve learned from him is LOVING WITHOUT EXPECTING ANYTHING IN RETURN.


          He did everything para maging maganda takbo ng relationship namin. He did everything to make me happy. He always made me feel so special. Alam ko hindi na ako makakakita ng tulad nya. Sa loob ng maiksing panahon na pinag-samahan namin, lagi kong hinahanap yung presence nya, yung yakap nya. Sya yung naging comfort zone ko. Sandalan ko. I feel secured sa yakap nya. Wala na akong mahihiling pa. I dreamed of being with him sa iisang bahay. Sabi ko mas magiging masaya siguro kami pag araw-araw mag-kasama kami. Dami namin magagawa together.


          Marami syang sinabi sa ‘kin na tinanim ko sa isip ko. Marami syang pangako na pinaniwalaan ko. Kahit minsan hindi kami magka-sundo, masaya pa rin dahil hindi nya pinapatulan yung topak ko. Lagi nya akong iniintindi sa pagiging childish ko and sa pabago-bagong mood ko. Maraming beses na down ako pero andon sya. Hindi nya ako iniwan. Kaya hindi ko pinag-sisihan yung naging disisyon ko na papasukin sya sa buhay ko. I need him in my life. I can’t live without him. He’s everything to me. Ayan na naman, na-inlove na naman ako. Hindi ko alam kung sa’n ang dulo at kung anong magiging resulta. Basta bahala na. Masaya ako at mahal na mahal ko sya..


          But that was just the beginning of everything. Nag-bago lahat pag-pasok ng June. There are things that happened that really drived me crazy.



          June 15, 2007 nung nalaman namin na buntis ako. After kong mag-pregnancy test, halos nangi-nginig yung kamay ko. That time galit sya sa ‘kin dahil nag-inarte ako. When I showed him the result, hindi pa rin nawala yung galit nya. Sino ba naman kasing matutuwa pag sinira yung gabi mo..? It’s my fault, inaamin ko naman. Pinilit ko syang suyuin pero matigas pa rin. Pero kahit papano, nawala yung init ng ulo nya. Umuwi sya but before he left, iniwanan nya ako ng mahigpit na yakap at matamis na halik..


          Kinabukasan nag-kita kami. After nya ilabas yung mga anak nya, nagkita kami sa bayan and we stayed sa River Park. Akala ko nawala na yung galit nya sa ‘kin the other night. Pero sinumbat nya pa rin sa ‘kin yung nangyari. Oo na, kasalanan ko na. Hindi ko naman alam na one month pregnant na ako that time kaya laging apektado moods ko. Buong gabi nag-away kami. We separated with anger. Bumili pa ako ng beer sa 7-eleven para mag-inom. Para makatulog agad. Naabutan nya pa ako sa sakayan. He tried to stop me pero hindi ako nagpa-pigil. Umuwi ako mag-isa.


          Sunday, June 17, 2007 nung nagka-bati kami. Pumunta sya sa bahay and nag-usap kami. Hindi na namin pinag-usapan kung anong pinag-awayan namin. Tungkol sa magiging baby namin yung naging topic.


          I thought that will be the start of our better relationship. Akala ko mas magiging masaya kami kase magkaka-baby na kami. But from that day, mas lumala yung away namin, mas naging madalas. But despite of that, marami pa rin kaming masasayang oras na pinag-samahan. Naramdaman ko pa rin yung mga mahigpit nyang yakap. Mas marami kaming naging plano for the future. Still, we spend happy times together. But as time passes by, unti-unti nag-babago sya.


          June 27, 2007, his mom called me while nasa office ako. Sinabi nyang wag kong sirain yung buhay ng mga apo nya. Umiyak ako dahil sa sakit. Ano bang buhay ang sinira ko..? Kanino? Kahit kelan wala akong sinirang buhay. Pinag-salitaan nya ako ng masasakit without even knowing na hindi ako tumitigil sa pag-convince kay Raymond na bumalik sa pamilya nya. Hindi ako naging masaya sa pag-hihiwalay nila ng asawa nya. Hindi ako gano’n ka-selfish para matuwa dahil kasama ko si Raymond samantalang yung mga anak nya eh hinahanap sya at nami-miss ang daddy nila.


          Marami pang nangyari from June to July.. Sayang nga dahil nasa kalagitnaan kami ng maraming gimik nung mga panahon na yon. Marami pa kaming masayang pinag-samahan ni Raymond. Kung iisa-isahin ko, baka abutin pa ng another millennium..


          August 03, 2007 nung mag-last day ako sa Unique Interaction. Pabor din sa ‘kin kase nahihirapan ako. Hirap gumising sa umaga, hirap sa biyahe. The last gimik na mag-kakasama kami is sa MARU with Sally, Rowena and Raymond. Hindi ko alam, yun pala yung umpisa ng unti-unting pag-babago ng relasyon namin ni Raymond.


          We stayed overnight sa motel. We talked bout things. Sabi nya mami-miss nya ako sa office and kahit na wala ako don, hindi sya mag-babago. Sabi nya hindi mawawala yung love nya for me..Naging bihira yung pag-kikita namin ni Raymond. Mas madalas ang away kesa pagkikita.


          It was August 10, 2007, birthday ni Joyce.. He asked me to come pero hindi ako pumunta. Kung alam ko lang na mangyayari lahat ng ‘to, pumunta sana ako nung gabi na yon. Hindi sana ako nag-hesitate na pumunta sa lugar kung saan nag-karo’n sila ng chance na maging close ng babaeng pinag-seselosan ko ng husto..


          She is one of my closest friends sa Unique. Crush sya ni Raymond. But I trusted her a lot. Sobrang malambing ako sa kanya. Kasama sa kulitan. Sa topak. Daldalan habang nasa floor. I bring foods para sa ‘min. Kaya hindi ko inasahan na mangyayari yung ngayon.


           Month of August nung nanlamig sa ‘kin si Raymond. Hindi ko na naramdaman ulit yung higpit ng yakap nya. Nag-umpisa syang maging mailap sa ‘kin. Nag-umpisa syang mag-tago ng mga bagay sa ‘kin. Yung cell phone nya na dati pakalat-kalat lang, hindi ko na makita. Hindi ko na mabasa yung mga messages do’n. I know that there’s something wrong pero hindi ako nag-salita. Mas lalong tumindi yung selos ko sa kanya kase binibigyan sya ng special attention ni Raymond. Dumating pa sa time na pinapili ko si Raymond kung lalayuan nya yung babae na yon o ako ang mawawala sa kanya. Hindi sya kumibo. Nagsimula akong mag-karo’n ng doubts about sa relationship nila. Alam ko more than friends or close friends.



          September 05, 2007, the very first time na minura ako ni Raymond and sinigawan. After almost five months of being together, yon yung unang-unang pag-kakataon na minura nya ako dahil lang sa maliit na bagay. Nagulat ako. Gano’n pala yung feeling pag yung taong mahal mo yung nag-mura sayo. Feeling ko nung mga oras na yon, umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Feeling ko binuhusan ako ng malamig na tubig. Sobrang iyak na lang ang nagawa ko. Bawat patak ng luha ko pinipigil ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari yon. Sa lahat ng taong kakilala ko, sya yung inaasahan kong huling-huling taong gagawa no’n. Ang sakit-sakit. Sa sobrang sama ng loob ko, umalis ako ng bahay and pumunta sa barkada ko. Habang nasa jeep, hindi ko pa rin mapigil yung patak ng luha ko. Pinag-titinginan na nga ako ng ibang pasahero. Pag-dating sa bahay ng barkada ko, do’n ko binuhos lahat ng iyak ko. Lahat ng sama ng loob ko. Hindi ako umuwi that night. I decided to spend the night with my friends. Kahit papa’no nababawasan yung sama ng loob ko kase kasama ko sila. Kahit sandali lang naging masaya ako.


          Kinabukasan umuwi na ako. Pag-dating ko sa bahay parang walang nangyari. Sinalubong nya ako ng yakap pero wala pa rin akong maramdaman. Malambing sya sa ‘kin mula nung umuwi ako. Pero panandalian lang pala yon. Babalik din pala sa dati. Habang lumilipas yung mga araw, mas lalong lumalala yung sitwasyon. Lagi syang galit sa ‘kin kahit wala naman akong ginagawang masama. Gabing-gabi na sya lagi umuuwi. Siguro nga kung walang jumong uuwi sya madaling-araw na eh. Nag-simula kaming mag-karo’n ng gap. Ang daming nyang secrets na tinatago sa ‘kin samantalang dati hindi naman gano’n. Hindi na nya ako halos pinapansin. Nawalan sya ng oras sa ‘kin. Oo, mag-kasama kami sa iisang bahay. Pero mag-kasama lang kami pag matutulog na. Ang layo palagi ng iniisip nya. Pag-dating sa bahay cell phone ang hawak nya samantalang dati, pag nasa bahay sa ‘kin lahat ng attention nya.


          September 24, 2007, pinaka-malalang away namin ni Raymond. Nag-away kami sa YM. Umuwi ako sa bahay and made a decision na iiwan ko na ng tuluyan si Raymond. Ilang araw akong hindi umuwi. Ang sinabi kong dahilan sa mama ko kung bakit umuwi ako sa ‘min is dahil nasa Australia si Raymond and wala akong kasama sa bahay. I was about to give up that time. Gusto ko na talagang mamatay. I wrote a letter for my mom asking for her forgiveness kung binigo ko man sila as expectations nila sa ‘kin. Lahat kase ng plans ko this year hindi natuloy dahil nga Raymond and I planned to have a baby para mag-karo’n ng dahilan para hindi na kami mag-hiwalay. I know my mom feel so bad about what happened to me this year. Sabi nya sa ‘kin, mabuti pa daw nung pagala-gala ako, hindi ako nabuntis. After mabasa ni mama yung sulat, lumapit sya sa ‘kin. Tinanong nya ako kung bakit ako  sumulat ng gano’n. Alam nya daw na may problema ako. Then that’s it, I revealed everything. Sinabi ko yung lahat ng totoo. Yung status ni Raymond. Kung ano ako sa buhay ni Raymond. Lahat ng naranasan ko kasama si Raymond sinabi ko sa mama ko. Nahiya ako sa sarili ko that time. Kahit konti wala akong nakitang bakas ng galit sa mukah ng mama ko. Ang nakita ko sa kanya awa. Awa sa ‘kin. Para akong bata na nag-hahanap ng kakampi that time. Sabi nya sa ‘kin, naging kampante sya nung sumama ako kay Raymond kase atleast alam nya kung nasa’n ako. Natahimik daw yung utak nya kase ang alam nya nasa mabuting kamay ako. Kahit bunso kong kapatid hindi makapaniwala sa naging buhay ko. Hindi nila inasahan na papasok ako sa ganito kagulong sitwasyon.. Sabi nya akala nya masaya ako, yun pala mag-isa akong umiiyak at malungkot dahil sa nang-yayari sa ‘min ni Raymond. Ayaw na akong pabalikin ng mama ko kila Raymond. Sabi nya pasama daw ako sa ate ko para kunin yung gamit ko. Pero matigas ang ulo ko. After makipag-kita sa asawa ni Raymond, nag-kita kami. Hindi ko naituloy yung balak ko na kunin lang ung gamit ko at umuwi agad. Bakit nga ba gano’n? lahat ng disisyon ko nababalewala pag kaharap ko na si Raymond..?


          September 26, 2007 nung bumalik ako kila Raymond. I stayed with him overnight. Nung gabi na yon, inamin nya sa ‘kin ang lahat tungkol sa kanila ng babae na pinag-seselosan ko. Para akong pinag-sakluban ng langit at lupa habang kinu-kwento nya sa ‘kin lahat ng nangyari. Iyak na naman ako ng iyak. Wala akong ibang magawa kundi umiyak. Hindi ako makapaniwala na kung sino yung pinag-katiwalaan ko, sya pa ang gagago sa ‘kin. Halos mamatay ako sa revelation ni Raymond nung gabi na yon. I tried to smile, pero pumapatak pa rin yung luha.


          The next day, sabi ko hindi na ako uuwi. I will stay with Raymond. Umasa ako na maaayos pa yung relationship namin. Hindi nawala yung hope ko na babalik pa kami sa dati. Habang dumadaan yung mga araw, umaasa ako na one day, babalik yung dating Raymond na minahal ko. Umaasa ako na mararamdaman ko ulit yung init ng yakap nya. Umaasa na one day ipaparamdam ulit nya sa ‘kin yung comfort na naramdaman ko noon sa arms nya. Umaasang mamahalin nya ulit. But I think huli na. Ako na lang ang umaasa.

2007-10-23 06:59:39 GMT
Hosted by www.Geocities.ws

1