Ang Markos 5:21-43 sa Katekismo

Eucharistic
Mark 5:21-42

Ang Pananampalataya sa Muling Pagkabuhay. Iniuugnay ni Jesus ang pananampalataya sa muling pagkabuhay sa kanyang sarili: "Ako ang Muling Pagkabuhay at ang Buhay (Jn. 11:25)". Sa huling araw, si Jesus mismo ang bubuhay sa mga nanampalataya sa kanya na kumain ng kanyang laman at uminom ng kanyang dugo (cf. Jn. 5:24-25;6:40.54). Ngayon pa lamang ay nagbibigay na siya ng tanda at pangako nito sa pagbibigay niya ng buhay sa mga patay (cf. Mk. 5:21-42; Luk 7:11-17;Jn. 11) at sa pamamagitan nito ay inihahayag niya ang kanyang muling pagkabuhay... Ang tawag niya dito ay ang "tanda ni Jonas" (Mt. 12:39), ang tanda ng templo (Jn. 2:18-22). Ipinahayag niyang siya ay papatayin nguni't sa ikatlong araw ay muling mabubuhay. (CCC#994)

Mark 5:25-34

Ang mga Himala ni Jesus  Ang mga tanda na ginagawa ni Jesus ay nagpapatunay na siya ay isinugo ng Ama. Ang mga ito ay nag-aanyaya ng pananampalataya (cf. Jn. 5:36;10:25.38). Sa kanila na tumatalima sa kanya ng may pananampalataya ay ibinibigay niya ang kanilang hiling. Kaya nga himalang ito nagpapalakas ng pananampalataya sa Kanya na gumagawa ng mga gawain ng Ama. Nagpapatunay ang mga ito na siya ay Anak ng Diyos. (CCC#548)

Mark 5:28

Ang Panalangin kay Jesus   Ang panalangin kay Jesus ay tinugon na niya sa pamamagitan ng mga tanda na nag-aantisipa sa kapangyarihan ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Pinapakinggan ni Jesus ang panalanging may pananampalataya na ipinahayag sa salita (ang ketongin, ang babaeng Cananaeo, ang mabuting magnanakaw) o sa katahimikan (ang mga bumuhat sa ketongin, ang babaeng inaagasan ng dugo na humipo sa kanyang damit, ang mga luha at langis ng babaeng makasalanan)... Sa tuwing siya ay nagpapagaling o nagpapatawad ng kasalanan, tumutugon si Jesus sa panalanging inihandog nang mga pananampalataya: "Pinagaling ka ng iyong pananampalataya; humayo kang payapa ang kalooban." (CCC#2616)

Mark 5:34

Ang mga Sakramento  ...Gusto siyang hipuin ng mga maysakit "pagka't ang kapangyarihan ay dumadaloy mula sa kanya at pinapagaling silang lahat". Kaya nga sa mga sakramento patuloy tayong hinihipo ni Cristo upang tayo ay pagalingin (Nota: Sa wikang Latin ang "salvare" ay may kahulugang "magpagaling" at "magligtas".) (CCC#1504)