Mark 12:38-44 sa Catechism of the Catholic Church

Babala tungkol sa mga Eskriba
Tulad ng mga propeta at ni Juan Bautista, ipinahayag ni Jesus ang paghuhukom sa Huling Araw sa kanyang pagtuturo (cf. Dan 7:10; Joel 3-4; Mal. 3:19; Mt. 3:7-12). Doo'y mahahayag ang mga ginagawa at mga sekreto ng puso ng bawa't isa (cf. Mk. 12:38-40; Lk. 12:1-3; Jn. 3:20-21; Rom. 2:16; 1 Cor. 4:13). Doo'y ang kawalan ng pagsampalataya na binalewala ang grasya na Diyos ay kokondenahin (Mt. 11:20-24;12:41-42). Ang ating mga saloobin tungkol sa ating kapwa ay magpapakita ng ating pagtanggap o hindi sa grasya ng pag-ibig ng Diyos (cf. Mt. 5:22; 7:1-3). Sa Huling Araw, sasabihin ni Jesus: Talagang sinasabi ko sa inyo: kung ano ang ginawa ninyo sa pinakamaliit sa mga ito, ay ginawa rin ninyo sa akin.(Mt. 25:40)" CCC #678

Ang Biyuda at ang Dalawang Baryang Tanso
"Ang pag-ibig ng Iglesya sa mga dukha...ay bahagi ng kanyang tradisyon". Ang pag-ibig na ito ay nagmumula sa Ebanghelyo ng Pagpapala, ng pagiging maralita ni Jesus, at ang kanyang pag-aalala sa mga dukha (CA 57; Lk. 6:20-22; Mt. 8:30; Mk. 12:41-44). Pag-ibig sa mahihirap din ang isa sa mga motibasyon para sa pagtatrabaho, "nang sa gayo'y may maibahagi kayo sa mga nangangailangan" (Eph. 4:28). Ang pag-ibig na ito ay hindi lamang sa materyal na pangangailangan kungdi pati na rin sa ibang manipestasyon -- pang-kultura man o pagka-relihiyoso -- ng pagkadusta (cf. CA 57). CCC # 2444