Ang Lukas 6:17.20-24 sa Catechism of the Catholic Church

“Pinagpala kayong mga dukha, sapagkat sa inyo ang kaharian ng Diyos! Pinagpala kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo'y bubusugin. Pinagpala kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo'y magsisitawa!"

"Ang pag-ibig ng Simbahan sa mga mahihirap ... ay bahagi ng kanyang di-nababagong tradisyon." (CA 57; cf. Luke 6:20-22; Mt. 8:30; Mk. 12:41-44) Ang pag-ibig na ito ay inspirado ng Ebanghelyo ng mga Pagpapala, ng pagkadukha ni Jesus mismo, at nang kanyang pagmamalasakit sa mga mahihirap. Ang pag-ibig para sa mga mahihirap ay isa sa mga motibo para sa obligasyong magtrabaho -- "nang sa gayo'y magkaroonsiya ng ibibigay sa mga nangangailangan" (Eph. 4:20). Ito ay sumasakop hindi lamang sa materyal na pagkadukha kungdi pati na rin sa iba't ibang anyo ng pagkadukhang kultural at relihiyoso (CA 57). CCC # 2444

* CA, Centessimus Annus

“Pinagpala kayong mga dukha, sapagkat sa inyo ang kaharian ng Diyos!

"Pinagpala ang mga dukha sa espirito." (Mt. 5:30) Ang mga pagpapala ay nagbubunyag ng isang kaayusan ng tuwa at grasya, ng kagandahan at kapayapaan. Ipinagdiriwang ni Jesus ang tuwa ng mga dukha dahil ang Kaharian ay para sa kanila (Luke 6:20).

Ang Salita ay tumutukoy sa boluntaryong pagpapakababang-loob bilang "pagkadukha sa espirito". Ang Apostoles ay nagbibigay ng ehemplo ng pagkadukha ng Diyos nang sabihin niya: "Para sa inyo, kung kaya't siya'y naging dukha." (San Gregorio de Nisa, De Beatitudines 1: PG 441200; cf. 2 Cor. 8:9) CCC # 2546

“Ngunit kahabag-habag kayong mga mayayaman ngayon, sapagkat natamasa na ninyo ang kaginhawahan.

Ipinagdadalamhati ng Panginoon ang mga mayayaman dahil ang kanilang konsolasyon ay ang pagkakaroon ng maraming ari-arian. "Hayaan niyong ang mga mayayabang ay maghanap at umibig sa mga makalupang kaharian, nguni't pinagpala ang mga dukha sa espiritu pagka't para sa kanila ang Kaharian ng langit (San Agustin, :De sermo. dom. in monte I, 1,13 PL 34 1232). Ang pagtitiwala sa pag-iingat (Providence) ng Ama sa Langit ay nagpapalaya sa atin mula sa pagkabalisa para sa bukas. Ang pagtitiwala sa Diyos ay paghahanda para sa kagalakan (beatitude) ng mga dukha. Makikita nila ang Diyos. (cf. Mt. 6:25-34) CCC # 2547