Ang Baka ng Kamatayan (F-64)

Standard Intro
MUSIC: UP AND UNDER

NARRATOR: Si Natalie ay isang karaniwang tinedyer na nakaranas ng karumal-dumal na pangyayari. Ano kaya ito? Makinig tayo sa dulang pinamagatang BAKA NG KAMATAYAN! Mwahahahahaha!

MUSIC: CURTAIN

Scene 1
 
MUSIC: THEME UP AND UNDER

NATALIE: Ma, bukas dyes y sais anyos na ako! Pupunta lahat ng mga boylet ko sa party! Pupunta si Mark, si Boyet, si Crispin, si Joe, si Chito, si Ke…

NANAY: Oh, anong balak mong ihain? Keyk nanaman?

NATALIE: Hindi po. Gusto ko ng baka.

NANAY: Eh diyos ko, sa dami ng syota mo kailangan natin ng isang buong baka!

NATALIE: Ayos lang yan, nay. Labs naman kita eh…

NANAY: O sya, sya. Pumunta na tayo sa supermarket.

Scene 2

MUSIC: UP AND UNDER

SFX: INGAY NG MGA TAO

NANAY: Ale, Pabili nga ng isang buong baka.

TINDERA: Isa na lang ang natitira. Kaso, buhay pa eh.

NATALIE: Ma, sige ako bahalang magtaga ng baka sa bahay. Chicken lang yan!

NANAY: O sige, magkano yung baka niyo?

TINDERA: Naku! Sige libre na yan! Buti na lang at may bibili na rin sa bwisit na yan!

NATALIE: Ano???

TINDERA: Ah, wala, wala. (SELF) Hehehe… magdudusa kayo…

NANAY: O bilis, akin na ang baka.

TINDERA: O eto na! Umalis na kayo, bilis!

BAKA: Moo.
 

Scene 3

MUSIC: CROSSFADE

SFX: UGONG NG MGA TIPAKLONG

NATALIE: (SELF) Naku, bad trip talaga si Nay! Natulog ba naman agad! Gabing-gabi at mag-isa akong magtataga sa bakang ito!

BAKA: Moo. Magandang gabi. Ako si Roger Clinton.

NATALIE: Nagsasalita pa itong walang-hiyang bakang ito!

BAKA: Moo. Maawa po kayo sa akin. Huwag niyo akong patayin.

NATALIE: (PASIGAW) Ano ka?!? Eh di wala na akong papakainin kina Glenn!

BAKA: (UMIIYAK) Moo. O sige po, bago na lang po ako mamatay, tugunan niyo na lang po ang aking huling hiling.

NATALIE: Ano yon?

BAKA: Gusto ko pong manood ng sine kasama ikaw. Manood tayo ng “Mambo Café”.

NATALIE: O sige… tapos kakatayin na kita, okey?

BAKA: Moo.

Scene 4

NARRATOR: Nanood nga ng “Mambo Café” si Natalie at si Roger Clinton. Kagulat-gulat ang reaksyon ng baka sa pelikula.

SFX: MAHINANG TUNOG NG PELIKULANG PINAPALABAS

BAKA: (PASIGAW) Ang corny naman nito, di pa naghuhubad si Thalia!

NATALIE: (PABULONG) Shhh…. Tumahimik ka…

BAKA: (PASIGAW) Anong paki mo? Ha? Ha?

NATALIE: Roger… mahal kita… ayaw na kitang katayin…

BAKA: (PASIGAW) ULUL!

NATALIE: Ano yan? Hindi ba flamethrower yan? Roger! Anong gagawin mo?

BAKA: Cowabungga!

SFX: FLAMETHROWER

NATALIE: Aaaaahhhhh…Makaalis na nga!

SFX: SIGAWAN NG MGA TAO

SFX: YAPAK NG MGA NAGTATAKBUHAN NA TAO

BAKA: Mwahahahahaha! MOO! MOO! MOO! Thalia! I die with honor!

MUSIC: UP AND UNDER

Scene 5

MUSIC: UNDER

SFX: MGA AMBULANSYA

NATALIE: (SELF) Aruy… ang sakit… (ON MIC) Nasaan na ako?

NANAY: Anak! Mabuti na lang at buhay ka! Nasunog daw ang buong mall sa dahilang di nila malaman…

NATALIE: (MAHINA) Paano… paano ako nakatakas?

NANAY: Niligtas ka raw ng isang… isang ewan na hindi nila malaman kung tao ba o guni-guni… Marahil ay si Ke yun…

NATALIE: Siguro nga po. (SELF) Roger, salamat sa paglitgtas sa akin… Di kita malilimutan…

NANAY: Ah oo nga pala may baka raw na naluto dahil sa aksidente sa sinehan! Tara anak, tsibog na!

NATALIE: Tamang-tama gutom na ako!

MUSIC: UP AND UNDER

Standard Extro

MUSIC: THEME UNDER

NARRATOR: Napakinggan po natin kung paano napapamalas ang tunay na pagmamahal sa gitna ng pagkasira ng ulo. Mabuhay si Roger Clinton, ang baka ng kamatayan!

MUSIC: CURTAIN

Hosted by www.Geocities.ws

1